6.4.09

IDEOLOHIYA

Bumukas ang telon at ang bida'y lumabas
ang mga tao'y nagsipalakpakan ng walang singlakas.
Ang bida'y inabutan ng isang kumpol ng rosas
Bilang badya ng pagtatapos ng kanyang palabas.

Ang bida'y nagtungo sa silid-bihisan
Binura ang kolorete sa kanyang mukha,
ang mga tao'y isa-isang nagsi-alisan,
Naiwan na lamang ang bida ng mag-isa.

Sa gitna ng karimlan
ang bida ay biglang lumuha
Ang kasikatan ay nakamtan na
Subalit tanging pag-ibig na nais niya'y wala na!

Humarap siya sa salamin
upang nakaraaan ay muling isipin
sinipi ang bawat sulok ng alaala
Inisip ang una nilang pagkikita.

Lumuha siyang muli at tinigil ang pag-alala
ang kanyang mahal ay pag-aari na pala ng iba,
ang bida ay naiwan ng nakatunganga
oh kelan pa darating ang taong maaring magligtas sa kanya!?!

8 comments:

2ngaw said...

Huwag kang mag alala aking sinta...
maya maya lang ay darating na...si BATMAN nyahahaha lolzz

EǝʞsuǝJ said...

-Pareng CM-
anu daw?
haha..
pag dumating si batman
hindi na si "BIDA" ang bida..
hahahhahah

A-Z-3-L said...

Nahulog ako sa silya
sa kumento ni Kuya
Aba! may katwiran sya
si Batman ay paparating na!
______________________

(backspace... backspace...)

Nakow! ayun nga't napagawa ng tula ang duguang puso ni JEN. hala... gagawa na ba kami ng puto para i-partner sa dinuguang puso mo! (toinks!)
_______________________

O, Ferdie, Ferdie, wherefore art thou Ferdie? Deny thy father and refuse thy name; Or if thou wilt not, be but sworn my love. And I'll no longer be a Capulet.
________________________

hala! makapagwork na nga muna!!!

Ken said...

o pag-ibig na makapangyarihan, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang. Bakit kung sino pang minamahal, siya naman ang parang ayaw. Bakit pag ako ang minahal, parang di ko alam ang gagawin...


Hay, makata man sana ako nuong highschool pero parang di ko alam gumawa ngayon...

Jen, okay ka na ba? Health? Heart?

Ito ba yung version ng LOVE SUICIDE? Parang meron din nito sa Abu Dhabi na blog ah.

EǝʞsuǝJ said...

-Azel-
xaxa..
iluto ang dinuguan at ako'y pupunta jan
galing sa sharjah..:)

-Kuya Kenji-
hahaha
ok nmn po ang heart..
ok na ok naman xa dahil past is past is past is past is past...
:)

eh yung health ang hindi..
kaya lang kasi lam mo naman...
di rin ako makapahinga dahil inaalala ko din yung maiiwan ko dito sa work :(

poging (ilo)CANO said...

Bumukas ang telon at ang bida'y lumabas, ang mga tao'y nagsipalakpakan ng walang singlakas, pinatay ang ilaw at isang malakas na tinig ang lumabas.....(pasigaw)ako....ako....si BATMAN ang tagapaglitas ng mga taong umiiyak.....lolz...

@CM,
kumpare, kinabahan nama ako sainabi mo....lolz...tambling na nga lang ako...toinkz...

eMPi said...

darating din yon... hintay hintay lang... :)

EǝʞsuǝJ said...

-P0gi-
adik!
entry ko yan
bakit epal si batman?
ahahahhah...
sige more tumbling more fun!

-Marco-
hehe..
bibili na lang ako, at least yun saken tlga..joke