14.4.09

Isang awit

Pansamantagal kong lilisanin ang mundo ng pagba-blog. Kung kelan ako babalik? di ko pa alam. Kung bakit ako aalis? Hindi ko din alam. Nyahaha. Kung bakit ko ginagawa tong entry na toh? lalung hindi ko din alam. May aayusin lang ako ng wanport para maging wanhul ang pananahimik ng mga agam-agam dito sa wanport kong utak. Mamimiss ko kayo guys...Pero magiging alerto bente kwatro pa din ako sa mga posts niyo at mga chismis ober hir and der.....Nananamlay lang ang utak ko at hindi sya gumagana ng ayos at may mga bagay akong nais linawin sa sarili ko kaya kelangan ko ng gad damn speys...Basta ill be back soon...hehehe...Iiwan ko na muna tong kantang toh..



Di malaman kung ano ang gagawin
Sa damdamin na 'di ko maamin
Sa sarili
Kung bakit ka pa ba nandiyan

Sabi-sabi ng mga kaibigan ko
Huwag mong pilitin ang 'di para sa 'yo
Ngunit bakit hindi kita malimutan
Sa 'yo ba'y OK lang

CHORUS
Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala
Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib
Kaya ako'y gumawa ng awiting ito na alay ko sa 'yo
At sana'y pakinggan mo

Huwag ka sanang magugulat sa akin
'Di ako sanay sa ganitong suliranin
Huwag kang matakot hindi ako manloloko
Kung OK lang sa 'yo

Ngayong alam mo na, sana'y 'di ka mainis
At pasensya na kung ako ay makulit
Pero kung gusto mo, ako na lang ang lalayo
Kung OK lang sa 'yo

18 comments:

eMPi said...

I like that song... thanks for sharing Jen! :)

Hermogenes said...

pasalubong ko ha... jejeje

keep safe...

2ngaw said...

Hey!!!Mare san ka punta?!!!Sama ako!!! lolzz

EǝʞsuǝJ said...

-Marco-
hehehe...
akala ko ako lang may gusto niang kantang yan eh..ehehe..

-Tonyo-
sige ba...
bibigyan din kita ng "gad damn speys"..haha..bibili kasi ako nun kaya aalis muna ako..hehe

-CM-
Pare..
bibili ako ng
peace of mind chka gad dam speys, hahanapin ko muna baka nasa tabi tabi lang..
for the betterment of the economy of the philippines..nyahahah

A-Z-3-L said...

....at tuluyan ng nagpaalam...

....sa ikatlong araw ay mabubuhay ng mag-uli...

....sa ika-apat na na araw muling magmamahal...

....sa ikalimang araw, abot langit ang kilig....

....sa ika-anim na araw, magmumuni-muni ulit at magiisip na namang mag-hiatus....

....sa ika-pitong araw, magpapaalam na naman!

isang linggong pag-ibig! bow! (toinkz!)

have a good time with ur lola... sana maisip mong magsulat sa papel kase alam kong adik ka jen!!!!

SuperGulaman said...

kababalik ko lng..paalam ulit... aheks...basta ingat na lgn plagi...ayt.. :)

EǝʞsuǝJ said...

-Azel-
adik..
gawin daw bang isang linggong pag-ibig...
anu ba yan?
chuchirya? nyahahah

-Super G-
di naman (sana) ako mataTAgalan..hanap lang ng "katinuan"..hehehe..ill be back soon kumpare..hehe

PaJAY said...

Kung ok lang sayo ka pang nalalaman!...lolz..

hindi ok!....aalis alis la namang dahilan...hehehehehe...


bilisan mo Jentot..balik ka agad.....


ingatz...

EǝʞsuǝJ said...

-Pajay-
hahaha
baket ba? haha..wag mo lang ikakalat yung nabasa mo sa kabila..nyaahha

balik agad prof..mag-iipon lang ng katinuan at magpupunta sa gad damn speys na yan..haha

2ngaw said...

Ay!!!Putek!!Di mo sinabi agad, nung bday ko andami nagregalo sa akin ng peace of mind, tapos may handa pa akong peace of keyk...wala na nga lang, napanis!!!

Sana nga mare, mapaunlad mo ang ekonomiya ng Pinas, para makauwi na tayo lolzz

EǝʞsuǝJ said...

-CM-
hahaha..
sayang naman at panis na..
edi sana di ko na kelangan mag-hiatus..
nyahahah

oo nmn, andito sa dubey si Madam president ehh..papaassasinate ko para maging maunlad na ang pinas para makasitting pretty na ko sa bahay namen..haha

yAnaH said...

gusto ko magcomment na parang hindi..
naguiguilty ako... wag mo gn sabihin na walang kinalaman saken toh dahil alam ko meron...wag mo rin sasabihin na ok ka lang dahil alam kong hindi...wag mo rin sasabihin na things will be ok kapag hindi ka nagblog at kapag iniwasan mong magblog dahil alam kong hindi at hinding-hindi ako maniniwala.. alam kong alam mo na alam ko kung anong reasons forfor this sudden hiatus...

--sabi mo kung kelan ka babalik? hindi mo alam... maaaring ako.. alam ko ang sagot jan...
--kung bakit ka aalis.... alam ko rin ang dahilan mo...
--at kung bakit mo ginawa ang entry na yan... naturalmenteng alam ko..


SPACE...... im not sure kung yan talaga ang kailangan mo... pero kung yun ung naiisip mo na makakapagbigay sayo ng peace of mind.... sige... get ka ng space... as wide as you can.. marami akong kung anik-anik na kaproblemahan at the moment (well,a s always) peroooooooo if u need me, im always here for you..... kahit disoras ng gabi dito.. magtext ka lang... alam mo ba number ko???? basta magtext ka lang.. kahit alas tres ng madaling araw at takot akong lumabas.. lalabas ako para mag online at makausap mo... im always and will always be here for you...

ingat kaw....

gillboard said...

nakikigaya ka rin sa mga nagblogbreak? hehehe

wag masyado magtatagal...

poging (ilo)CANO said...

hahaha...aalis ka?

cge ayusin mo lang lablyf mo...

pagbalik mo may fafa ka na ha...

toinkz...

Jez said...

mareeeeeeeee.....kung dyan ka masaya, suportahan taka
lam ko naman,,,sa haba haba man ng pahinga sa blog pa rin ang tuloy..

PaJAY said...

hahahah...dito pa kayo nag dramahan ni Yanskie!...

magsilayas kayo!....lolz...


hahahahahahaha..

balik agad Jentot!...

EǝʞsuǝJ said...

-Yanah-
some things are better left unsaid...
nakakapagod kung magpapaliwanag na naman ako. I think its better---this way....
oh eto tissue..
haha..
english eh..nyahahah

-gillboard-
hehehe..
oo..tuyo ang utak eh..

-Pogi-
madami kang alaaaaaaaaam....
bakit hindi ka maglawyer?
hahahah
adik...

EǝʞsuǝJ said...

-Jez-
oo nga mare...
gudlak sken kung matagalan ko..
wahihiihi

-Pajay-
Si yanah lang ang nagdrama..
hhahaha
teka...page ko toh ahhh..
hehehe
see you soon kuya Ejay..:)