Mahirap mamili ng daan na tatahakin lalu pa't hindi mo alam kung saan mo nga ba gusto magpunta. Mahirap mag-isip ng para sa ibang tao kung ikaw mismo, walang kasiguruhan at kapayapaan sa iyong isipan. Kapag nagdesisyon tayo, tayo at tayo lang ang pwedeng bumago nun, kelangan mo mag-isip isip ng sandaang beses bago ka magbitiw ng isang oo o hindi.
Humigit-kumulang ilang bwan na rin kaming magkakilala ni Mokong. Makulet, mabait, gentleman (daw) siya. Muy simpatico rin naman kung minsan talaga---ipagbubukas ka ng pintuan, hihilahin ang silya para maupuan mo, papayungan ka pag umuulan, tatanungin ka bawat minuto kung kumain ka na, papatayin ang langaw pag dumadapo sa gusgusin mong katawan, pupulbuhan at me-meyk ap an ka pag mas muka ka nang lalake kesa sakanya, patatawanin ka sa pinaka-corny na joke niya, at tatanungin ka pa (ulit) ng mga bagay na gusto at ayaw mo. Hindi si Mokong ang unang manliligaw na nagkamali saken. Meron ding iba. Pero yung iba, madali kong natatakot sa pamamagitan ng killer eye at mga pangako kong gagawin kong miserable ang buhay nila. Pero sya, malapit niya na kong mapahanga (malapit lang, pero hindi ko sinasabing ngayon na yun, o sa isang bukas, bahala na) Sa araw-araw na ginawa ni Papa God, andyan sya para saken (may topak man ako o wala, nakangiti pa din sya). Oo, hindi ako maganda, pero choosy ako. Bakit ba? libre naman mamili ng ide-date at manliligaw..madaming lalaki sa mundo...ayun nga lang..hindi lahat sila....
may kakayahan na kilalanin ang isang kagaya ko...