Nabasa ko yang tanong na yan habang ako eh nagbabasa ng aklat na nakakasunog sa balat ng mga kagaya kong "makasalanan", kaninang umaga.
Tahimik akong tumunganga sa bus papuntang opisina, (para na rin mabawasan ang mga nagkakasalang bolero sa mundo--ay heyt yu busmate!!!). Sa tatlumpung minutong byahe ay sinubukan kong isipin kung ano nga ba ang mga pamantayan na sinusunod ko, kung kanino ko ibinabase ang lahat ng mga katarantaduhan, kagaguhan, kaepalan, kakulitan, at kaingayan ko sa buhay. . Ako? Malabo talaga ang mga pananaw ko sa usaping yan.bawat isa. Ewan ko, dala na rin siguro ng lupit ng katapusan ng bwan ng Marso kaya di gumagana utak ko.
Malawak ang usaping ito. Pwedeng gamitin ng mga propesor para gawing topic at pag-awayan sa klase ng debate. Duguan nga lang ang ilong nila pag sa english debate ito nataon. Hehe. Epal lang.
Anu nga ba?
Sino nga ba?
alin nga ba ang basehan ko sa pagiging AKO?
Nung bata ako.
Pero bata pa naman ako ngayon.
---plasbak---
Ayun, nung mas bata pa ko kesa sa ngayon, iniisip kong maging isang sikat na singer / songwriter. Katunayan nga niyan eh madami akong nalikhang kanta nun. Ang mga kanta ko tungkol sa aso, sa langgam, sa kuto, sa nanay ko, sa tatay ko at kung kanikanino at anu-ano pang mga maliliit na bagay ginagawan ko ng kanta. Nung bata ako hindi ako pinapakanta sa mic dahil nakakabulahaw ako ng mga natutulog na kapitbahay. Para daw kasi akong nanghihikayat ng rally pag nakanta ko ng "samwer awt der" saka ng "be breyb litel wan". Haha. Ayun, tapos nun, nung nabasag ng nanay ko ng tuluyan yung trip ko sa pag-awit at pagkatha ng mga kanta, sa pagaabogago este pagaabogado naman ako nawili. Wala lang, natuwa lang ako kasi nakakatuwa yung mga argumento sa korte, asteeg. At syempre, tinutulan din yun ni Naynay at binigyan ako ng ibang trip. Pinakilala niya naman sa ken ang laruan na medicine kit at kung anu-ano pang mga bagay (FYI..nung bata kasi ako, hindi ako pinapalabas para makipaglaro sa ibang bata, kaya ganyan yung mga drama ko sa buhay). Pero malamang, di ko rin nakatuwaan ang mga bagay na yun. Pagtuntong ko ng elementarya (FYI uyet--7 yrs old na ko nakapag-grade wan dahil ayaw nilang maniwala nung 6 yrs old ako na kaya ko ng mag-grade wan- ang issue--"height"). Lumipas ang mga panahon, madaming mga tao na rin ang nakilala ko at nakaimpluwensya saken. Madaming naging mga kaibigan, kaibig-an, kaaway, at kung sinu-sino pang tukmol. Nakakilala kumbaga ng good and bad influences. Hehe.
Ano nga ba ang basis ko para ipagpatuloy ang buhay ko sa mundong ibabaw?
Hmm...
Hindi ito tungkol sa pera o sa kasikatan dapat ibinabatay. Dahil una sa lahat, di naman ako mayaman, chka di rin sikat. (Malamang pag nagbalik loob ako sa Pinas sikat ako pero ibang istorya naman yun). Hindi rin ito tungkol sa kung ano ang mga materyal na bagay na meron ako. Kundi sa pamumuhay na payak at masaya. Kung saan nakakaramdam ka ng tunay na pagmamahal galing sa mga kaibigan, pamilya at kung sino-sino pa sa tabi-tabi. Kung paano mo naaapreciate ang maliliit na bagay na nagagawa ng mga tao sa paligid mo, kung paano mo tinatrato ang kapwa mo (guilty ako dito), Kung paano mo ipinaparamdam sa kanila yung importansya nila sayo, at kung paano mo sila pahalagahan sa abot ng makakaya mo. At higit sa lahat, ang pagmamahal at ang pagtitiwala na nararamdaman ko araw-araw tuwing binibigyan pa ko ni Papa God ng pagkakataon para mabago ang mga pagkakamali at pagkukulang ko sa lahat ng bagay.
oo, bago ka tumawa, alam kong off-topic yung sagot ko.
