At dahil napaaway ako sa telepono kanina at nagnosebleed ako sa pag-eenglish, pinili ko munang manahimik at gumawa ng mga nakapending na tag. Para naman hindi ako tuluyang mabaliw sa mundo ng trabaho ko....
awan, ah tu, ah wan tu tri por!!!!!!...geym!:)
Ang isang ito eh galing kay Choknat:
ten things you wish you could say to 10 different people right now
(don't tell us who it is)
1. " I miss you all"
2. "Gutom na kooo!"
3. "I wish you love, best wishes!!!!!"
4. "Bangin ka ba? tingin ko kasi nahulog na ko sayo ehh"..(corny..wahahah)
5. "Boses lata kayoooo"
6. "Ikaw, ikaw ang problema ko, wag ka nang magtanong"
7. "i i i....i have to go..."
8. "lagi na lang sya, pwedeng ako naman?"
9. "anak ng tipaklong, hindi komo't pinoy ako at pana ka, mas matalino ka na saken...nauna ka lang kaya ka boss."
10. "hindi ko na kaya, at ang sakit sakit na....."
nine things about yourself:
1. mabait.
2. tahimik.
3. PG.
4. may sariling mundo.
7. di mahilig matulog.
8. ulyanin.
9. mainipin..
eight ways to win your heart:
1. yung bibigyan ako ng maraming pagkain..joke
2. being real.(wrong gramming ata?)
3. kausapin ako maghapon at magdamag..pag nauna kong mapagod...panalo ka!!!!
4. kapag tinopak ako kaya niya pa din akong patawanin.
5. para syang goldilocks..thoughtful
6. maginoong ways pero hindi parang seminarista..wahahha
7. ipagluluto niya ko ng paborito kong pagkain.
8. kakantahin niya ng hindi nabubulol ang paborito kong kanta (stay)
seven things you want to happen to you before you die:
1. maging saksesfool..
2. maging responsible at sensible..alam nyo naman siguro kung bkit..haha
3. mapabalik sa putikan ang mga nang-apak saken..joke
5. makapunta sa.....Paris
6. mapagtapos ang mga bata..yung mga kapatid ko sa pag-aaral.
7. marinig ulit ang malulutong na mura ng nanay ko.
wer na is 6? :D
five turn offs:
1. maingay na lalaki. (oo, para sken pangit tignan yung ganun)
2. insensitive
3. playing safe.
4. pa-gentleman effect di naman totoo
5. yung yung yung..papansin..
four turn ons:
1. down to earth.
2. kalog. yung kahit batukan ako pag naguusap kami ayus pa din..mga ganung bagay.
3. maganda yung mata..sarap titigan ee..wahahah
4. yung yung yung..mahilig din kumain..weee
three smileys that describe your life:
1. :D all teeth smile
2. :(--wla ako sa mood
3. :-/ nagdadahilan lang
two things you wish you never did:
1. umabsent sa work kahapon.
2. pumasok ngayon, sna hindi ako napaaway..wahaha
one confession:
may sikreto ako..pero dahil sikret yun, di ko sasabihin!hahah
At dahil tag toh..ipapasa daw dapat...Papasa ko kay: Pogi, CM, Dhi at Jez
Next up! Ang Broom -broom echoz ni Biiba..Mga sasakyan daw na nasakyan sa buong lifestory mo. Hmm.. Try ko masagot kasi lagi lang ako naglalakad ee. Hehe.
Dyipni - kelangan tagalog? Oo, bakit ba -- Pinoy ako ehh. Eh kasi peborit ko yung jeepney na kanta ng Spongebob este Spongecola pala. Hmm. May jeep kasi kami at sa bayan ng Kabite at Pasay - kung saan ako nanahanan ng humigit-kumulang ilang taon, jeep ang popular na sasakyan. Pero kung medyo sosi ka at nagiinarte pwede rin namang :
Bus- Sinasakyan ko pag may school fieldtrip, pag matagal ang dating ng jeep galing Salitran papuntang Bayan, pag nagiinarte ako at ayaw magitgit at masiksik sa loob ng jeep. Di ba? May libre pang vandal sa mga silya kung gugustuhin mong makivandal. :)
Tricycle- Pag galing ng palengke, para mamili ng uulamin. Eto ang pinakasikat sa may baryo namin. Lalung lalo na nung nasira ang tulay ng Salitran.
Trolley- sasakyan ba toh? Haha. Ewan ko, pero meron ako nito. Ginamit ko sya hanggang sa mag-edad 19 ako. Napagalitan lang ako ng bongga kaya ko hininto ang paggamit ng trolley sa kalsada. akala ko kasi ok lang --yun pala para sa lalaki lang yun.:)
Stroller- nung baby ako, dito ko nakatambay palagi. Wahaha
Bangka / Barko - nasakyan ko nung nagbakasyon ako sa Batangas kasama ang lola ko. Nasakyan ko din nung nagpunta kami sa Gallera, probinsya ng insaness ko.
