18.4.09

Day-off

Alas otso y' medya ng umaga ng kalabitin niya ako at marahang inusal ang mga katagang :"Jen, anak--bangon na, tara na at magkape". Isang ngiti lamang ang aking itinugon, sabay balikwas upang bumangon.

Mahigit kumulang anim na taon din akong nawalay sa kanya. Kung tutuusin, isa siya sa mga taong bibihira kong makausap- (mag-usap man kami sa telepono, panay listahan lang ng mga habilin at sermon). Kaya't alam ko na kung susukatin sa percentage---mga 25% lang ang closeness ko sakanya. Sabi kasi nila "Like poles, repel each other"--moody kasi si lola, tapos ako din. Makulet kasi sya at echozera, tapos ako din. Sabi nga ng pinsan ko, parang sya yung old version ko.. (naku po, wag naman sana!).

Subalit ngayong mga nakalipas na araw na ito. Tila napunan namin ang aming mga pagkukulang sa isa't isa. Sabay kaming kumakain at nagkukwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay sa paligid. Di ko lang talaga minsan masagot ang mga katanungan niya . (irrelevant kasi lagi sa pinag-uusapan namin at alam kong mahirap talaga sabihin sa kanya dahil ikakalat niya sa mga magulang ko pag nagkataon.hehe).

Sabi nga nila, lahat tayo eh tatanda at magkakauban. Kung kaya't dapat itrato natin ng maayos ang mga nakatatanda sa atin. Hindi kasama sa sinumpaan kong tungkulin sa itaas na magiging 100% na mabuting apo at anak ako sa aking folks. Pero, sa abot ng aking makakaya, I see to it na magagampanan ko ang aking mga tungkulin at mapaparamdam ko sa kanila yung importansya nila habang kasama ko sila. Hayy..sana lang sa lahat ng tao pwede kong gawin to.(haha..off topic..erase erase).
--------------------
Dumating ang hapon at nagpunta kami sa simbahan. Hudyat na rin na malapit nang matapos ang araw ng pahinga ko. Masaya ko dahil humigit kumulang isang dekada na ata simula ng magsimba ko ng may kasamang lola. Natutuwa ako dahil pinapamalas niya sa akin ang pagiging isang mabuting lola kahit na alam niyang malayo ang loob ko sakanya. Nun ko lang narealize na namimiss ko din pala sya.
--------------------
Naluha ako sa sermon ni father Serge kagabi, nagkwento sya tungkol sa mga palito at posporo--pero alam kong may naisip akong mga bagay-bagay beyond "that". Ayoko na lang ielaborate. Kung gusto niyong malaman, sa ym na lang. hahah
--------------------
Special thanks kay B1,Prof Pajay, Azel, at kuya Kenji sa nag-uumapaw na moral support nila saken laban sa lumalaganap na epidemya sa aking sistema. Hehe.
--------------------
Mababaw ang emosyon ko nitong mga nakaraang araw, dala siguro ng summer. (haha).
--------------------
Kung pwede ko lang ibigay sayo lahat ng meron ako, para maging masaya ka- gagawin ko. Dahil alam kong hindi ako magiging masaya at kuntento kung makikita kitang malungkot at nasasaktan---

12 comments:

2ngaw said...

Violent reaction sa huling talata lollzzz

Magiging masaya nga kaya sya kung ibibigay mo lahat ng meron ka sa kanya?

Minsan sinabi ko na rin yan, pero binulong ko lang sa sarili ko...lumipas ang mga araw, naisip ko baka hindi sya masaya na ibigay ko lahat, at kelangan lumayo para lang maging masaya sya...

eMPi said...

Wow... bonding with lola. :)

May mga tao talaga na kahit binigay mo na lahat sa kanya parang hindi pa rin sila masaya... hindi mo lubos maisip kung anong problema dahil para sa iyo nabigay mo naman lahat sa kanya...

EǝʞsuǝJ said...

-CM-
hahaha..
violent talga?
tstkstkstk..wag ganun..

milya milya na ang nilakad ko palayo pare...pero sinusundan pa din ako ng anino nya..

-Marco-
uu bonding kung bonding..hehe

ewan ko..
haiiii

A-Z-3-L said...

habang break tym.. basa ako.. busy masyado kaya madaming nalampasang eksena sa mga buhay buhay sa blogosperyo...

salamat sa special mention.. not to mention at honorable mention...

namiss ko tuloy ang lola ko :(

EǝʞsuǝJ said...

-AzeL-
hahaha..
sabi na kasing wag aabsent ng webes..

kunin mong medal mo sa isang araw..nyahahah

share a lola tayo..u like?hehe

Anonymous said...

gutom ang lolah ko ehehe..napadaan :P

Visyel/kelly said...

bwahaha sa ym na lang.. adik ka (lmao)

bat gumaganun yung huli? (thinking)

EǝʞsuǝJ said...

-Arnie-
hehe..honga..kulang sa lafang..nyahaha

-visyeL-
eheheh..tenks..preho lang tayong adik..tsktsk

hehe..malalim ang ending..emo..hahah

Ruel said...

You are blessed...Mahalin mo ang iyong lola habang nandyan pa siya. Alam kong isa ka sa pinakamagandang biyaya na kanyang natanggap..

Tungkol sa palito at posporo, ano meron?..hehe curios lang..

Roland said...

oha, akalain kong maka pag comment pa ko d2 today.
talagang gumawa ako ng paraan bago kami umalis ni mrs.

buti kapa lumaking may lola... ako wala eh.
sabi nila dapat irespeto natin ang mga magulang natin.
dahil darating ang araw na magkakapamilya rin tayo.
at lahat ng ginawa natin nung mga anak pa tayo ay sha ring gagawin ng mga magiging anak natin.

mananggg, kalimutan mo na sha.
he is not worth it... nagsasayang ka lang nang oras sa kanya.
ayokong nakikita kitang ganyan.
tandaan mo. maraming isda sa dagat! at napakalawak ang dagat.
hehehehe

ano ba ym mo? para matanong ko yung "bi" mo?
o kay pp mo na lang saken.
hehe, tsismoso- toinkz!

geh, ingatz!!

poging (ilo)CANO said...

hahaha....bonding kay lola...azus..aminin mo na na mas maganda parin ang lola mo kaysa sayo...lolz..

salamat sa espesyal pandesal na special aytenchu mo...magiging maayos din ang lahat..basta ung sinabi ko hindi mo sinabi yun, ako nagsabi...ang kay juan kay juan kahit may masasaktan...

b2 hongga ka...linasheng mo ako...daya mo kasi...

EǝʞsuǝJ said...

-RuphaeL-
yup..
chka alam ko na di sila habambuhay na makakasama ko kaya i see to it na everyday eh napaparamdam ko saknya yung importance niya...

Gagawan ko na lang ng entry next time yung palito at posporo..wahihih..

-Roland-
manooooongggg!
tenks, i appreciate it!hehe

tama tama..karma (hindi sa plurk) pag nagkataon pag hindi natin tinrato ng ayus ung mga nakatatanda saten..

madami kang alam manong!
hahha..pp na lang sa plurk..
chat na lang sa ym..
wag mo dito ielaborate ang kwento!!!
hehehehe
maraming isda sa dagat, eh panu yun isda na ulam namin kahapon? hahah..corny ko tlaga ngayon..tsktsk..

-b1-
wala nmn akong sinabi na mas maganda ko sa lola ko ahh..
ang sabi ko lang mas sexy ako..hahaha
wag ka nang kumontra b1..post ko toh ehh

teka b1, sino ba si juan?
hehehe..di ko pa kasi alam hanggang ngayon..:(