Kaya ikaw na lang ang sumagot. Hehe
Ikaw? anung basehan mo?.....
Etceteraetcetera......
--Thank you nga pala kay Azel para sa bonggang header na may ferris wheel on the side. Tsaka sa pagtulong saken sa pagpili ng mga upuan, lamesa, kurtina, at mga kulay ng bintana para dito sa aking bahay...:)
9 comments:
walang anuman...
at dahil napakahirap ng tanong mo...
pass muna ako!
pasakay sa ferris wheel....
BE YOURSELF - yan ba yan? Ano nga sa English yan Jen? ang galing ng header!!! Papasakayin ko dyan si Hevyn, sa ferris wheel!
Ano nga ba? hmmmn, some people base sa ibang tao, sa sikat at iniidolo, sa magulang, at sa mga tinuro, pero in the end dapat you've got to find out who you really are, kasi kung hindi at wala, bangkang walang sagwan, or water na sumusunod saan man dumaloy. Hirap kaya nun.
Nice post! Ang galing mo talaga Jen.
-Azel-
andaya ah..
hehe..serbey itei..:)
sige..next time comment na ah?hehe
-Kuya Kenji-
Piracy po..hehe..joke..
ayun nga po..nabasa ko lang sa gospel..(aww..nalulusaw ako..hehe)
Ayun nga po..magpakatotoo lang tayo and that's the best way para mapakita natin na iba tayo..:)
Wala bang multiple choice(tama ba?) o kaya true or consequence? o kaya fill in the blanks? ay!!!wag pala fill in the blanks, mahirap pala yan...
Seryoso!!!Nyahahaha lolzzz, kakatuwa talaga balikan ung mga istorya nung bata pa eh...kaya ngayon nakakatawa pa rin kasi bata ka pa lolzzz... jokeness Mare :)
ano nga ba ang basehan?
kuryus ako sa ginawa mong kanta tungkol sa kuto..cgro madugo ang mensahe nun noh?
ganda ng heder mo kumareng hindi sikat..hhaha..may feres weel pa..parang hndi ka takot sumkay dun ah!
nahihilo ako sa feris wheel..lalo na kapag pababa naaahhhhhh
how you influence others, ang past, present, future experience and decisions in life, how you react and how you deal with it ang basehan mo sa kung sino ikaw...hindi mo naman kayang hubugin ang sarili mo, you need people around you too to help you seek yourself.
be not afraid. be yourself, express yourself.
hayyzzzzzz mareeehhh....parang pageant.
-Pareng CM-
wala, wlang pilian dahil nung nabasa ko yung tanong, wala ring multiple choice :))
nakakatuwa nga balikan, lalu pa't isip bata ka pa din gang ngayon..haha
-Pareng pogi-
gagawan ko ng entry pag sagad na sa pagiging tuyo yung utak ko yung kanta tungkol sa kuto.
wag kang maingay..
si azel gumawa nian...
ni hindi pa nga ako nakakasakay sa ganyan dahil takot nga ako eh :(
-Jez-
mare....
ako ndi pa nakakasakay jan!!!!hehe
zyclone loop lang chka space shuttle nasakyan ko..hehe
tama...magpakatotoo ka lang..
ang sunod na tanong:
WHAT IS THE ESSENCE OF A WOMAN?
haha..
ayukong sagutin yan...
ang lalem ng tanong... di ko ata masagot yan... alas -5 ng umaga pa lang dito... at kahit nasa gitna ako ng trabaho, di gumagana ang utak ko... hehehe
-Gill-
malalim ba?
kahit nga ako nahirapan ehh..
duguan utak ko pagtapos ko gawin yang post na yan..hehe
Post a Comment