30.4.09

Mokong

Mahirap mamili ng daan na tatahakin lalu pa't hindi mo alam kung saan mo nga ba gusto magpunta. Mahirap mag-isip ng para sa ibang tao kung ikaw mismo, walang kasiguruhan at kapayapaan sa iyong isipan. Kapag nagdesisyon tayo, tayo at tayo lang ang pwedeng bumago nun, kelangan mo mag-isip isip ng sandaang beses bago ka magbitiw ng isang oo o hindi.


Humigit-kumulang ilang bwan na rin kaming magkakilala ni Mokong. Makulet, mabait, gentleman (daw) siya. Muy simpatico rin naman kung minsan talaga---ipagbubukas ka ng pintuan, hihilahin ang silya para maupuan mo, papayungan ka pag umuulan, tatanungin ka bawat minuto kung kumain ka na, papatayin ang langaw pag dumadapo sa gusgusin mong katawan, pupulbuhan at me-meyk ap an ka pag mas muka ka nang lalake kesa sakanya, patatawanin ka sa pinaka-corny na joke niya, at tatanungin ka pa (ulit) ng mga bagay na gusto at ayaw mo. Hindi si Mokong ang unang manliligaw na nagkamali saken. Meron ding iba. Pero yung iba, madali kong natatakot sa pamamagitan ng killer eye at mga pangako kong gagawin kong miserable ang buhay nila. Pero sya, malapit niya na kong mapahanga (malapit lang, pero hindi ko sinasabing ngayon na yun, o sa isang bukas, bahala na) Sa araw-araw na ginawa ni Papa God, andyan sya para saken (may topak man ako o wala, nakangiti pa din sya). Oo, hindi ako maganda, pero choosy ako. Bakit ba? libre naman mamili ng ide-date at manliligaw..madaming lalaki sa mundo...ayun nga lang..hindi lahat sila....


















may kakayahan na kilalanin ang isang kagaya ko...

15 comments:

poging (ilo)CANO said...

aha!...parang kilala ko ung tinutukoy mo B2....hmmm...siya ba ung inindian mo noon..hehehe

o ung nasa malayo..toinkz...

2ngaw said...

Question!!Sino pipiliin mo, ung taong mahal mo na hindi ka mahal o ung taong mahal ka kahit di mo mahal? :D

Deth said...

yiheee...kinikilig naman akuh.
ito ba yung ayaw subukan, tikman mo lang, malay mo masarap...hehehe

A-Z-3-L said...

aba! huli ako sa balita... sino si mokong? update.. update!!!

pakitanong kay mokong anong brand ng make-up ang maganda sa fez mo!!! hahahaha!

bomzz said...

Tado
Tukmol
Tukmol agen
Mokong

....

Kumag....

hehehe nang hula lang!
parang weirdo tayo ngayon ah.. inlabo naba ng tunay??!!! chismizzzzzzzz heheheheh

bomzz said...

inlababo naba ng tunay...

nag kamali pag type yung kasama ko.. for real... hehehe

Jez said...

AZEL...hahhahahaha..mare, natawa ako sa banat mo ah..hehe pwedeng paki sali na rin face ko kung anong bagay na make up/foundation.,..hehehe


JEN...tama yan mare, select and select..abah, in the end kailangang mo namang maging happy. kaya kung ayaw sa iyo, eh di huwag. maraming lalaki sa mundo sabi mo nga,,.,(ay, marami nga ba? parang pakonti na kasi sila eh..)

sabi mo one week lang ngiti sa labi mo kapag nasa ganyang sitwasyon ka..eh higit kumulang ilang buwan na pala ang lumilipas at mukhang...hhmmnnnn..ibang level na yang nararamdaman mo mare ahhh..kung ganon,,,pacanton ka naman!

gillboard said...

sagutin mo na kasi!!! sige ka, baka isang araw may makita yang iba!!!

hehehe... nananakot lang... ituloy mo lang yang ginagawa mo...

Roland said...

haha, parang ayaw mo nmn magpa comment
ang hirap hanapin eh.

swerte naman ni mokong, pag nagkataon!?

nice 1, my mananggg!!

Hari ng sablay said...

ayee kinilig ako dun ah, buti wala akong kasama dito kundi npagkamalan akong baliw basta na lamang nkangiti,haha

eMPi said...

inlabo ka na... hmmm... sagutin na yan! pahirapan pa e... hehehe!

teka sagutin mo ang tanong ni Pareng CM... yong din sana itatanong ko e... :)

EǝʞsuǝJ said...

-pogi-
haha...xa yung inindian ko b1..
cno ba yung nasa malayo?ahahaha

-CM-
hmm..tough question..
pero pipiliin ko pa din yung mahal ko kahit hindi ako mahal..ewan ko pero pag ganyan ang pilian, yan tlga pinipili ko ehh...

-Deth-
ayuko ng ganun DETH..
gusto ko masigurado muna ang isang bagay na "akin" tlga, bago ko tikman..nyahaha

EǝʞsuǝJ said...

-Azel-
pini-em ko yun sayo kahapon diba?
yung tungkol sa "kimchi"..
ayun yun..hehhe

tama...kung anong makeup yung hindi nakakapimples..nyahahah


-Bomzz-
hindi ako inlab kuya..
nagkwento lng po..:)

-Jez-
haha..
hindi ko sya "gusto" mare..heheh

-MAnong Roland-
magpapalit ako ng template manong sa isang bwan..ok ok?
haizzzt...
kelan kaya yang pag "nagkataon" na yan?hehehe

EǝʞsuǝJ said...

-gillboard-
weno ngayon kung makahanap xa ng bgo??
yun nga hinihintay ko eh..

hhehe..joke..
di pa kac ko ready..:(

-Hari ng Sablay-
hehe..ganun..ako nga di pa tapos magsuklay gang ngayon dahil sobrang haba na ng buhok ko ehh...joke

-Marco-
hmm..
chka na Marco..
may hinihintay pa kong "sign"..heheh

<*period*> said...

weeeeeeee..kinilig ako


weird ba?

soweee

ganiyan na ganiyan din ako kapag ang pakiramdam ko ay nais kong kumanta ng 'still the one' ni shania twain

ahahaha