Kahapon lang ay sa papel ako nagsusulat ng aking mga walang wentang naiisip. Naaalala ko pa, sa ilalim ng punong acacia, na madalas eh kinatatakutan nilang puntahan - naroon ako at nagkukubli, tanging ako lamang at ang aking bolpen at papel. Ang pagsulat ang tanging bagay na nagpapalaya sakin mula sa mundong punung-puno ng panghuhusga at pang-aalipusta, isang mundong tanging ang pisikal na anyo lamang ang unang napapansin - at iniisantabi ang damdamin at tunay na katauhan ng isang tao. Mundong punung-puno ng kasinungalingan, karuwagan at kalupitan.
Humakbang ako papunta sa hinaharap baon ang angking talino, talento, at tapang. Saglit na inisantabi ang emosyonal na paghihirap - pinahid ng maduduming kamay ang mga luha at pilit na bumangon mula sa pagkakalugmok. Minsan na kong nadapa, at muling bumangon, hindi para sa aking sarili, kundi para sa aking mga mahal sa buhay. Oo, kailangan mong mabuhay at ipagpatuloy ang pakikibaka sa mapaglarong ikot ng buhay--para sa kanila.
Pero hanggang kelan? Hanggang Saan?....
Hangga't kaya. Hangga't kakayanin at kaya mo pang bumangon sa bawat umagang gisingin ka ng magandang sinag ng araw. Hangga't alam mo na sa bawat pagbukas ng bawat isang araw ay kaagapay nito ang isang magandang simula. Magandang simula na magbibigay wakas sa isang mapait na nakaraan. Isang magandang oportunidad upang baguhin ang mga maling nagawa sa nakaraan at hangga't maari ay wag nang dalhin pa sa kasalukuyan at hinaharap.
Minsan, gusto ko nang sumuko at iwan ang lahat ng meron ako. Tumakbo at magtago. Magpakalayu-layo at pilit limutin kung sino at ano ako sa kasalukuyan. Gusto ko nang takasan lahat ng sakit, pait, paghihirap at pagmamahal na nananahanan sa aking puso. Subalit lumapit ka at tinawag ako.
Tinawag mo kong papalapit sayo. Sa oras na hindi ko na alam kung paano ko pa ipagpapatuloy ang aking pagmamahal sa pagsulat. Sa oras kung saan wala akong masabihan ng aking mga suliranin sa buhay. Sa oras kung saan...wala na ang lahat sa akin. Ikaw ang nagbigay liwanag sa buhay kong nagtatago sa dilim at kalungkutan. Binigyan mo ko ng pagkakataon na muling maging masaya, muling magmahal, at higit sa lahat...patunayan sa lahat na ako ay may silbi pa pala.
Salamat sayo. Oo ikaw nga. Salamat sayo.
Salamat.
Salamat.
Salamat Blogspot! Dahil sa wakas nakarating ako sa 99th post ko. Yahoooo!!!!!!Tagay pa!!!wahihihi...
21 comments:
pa kape naman... hehehe!
paburger ka nman dyan..
kongrats
@Marco...
sige ba..punta ka dito..
libre kita starbucks..
mas mura dito ehh..
hehehe....
@kosa...
kendi ko muna asan na?
hmf..
di na nga pla ko pwede ng kendi..
heheheh...
sige sige..next time papaburger ako..
congrats!
sa akin khit sago & gulaman lang! miss ko na un...
god bless!
congrats...mkakarating din ako sa 99 na yan,hehe
tagay pa, hbang malamig at umuulan.
wala akong maireak kundi
kongratsuleyshuns.
saka na muna.
wala sa mood.
ganda nito ah..
congrats sa 99th post! :D
@ate bhing..
opo nga..
nakakamiss yun!
samahan na din natin ng kwek2 pati ng fishball at kikiam..hehe
(nagutom tuloy ako)..heheh
@HNs..
oo..basta blog lng ng blog..
heheh
shige pare..lasheng na ko eh..
@yanah..
anu yun?
parang matandang dalaga lang ah
hehehe
sama ka bakla?
punta kami beach mamaya..
weeee...
abangan mo na lang ang pics..weee
wow..kaya pala bagong layout..happy 99th..
ang sipag mo talagang mag-update..
keep up..
@choknat...
hehe..
salamat poh!..
@vanvan...
hehe..
di nmn..
bago xa kasi may topak yung lumang layout ko..
thanks thanks..:D
ang sipag natin magpost these days ah... twice a day...
buti ka pa 99 na...
ako nakaka 50 pa lang... kaya lang ung 50th post ko di ko naipagdiwang baka mabasa ng judges! hehehehe!
sulat ng sulat hangga't may keyboard!
patuloy akong susubaybay!
@gillboard...
inspired pare..
inspired...
hahaha
@azel...
adik ako ehh..
achievement na sken toh..
nyahaha
papagawa nga ako ng medal sa rolla..
nyahaha...
salamat..
salamat..
:D
yung 100th post ko entry ko sa slogan making kontes..:D
taragis ni azel..hehehe! masakit sa puson to...bitin..di mo nalang ginawang 100 para millenium supermarket na..lolz..kaya pala kinareer mo ang pagbago ng lay-out mo, yun pla bonggang 99 ka na...hahaha
yan ang magppatunay na ADIK ka nga!
pa chakwing ka naman jan....o tagay na lang mas masarap....
Congrats mare, pakain mo na "burger mo" ... tanong mo si IZIL kung bakit may quote ung burger mo lolzz , sya may pakana nyan eh :D
@pogi...
mas marunong ka pa?
blog mo ba?
joke..
hehehe...
adik ka..
isaw lang keri ng budget ko dahil nagpabracelet ako ng ngipin diba?wahahah
@cm..
hahha...
kayo nga ang dapat magpaberger nho...
mafi berger..:))
salamat pare..:D
ate, pa-kanton ka naman..hahahaha
galing
mas gusto ko yung histura ngayon ng mundo mo...mas nakakatuwa yung kulay
@eric...
lola!
hindi ako magaling, adik lang talaga...
gerla ko ngayon kaya naman inayusan ko ng bonggang bongga ang hayla ko..wahihihihi...
salamt sa pag-appreciate! :)
happy 99th post! yahoo...yeah pakape kah.... sige nah... wehe.... ganda nang pagkasulat moh sa entry... amazing den tong mundong blogpshere... nailalabas moh minsan ang hinaing moh at may mga taong handang dumamay sau... teka seryoso atah... dapat masayah... wehehe... 'la pa kc akong ganong kinakain ngaun... mababa energy level koh... tsk! sama kc pakiramdam koh.. kahapon pah...pero nagblo-blog eh noh... parang gagaling akoh d2..lolz... sis jenskee!!!! na-miss kitah sa plurk kahapon... i was lookin' for u.... (pa-sweet den) lolz... ingatz lagi... again happy 99th post! yahoo.... Godbless! -di
@dhianz...
tenk yu sis!
hehehe..
ngayon lang ako nakaabot sa 99th post...
nakatatlong blogs na ko which unfortunately, i failed to maintain...
hehehe..
may lakad kasi ako kahapon kaya ndi ako nakapagplurk..:D...
slamat.!!..
kape tayo mmya..gusto mo?hehe
phbol ng pgbati! congrats! :D
kudos!
Post a Comment