28.4.09

Tado

Lahat ng tao may paboritong mura. Este pagmumura pala. Yung taytel ko ngayon ang paborito kong mura sa lahat. Pag ginulat mo ko, matatawag kita sa pangalan na yan, pag tinakot mo ko, kasabay sa pag-igkas ng kamay ko para hampasin ka eh ang katagang.."tado, tadu,#$%%^&!". Hehe..erase erase..bad bad bad. Baka may mapadaan na taga-kulto dito at isumbong pa ko sa mga nakatatanda at matiwalag ako..nyahaha..pabor! joke..

Lahat naman tayo nagmumura, iba iba lang siguro yung lutong, tunog, frequency, at kung gaano kalakas yung impact ng mura mo sa sinasabihan mo. Eh pano pag nakangiti pa din yung minumura mo? Nakakainis diba? Saken kasi ganun kadalasan ang nangyayari, inis na inis at gusto ko nang durugin sa mura ang isang tao, ayaw pa din patinag at nakangiti pa. Kakaasar. Ang hirap din ng nasa abroad ka. Pag naiinis ka sa ibang lahi at minura mo sa sarili mong salita, papaexplain pa nila. Eh syempre dedeny mo na lang para di ka mapaaway. Nyahaha.

Pero lingid sa kaalaman ng nakararami, sa likod ng salita (masamang salita na "tado") eh may nagtatagong isang katangi-tanging nilalang. Pamilyar ba kayo sa komedyanteng si Tado Jimenez? Oo, yung nakashades ng malaki , longhair, na matinik sa english at madaming alam sa buhay. Oo, pareho kaming asteeg nitong si Tado. Oo (nakiki-oo ka saken, kilala mo ba talaga yung kinukwento ko?hehe). Heto at naisip ko siyang hanapin sa tulong ni Gugel. Paborito ko kase dati nung grade 6 ako yung palabas niyang Strangebrew, di ko na maalala kung saang channel ko yun napapanood, pero ayos na ayos ang mga words of wisdom ng boylet na ito!

KONTING BACKGROUND CHECK..

Lingid sa kaalaman ng nakararami, at sa dami ng taong nanghahamak sa butihing si Tado. (Ok lalagyan ko ng apelido para kagalang-galang ang dating niya kahit man lang sa post ko.). Si Arvin Jimenez (aka. Tado Jimenez) eh graduate sa PUP (Polytechnic University of the Philippines) ng kursong Psychology (ahh, kaya pala madaming alam sa buhay). Bukod sa pagiging comedian, isa rin syang DJ at hilig din nya ang photography, at minsan nang nainvolve sa theater and arts. Asteeg di ba? "More than meets the eye" ika nga nila. Hehe..



7 comments:

Deth said...

hi jen idol ko rin si Tado:D
hehehe, isa sa pinakapaborito kong kowt sa buong buhay ko ay galing sa kanya...

friend ko na nga siya sa multiply e, andun nakapost photography niya at may banda na rin siya...isa sa mga kanta niya ay may lyrics na:

"love your country, hate your leaders?...love your school, hate your teachers?" kulet talaga

Hari ng sablay said...

if im not mstaken ung strangebrew channel 4 ata wid angel rivero na isa ring dj,d ako sure pro gnun pgkakaalam ko,

my clthing line din si tado,at sakanya ko nkuha ung description ng tambay site ko...di bale ng tamad,di naman pagod, o dba astig nga..haha

srap clang pnoorin,corny kc,haha

The Pope said...

I love this guy Tado, i have been watching his you Tube videos, the most popular was documenTADO (Tado in Bilibid).

Nice post, thank you for the information you have provided on Tado.

God bless you.

yAnaH said...

naalala ko tuloy ung time na personal kong nakita, nahawakan at nahalay ayyyyyy mali.....erase..erase erase.. ulit na lang... personal kong nakita si tado sa NCCC mall sa Davao.. ahihihihi isang nakakahiyang ekspiryens...
alam ko naiwento ko yun sayo eh... sayo nga diba??? diba??? diba???
pero kung hindi sayo.. kanino kaya?
hahahahaha
cgeh. bye na.. busy ako

EǝʞsuǝJ said...

-Deth-
asteeg nga eh..
nakita ko na yung multi nia..
ang galung din ng photography nia..
very very talented na nilalang tong si Tado..kakatuwa,..

-Hari ng Sablay-
Ndi ko din sure kung anung channel yun pero nakaktuwa at alis stress yung palabas dahil hindi lang corny..asteeg pa ang mga kowtable kowts..

-The Pope-
Maraming salamt po! hehe..

-Yanah-
baka sa ibang "jen" mo nawento yan..
memory gapperzzzz...
hekhek..

Bomzz said...

hahaha napaunod ko youtube niya sa Bilibid DokumenTADO! kakatuwa..hehe

di daw siya nahirapan pag pasok hirap siya pag labas mukha daw siyang... taga BIlibid.na.siya sabi nong tinanong sya ni Edu sa game kana ba!! lol's

EǝʞsuǝJ said...

-Bomzz-
nyaaahah
napanood ko din yung documentry na yun..
ang terey di ba?
hehehe..
pero infairness sknya..matalino xa nuh?hehe..madaming alam ehh