Bike - asteeg ang BMX. Wahaha. Gamit ko pag nagtatago ako sa nanay ko para di nya ko utusan bumili ng suka sa kanto. Wala nga lang akong utak at sa may gilid lang ng bahay namin nagtatago kaya nahuhuli pa din ako. Madami rin akong peklat na nakuha sa bike kong toh. Dahilan kung bakit hindi ako nagamit ng mini-skirt. Weet weew.
Erpleyn - C/o Cathay Pacific. salamat sa napakasarap na Mutton Biryani. Mga twelve hours kong hinintay makalapag ng Dubai bago ko makakain ng pagkaing angkop sa panlasa ko. "Demn you Biryani!!!!":). Syempre, lulan nito eh narating ko ang eber labing UAE.
Taxi- Pana-dolz, Patan, o Arab. Mamili ka ng lahi pati amoy--sila ang mga driver dito. Asteeg. Dito ko naranasan ang magsalita ng sobrang babaw na ingles dahil hindi ako maintindihan ng mga drayber pag sinasabi kong "Stop the cub, im getting off here!".
Bus (ulet)- syempre iba toh. sa abroad na ehh.. Lalu pa't si Daddy ang driver. Ang dakilang serbis ko na apat na beses na kong naiiwan dahil sa kakupadan kong gumising sa umaga. Wahaha. Kasama din sa adventure sa bus si busmate na kanina lang eh pinalipat ko ng seat plan dahil masyado ng madumi ang mga adhikain saken. hehe
Si suZuka - ang kotse ni nasnip. Syempre, sya ang kasama namin sa mga kembot na ginagawa namin nila nasnip..Hehe.
Ayan, madami na yan. Pero di ko na iwewento yung iba. Tama na ang petiks. Hmm.. Sabi ni Yanah ipasa daw. hmm...Papasa ko toh kanila : Super G, Azel at Jez
8 comments:
waaaa...aheks..cge kunin ko sa susunod...aheks....weepeee... salamat salamat.. ^_^
kakatuwa naman ang into. awan, ah tu, ah wan tu tri por!!!!!!...geym!:)
kakatawa kc mas na-excite pa atah akong gawin yang tag na yan keysa basahin yang ginawa moh sa tag. hehe. lolz... teka makibasa lang muna =)
4. "Bangin ka ba? tingin ko kasi nahulog na ko sayo ehh".. ---> hihhhheeee... sino 'un? teka inluv kah at inluv si batman?... hmmmm... hehehe... lolz. teka. juz wanna let yah know kaw ang napili kong girl version ni batman. 'la lang. hehe. =)
hmm.. tahimik kah. tlgah lang ha? lolz. teka anong PG? ulyanin. haha... nde tayo puwede magsama. hehe.
to win 'ur heart. naks. para syang goldilocks... thoughtful. hihheee. galing sa mga quotes ah. parang kilig na kilig lang akoh sa binabasa koh noh? lolz.
yeah pangarap koh ren yang makarating sa paris. baka magkita kitz na lang tayo don sis jenskee =)
turn ons: oo 'ung funny at may sense of humor at di pikon.
salamat sa pagpasa nang tag. =) at syempre nakibasa sa isa moh pang tag. aliw kah magkuwento. nag-enjoy akoh. salamat. para lang kitang ginawang movie noh.
ingatz sis jenskee. Godbless! -di
seven things you want to happen to you before you die:
1. maging saksesfool.....natupad na yan dahil isa ka nang seksingfool..hahaha..
offs!
tahimik ako..hahaha
ons!
sayang di ako mahilig kumain...lolz..
jadik ka talaga!...ulyanin!
wahahahaha...dalawa yan ah..naku poh, mukhang mapapalaban ang isip ko dyan ah..heheh
uu nga, baket walang sex este six pala?
-Super G-
no probs..
hehehe..
-DHi-
ang kulet..
parang nahiya tuloy ako nung hinimay-himay mo lahat..amf..
lalu na yung sa bangin..nyahaha
ako kasi si lola basyang dati..
kaya magaling ako magwento..
sismosa din ako nung dati sa pinas kaya nadla ko lang siguro sa pagba-blog..
see you in paris! :)
-B1-
madami kang alam..
tahimik ka pa nian ahh..tsktsk..
magc2 ka muna..wahahha
hahaha
gumaganun ka pa..sino muna si girl?hahaha
-Jez-
mareeee...
hindi pala no.6 yung wla..number 4..hhehe..gawin mo mare..pang alis stress..abangan ko ahh
lam mo yung number 8... may gusto rin ako pagsabihan niyan.. hay..
hahahaha
nagkalat ang mga tags. haha. murneng
Post a Comment