Pag nahawi ang ulap
sisilip ang mga mata mong maiilap
magtatanong ng mga bagay na wala sa ulirat
na kahit sa aking isip ay hindi maapuhap.
Luhang matagal nang nais itangis
sa kaibuturan nitong pusong ito'y tinitiis
O bakit kay hirap ngumiti
Kapag alam mong sa iyong puso, kalungkutan ay nanatili?
13 comments:
malaya ka...
malaya kang kumawala sa kung ano mang nararamdaman mo...
nasa sayo ang susi sa lahat....
Itong si tukmol likas atang layas!
Parang gusto atang buhay ay magwakas!
Kahapon ay bitbit ang maletang mabigat
Ngayo'y nakarating na sa punong matikas.
Dyan ka ba titira, ha? tukmol!
Dyan ka ba tatangis at uungol?
Dyan mo ba gustong magpahinga at humimlay?
Malaya ka, hangga't ikaw ay may buhay!
Sakaling matapos na ang yong paghihinagpis
Subukan mong sa tahanan nyo'y magbalik
Dahil sa lahat ng lugar, tanging sa tahanan
Kapayapaan ng loob ay matatagpuan!
_________________________________
taragis! isa ka bang kapre ha tukmol?!?!?!?! bakit sa punong yan ka pa pumunta... kasya ba ang maleta mo dyan? di kaya malaglag lang un pag isinabit mo sa sanga nyan? pero teka, pwede bang makiupo sa bangko?
Natawa nman ako sa comment ni AZEL :)
Xensya na mare, wala akong masabi...eto na lang...buhay mo yan, ikaw ang may hawak, wag mong hayaang kontrolin ng iba...
-Yanah-
.....
-Azel-
hindi jan titira si tukmol..
dumaan lang sya jan para tignan ang magandang tanawin...
para makaramdam ng kapayapaan at katahimikan...
sa kanyang tahanan nagkukubli ang isang malupit na katotohanan..
katotohanan na kailanman hindi siya napapabilang doon...:(
-CM-
salamat pare..
tama ka..
wlang sinumang nag-aastang superhero ang nararapat na kumontrol nito...
hoi, bakit wala ang comment ko sa first tukmol? hay nakakabanas...hehehe, alam mo ba na ang tukmo sa bisaya ay parang aswang, ay kapre, ay, parang ganun...
di ako nakapasok today sobrang init, uminit ulo ko. hehehe, sumakit...sa kakaisip ng LOVE EQUaTIOn,
tukmol nga..lols
teka bakit tukmol?
hahaha... natawa rin ako sa comment ni azel...
agree ako kay CM... wala akong masabi e... hehehe!
pero sige na nga... ito na lang lilipas din yan :) kung hindi para sayo wag nang pilitin :)
-Kuya Kenji-
hmm..di ko po alam..
baka di mo nasave? nyahaha
madami akong gamot dito kuya..bigyan kita? gusto mo?hehe
-Kosa-
tukmol...
eh kasi..
yun yung tawag sken ng bespren ko pag nag-iinarte ko..
"tukmol"..:)
-Marco-
honga..
lilipas din yan..
baka dala lang ng pagiging "moody"...
hehe..tenks
nakakalungkot naman, pati si miley cyrus dumadagdag sa kalungkutan...
smile...cheer up...life has so much to offer... :)
pls visit my blog
barttolina.blogspot.com
tnx!
nice post :)
aba bukod sa pagiging mahusay na accountant
talentada rin pala bilang makata
nax rhyme yun ah!
:D
Hns..
oo nga..tsktsk..sad trip ehh..hehe
Roland..
wahehehe..
nambola pa..
minsanan lang ako nakkagawa ng rhyme..
pag nasa emo mode..:D..
tenks manong!:)
Post a Comment