20.4.09

--Ang Kwento ng Posporo at Palito--

Ito ay kwento ng mga magkakaibigang palito na nakatira sa isang posporo. Ang wentong ito eh pirated lamang mula kay Father Serge na winento niya noong mass last friday...

Ang magkakaibigang ito ay naniniwala na kapag inilabas na sila ng sinuman mula sa kanilang tahanan at sinindihan, sila ay mawawalan na ng silbi at mapupunta sa kawalan. Isang araw, isa sa mga palito ay kinuha at sinindihan. Matapos siyang masindihan at magsilbing ilaw sa kadiliman, agad siyang hinipan at itinapon. Agad na nagpulong-pulong ang mga natirang palito at inisip nila kung ano nga ba ang mundong naghihintay sa kanila sa labas ng posporo. Maya-maya pa, isa sa kanila ay agad na kinuha at sinindihan (ulit), matapos na magamit ang kanyang liwanag, siya ay muling ibinalik sa kahon ng posporo. Nagsipaligid sa kanya ang mga kaibigan niyang posporo (mga usisero..tsktsk), at agad siyang tinanong kung "Anung mundo ang meron sa labas ng kahon ng posporo"---Marahan niyang sinabing: "Mga kaibigan, maganda ang mundo sa labas ng kahon na ito, at hindi lamang tayo basta-bastang mga palito lamang, bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang silbi. Ang liwanag na matagal na nating minimithi at hinahangad ay mula pala sa atin mismo..."

--Just a thought to fonder :)

15 comments:

A-Z-3-L said...

ayun si lola nagkwento na.. lola pakandong.. tapos wento mo ung pagong at kuneho.. tapos fairy tale naman.. tapos ung tungkol kay shaider.. tapos ung XXX na.. yehey! may lola na ako! may magwewento na!!!

eMPi said...

hmm... mukhang malalim ang kahulugan na yan... sabi nga sa kwento may kanya-kanya tayong silbi sa mundo... bawat isa sa atin ay minsan nag iisip na parang wala tayong silbi sa mga taong nakapaligid sa atin pero hindi lang siguro natin na-realize o naramdaman yon... kasi yong ibang tao naman hindi maipakita na tayo ay mahalaga sa kanila.

=supergulaman= said...

may tama si father...ahehehe..bawat isa may halaga...may silbi...

..maganda ang kwentong ito...maraming konsepto sa buhay na maaaring iugnay...halaga, tiwala sa sarili, ganda ng mundo, contentment, fulfillment, takot sa pagbabago, at pakikipabaka sa buhay...

...ayuz.. ^_^

EǝʞsuǝJ said...

-azeL-
hahaha...
epekto ito ng pakikipagbonding ko sa lola ko..heheh..nahahawa na ko..naku naku naku..heheh...

-Marco-
yup yup...
minsan kasi yung mga tao sa paligid naten eh hindi naaapreciate kung ano yung kaya nating ioffer para sa kanila, as well as kung ano yung meron tayo bilang isang individual..

-Super G-
honga..next week nga eh magpa-pirate uyet ako ng wento sa kanya..hehe

yun yung dapat naten marealize..na maliit man tayong butil ng buhangin na inilagay dito sa mundong ibabaw..nakakapuwing pa din..heheh

bomzz said...

kahit anomang bagay talaga dito sa mundo ay may kwento at mapupulutan (bicol espress) ng aral...

i like it... nakikining ka talaga sa sermon ni pader serge....

ayus...to... Jen..

Keep the Faith

Bomzz JOvi

EǝʞsuǝJ said...

-Bomz jovi-
hehe..pulutan..tsktksk.tagay pa kuya..

hehhe..syempre naman nakikinig ako ng bongga sa sermon..alam kong makakatulong eh..:)

mamatz...

2ngaw said...

mareng jentot!!!Ikaw ba yan?!!!Bakit may sense ka na?!!! nyahahaha lolzz

Galing galing kwento...kaya dapat minsan maging bilib tayo sa sarili natin, dahil di natin alam sarili lang pala natin ang magiging solusyon o paraan sa bagay na gusto natin makuha

EǝʞsuǝJ said...

-CM-
honga nho..hahah..di bale bawi ulit next time sa nonsense na post..

magaling lang ako sumismis..si Father ang magaling magwento..
tama tama tama..
be confident--wag lang sobra sobra..ehehe..:)

Hari ng sablay said...

huwaw ang gling naman ni father. aus ang metaphor. tama ba?hehe

hindi ntin alam nasa sa atin pla ang sagot sa ating mga ktanungan.

ang isang pngkaraniwang tao, ay nkakapagdulot din ng liwanag sa kapwa niya tao.

PaJAY said...

hehehehe....lolang lola ah....lolz...


may natutunan ako dito...

na dapat ibalik yung sinindihang palito pagkatapos para may mag wento sa mga di pa nagamit na posporo....hahahahahaha...

dapat talaga ganun at kung hindi..baka maging bahay ng gagamba ang caha ng posporo...hehehehe

takte!...

nice Jentot...

EǝʞsuǝJ said...

-hari ng sablay-
aiwan ko..metaphor nga ba tawag dun?
hehehe..
minsan kasi nakikita lang natin kung ano yung gusto natin makita eh..
tama..bawat isa saten eh may kanya-kanyang uniqueness..haha..
unique-ness..la lang..

-Pajay-
Lola ba? hehe..ayus lang, sa pagwewento lang naman eh

tama..dahil magkakalat tayo pag ndi ibinalik sa loob ng posporo yung palitong nasindihan na..

may silbi pa din pag ginawang bahay ng gagamba ayt?
hehe..

Jez said...

hhmmnn...mare ah, ikaw ahhh sino ang nagbigay sa iyo ng liwanag at ganyan ang wento mohhh..hehehe

napakamahulugan. lahat ng bagay na nilikha Nya, ay may halaga!

apir, apirrrr!!!!

ps
word verification: unkisti. hindi ko man maintindihan, pero siguro may dahilan bakit un word verification ko..ahehehhe

EǝʞsuǝJ said...

mare???!!!?
panu mo naman nasabi? sermon yan sa misa nung sang araw..tsktsk..
nainspire lang ako kaya ni-share ko sa inyo..

naks naks naks.ngiti pa tayo mare..
hehe..ako lapse na yung 1 week eh..hehehe

wala naman akong mabuong salita jan sa word verification mu ehh..
hehehe

gillboard said...

Nice... namiss ko na makarinig ng isang magandang sermon... makadaan nga ng simbahan minsan..

Vhonne said...

napadaan lang po... nag search kc ako ng about sa palito ng posporo.. at ito ang nakita ko... about dun kc ang sinulat ko ngaun.. pero medyo magkaiba ng point of view sa sinulat mo... hehehe... gandang umaga...