13.4.09

Easter Sandy

Maligayang Linggo ng Pagkabuhay! Kasabay ng pagkabuhay ng junakis ni Papa God na si Baby Jesus, naging masaya? at magulo ang paligid ng UAE dahil dumating na sa lupain ng mga mababaho ang rakistang lola ko. Yow! Ayus na ayus ang lahat. Humigit-kumulang na five years na hindi nagkabungguan ang mga siko namin, at ngayon....Nagkita na kami ulit. At natutuwa ako sa mga tawag at mga tinatanong niya saken. Lola nga kita! hahaha...(lamang lang sya ng lipstick saken..heheh).

At dahil nga dumating na ang reyna ng mga m-o-o-d-y, wala na naman sa katinuan ang nananakaw kong tulog dahil madaming madaming mga wentong (alang wenta), ang napapakinggan ko sa twing ipipikit ko ang mga magaganda kong mata. Pero ok lang, minsanan lang naman toh, at kering keri ko ang mabuhay ng walang tulog lalu pa at healthy na ulit ako. Nyahahah...
----------------------------------------------------------------------------------
EASTER SUNDAY.....
Nung bata ako, excited ako kapag nadating ang Easter Sunday dahil may egg-hunting echoz na nagaganap sa mga simbahan. Pero hindi ako sa egg-hunting excited, kundi sa engot kong paniniwala na may Easter bunny talaga- yung kulay fenk?hahahah. Eh ngayong taon na toh, nandito ko sa piling ng mga muslim, kaya kinailangan ko pang magpeke ng iyak at pagkabugnot kahapon ng ayaw akong pauwiin ng amo ko. Eh may kembot -(gimik), kami ng pamili tri ko.

Ishtorbo nga lang ang Sandstorm dahil bonggang-bongga ang pagbibigay niya ng libreng peys powder kahapon. Aja! Teka, ipapasyal ko kayo ng wanport sa lugar na pinuntahan namin para naman maekpiriens nyo ng wanport. (Biiba, di mo to napuntahan nho?).


mahangin sa labas..dun yan sa labas ng Shj Akwaryum :D





ang janitor fish bow...







Ang jellyfish..namiss ko tuloy si spands bab..:)






Ewan ko kung bakit malungkot yang isang yan..:(







Ang bonggang bonggang **insert the name of this creature here**

After namin manggaling dyan sa loob ng akwaryum, at magpakasirena, bonggang picture taking namen. Syempre, paborito ko yan, lalung-lalo pa at trip na trip ako ng lola ko. nyahaha. Akala ko nga ako yung tourist eh..




At dahil nga easter Sandy kahapon, after ng kembot, ay ang bonggang pagpunta sa bahay ni Papa God. Dun nakita ko ang mga tao at ang mga tao, at ang mga tao. Awwts. Nakita ko dun ang taong di pa ko ready na makita at tawagin akong pareho ng "baby", well, alam ko I just got to deal with it dahil hindi ako pwedeng kontrabida. At simbahan ang ipinunta ko dun, at hindi silllaaaaaaaaaaaaaaa!!!..hehehe...Natuwa naman ako dahil kahit na hindi kami ang napili para manggulo at umawit para sa misa, ayos pa din naman ang mga line-up ng awitin. May naganap pang binyagan, at natuwa ako ng bongga dahil yung bata eh literal na nilublob ni father Sergio (asan po si Marimar?) sa malaking drum ng holy water, (ang ganda pa nung nanay nung bata??!!!). At ayun, ayan ayan, may entry na naman ako!hehehe



10 comments:

A-Z-3-L said...

ang cool ni lola!

parang nasa abroad lang ah! hehehehe!

oist, sting ray ung fish... PAGI sa tagalog...

ung buntot nun sabi pag nahampas ka daw eh di ka na tataba.. feeling ko nahampas ako nun nung bata ako! toinkz!

EǝʞsuǝJ said...

hahah...
ayus na yus..baka nga magkasundo kayo kung sakali,.tsktsk..pasyal kaya natin sa creek park?hehehe

ayun..ang ndi ko na kasi maalala sa sobrang antok ko..
sabi nila nakakamatay daw ung buntot niyang **sting ray eh..
baka ako din nahampas nian dahil sexy daw ako sabi ng lola ko..wahahah

yAnaH said...

wala muna akong masabi.. bukas na alng bakla... pero nagbasa ako.. may kakaibang kaganapan na bigla eh...

2ngaw said...

Uy...Sino ung kasama mo sa unang pix? Kapatid mo? :D

Basa muna lolzz

SuperGulaman said...

aheks...happy easter...

sting ray ba yun o devil fish....o baka pareho lang...inde ko alam... ahahaha...sabi ng lolo ko yan daw yung isang demonyo...may agimat daw na nakukuha dyan...ahahahaha...

poging (ilo)CANO said...

ang cute cute pa rin ng lola mo...infernes mas maganda lipistik niya kaysa sayo...hehehehe.

EǝʞsuǝJ said...

-Yanah-
hehehe...
blangko..
sige comment back din ako sayo..:)

-CM-
pare..lola ko yan...
hahaha..di ko ba nabanggit:D

-Super G-
tenks...

madaming namamatay dahil jan..tsktsk...pambugaw daw ng aswang yung buntot nian eh...

-Pogi-
hahaha
humingi nga ako ng ganyang lipstick eh..problema nga lang ndi bagay sken..hmmffff...:(

PaJAY said...

ayos sa pose si lola a..parang sa dubai lang...hehehe..

yung apo naman pakyut!...hahahahaha....buti na lang kyut talaga....hehehe..


bat nasama si pops fernandez sa mga pityur mo?..hehehe..janitor fish eno?..lolz...


adik!...

EǝʞsuǝJ said...

-Pajay-
haha..nasa pinas kami nian..
umuwi kami ng sang araw lang..nyahahah

asteeg ung apo..pikchur dito pikchur dun lang ang habol..haha

adik ka din!:P

cpsanti said...

ang cute naman, gumigimik pa rin kayo ng lola mo. namiss ko tuloy yung sa akin ;-)