Nakakapanibago ng bongga. Dati-rati, after ng *ash wednesday - dama ko na na paparating na ang lenten season. Pero at dahil nasa bansa ako ng mga adik na muslim (shh..wak kayong maingay, baka pag nabalitaan nilang inaalipusta ko sila dito, patalsikin nila ko dito sa lugar nila), hindi ko na halos maramdaman ang panahon na ito. Dahil sa pagiging lampayatot ko, ang naging sistema ng buhay ko nitong mga nakaraang araw at linggo eh trabaho-bahay lang. Oo, hindi ako nagsisimba nung mga nakaraang linggo (exactly three weeks siguro nung friday), ang dahilan- "ewan ko". Makailang beses na din akong nakatanggap ng mensaheng kagaya nito : "Baby gurl, mass at 6:30 pm be there, see yah!". Kaya lang, sadyang hindi ako makatapak sa lugar ni Papa God nitong mga nakaraang araw. Maaring may ayaw akong masilayan na mga tao, pero alam kong kakarampot na dahilan lang yun sa tunay na idinadahilan ng pusu-pusuan ko. Madami rin siguro kong mga katanungan na hindi ko pa rin makita at maramdaman ang kasagutan. Ewan ko, at pati nga ang pagmamahal ko sa musika ay tuluyan na nga atang nananamlay dahil kahit na ang "pinaka-lider" pa ang nag-anyaya saken sa pinakahuling pagpapraktis, nagawa ko nang tanggihan. May mga mensahe na din na nakatambay sa mails ko na nagsasabing : "Sis, wer na you, dito naman us, bakit masyado ka na atang nagtatago sa lunggan mo ngayon?"----pero deadma lang ako at tuloy sa pag-iisip. Relak-relak kumbaga. Isip-isip gamit ang wanport na utak.Pag panahon ng semana-santa, madaming nagpapapako sa krus, nagpepenitensya, nagpapasyon
(trip ko yan dati),at kung anu-ano pang paraan para mapakita na nagsasakripisyo tayo para kay papa God. pero bali-baligtarin mo man ang magulong utak mo, ang holy week para saken eh:
"The best time to reflect"(yung mga bagay na binigay / ginawa ni Papa God para saten, and everything). Nakakalungkot nga lang na may mga taong kagaya ko (oo, superrr duperrr na ang pagka-guilty ko sa pagiging pasaway ko, PRAMIS).,na sa kabila ng mga biyayang natatanggap eh, nagagawa pa ring iisantabi ang kanyang buhay pananampalataya. Nakakalungkot din na minsan, ang nagiging focus na lang ng holy week ay ang "reunions at ang swimming echoz". Sana, bilang mga anak ni Papa God, magawa nating isapuso at isaisip- di lamang sa panahon na ito; ang mga bagay na ginawa niya, at maari pang gawin, at ginagawa niya para sa atin. Iiwan ko 'tong munting awitin na huli naming inawit.....
O Hesus Hilumin Mo - Bukas Palad
7 comments:
BASED MUNA!!!Magkano ba ang araw? lolzzz
Basahin ko nga muna :D
Aba!...'Neng dumalaw ka kahit minsan sa Kanya at isantabi muna ang problema ng pusu-pusoan...
wak ka maingay ah...ako rin di madalas dumalaw sa kanya eh...soooryyy po :)
hahaha.. si LordCM nagbased muna bago magbasa...
medyo seryus ka ngayon neng. di kinaya ng powers ko ang post mo. kung ikaw, naaalala mo pa ung huling tapak mo sa simbahan.. ako eh buwan na ang binibilang sa hindi ko pagsimba.
ewan ko ba... nananamlay na naman ang buhay pananampalataya ko. pero dahil semana santa siguro nga kelangan ko ng magreflect. kelangan kahit pano mahilom na ang mga sugat na meron ang pagkatao ko.
pero pwede mag-request ke papa god... ititira ko lng ang isang taong nagiging dahilan ng paghinga ko... (kung ok lang?!) wala kase akong balak na isuko sya!
naks! seryus mode tayo.. di ako sanay!
-CM-
ahahah,..nanigurado pa agad..haha...
madami naman akong rason..
hehe..pero alam kong wala dapat ganun na alinlangan..
di bale..di pa naman huli ang lahat..
:)
-Azel-
hindi naman binibilang kung ilang beses kang tumapak sa bahay ni Papa God.ang mahalaga eh kung pano ka naging "kapwa sa kapwa-tao mo", yung wala kang taong natapakan, at walang hinusgahan.
drama nheng?
ayus yang kantang yan...
gusto mo kantahin ko ?
gamit ang malarenzveranong boses ko ngayon?hahaha
wak mangealam lolzz
knilabutan naman ako sa tugtug mo...
dami ko na kasi kasalanan.....
magsimba ka adik..lapit lapit lang bahay tagpuan este simbahan sa inyo di ka makapunta sa Kanya...
-CM-
haha..di naman ah..haha
-Pogi-
oi adik tumakas ka na naman sa amo mo..yari ka dun...
malayu yun..
ang malapit nalalakad...
eh yun malayu,,
sa bahay ni ano malapit yun...
pero sa bahay ko malayu..
kelangan pa magbike..haha
oo na..pupunta na hijo..:P
Post a Comment