25.4.09

Antayteld (angal ni ungas)

Type. Delete. Type. delete. Type. Delete. Type. Delete.

Marami akong naiisip na pwedeng isulat. May naisip na nga ako kahapon. Pero nung matapos kong buksan ang pc, nawala silang parang bula. Type. Delete. Alt + f4. Ayun at pinatay ko na lang ang pc. Tumunganga ako sa tv, nahuli ako ng lola ko na tumatawa habang umiiyak yung bida sa pelikula. Pano ba naman, ingles ang pelikula. Hindi ko na ata naiintindihan, kaya natatawa ko. Maya-maya pa eh kinuha ko ang aking notbuk at bolpen. Hmm..sa papel na lang muna para hindi sayang ang kuryente!

Ayun, naalala ko na. Naiinis nga pala ko. gusto kong sumigaw, pero pinipigilan ko. Gusto kong umiyak, pero mas ok kung tatawa ko. Gusto kong mag-hunger strike - kaya lang ang problema eh, hindi ko kinakaya yung ganun.

Kung kelan kasi abot kamay ko na. Tsaka naman kelangan ko syang pakawalan..

Nyemas.. Nyeta... Yan ang mga salitang nabanggit ko. Habang tinatago ko ang asar at inis (pareho lang yun diba?haha). Gusto kong ibato lahat ng nakikita ko. Gusto kong matulog pero naiisip ko sya.









Potek..Nokia 5800, kelan ka mapapasaken? Hahahaha...

9 comments:

EǝʞsuǝJ said...

pero seryoso..depress ako ng wanport dahil dito..nyahahah

2ngaw said...

Ayaw mo ba Nokia 3210? Ganda un!!!my blue tooth, pero pwede mo ring palitan ng yellow, yellow tooth :D

A-Z-3-L said...

5110 na lang jen.. kaya pa ng budget.. pag naiinis ka pwedeng ibato kahit saan.. pwede ding ibato sa kahit sinong tao...

hindi bale... pagtapos magbayad ng tuition.. ipon na lang ulet.. mas mura na un dat time.. ooopsss.. teka nabanggit mo ba ung tuition? hindi ata.... sorry naman! hehehehe!

gillboard said...

naku.. pareho tayo may writer's block din ako ngayon... kaya di na madalas ako masyado magsulat..

EǝʞsuǝJ said...

-CM-
hahaha...
gusto ko pare green tooth..pwede rin ba yun? ok kaya multi-color chuva..haihai..hehe

-Azel-
haha
ayuko nun..wlang bluetooth..
(bluetooth lang pla habol?)haha

ayus...gudbay fudtrip muna para one time big time lang namn eh..ayun lang nadale lahat ng ari-arian ko..nyahahah

-Gillboard-
honga..panahon ata eh..
kasabay ng summer eh natuyo na din utak ko..tsktksk

Jez said...

nyemas talga yan...nasabi ko sa'yo na gusto ko ring abutin yang pangarap mo..langya.. naka hunger strike ang cellphone ko, for how many weeks na akong walang cellphone....hirap di ko rin makaya....

kaya, kanina lang, naabot kona pangarap ko na makakuha ulit ng cellphone...kaso sobrang out of fashion na, pero okay lang..pagtyagain ko muna kesa wala...

sana ikaw din, sana maabot mo yan./.heheheh,,para lahat happy

poging (ilo)CANO said...

hahaha....hindi naman uso dito celfon na modelo....basta may tutunog ayus na...


sa etisalat libre yan..andun namn xa eh...toinkz..

<*period*> said...

ateng, maganda rin yung lg cookie..eleven thou lang..kumpara sa nokia 5800 na nasa 19 thou

parang gaya naming mga badaf, sing ganda pero ding sing mahal...

hahahahahahaha

EǝʞsuǝJ said...

-Jez-
naranasan ko yang ganyan mare, nung nasa college ako..nakakainis mabuhay ng walang celfon, ang masaklap pa, kahati mo sa cp ang nanay mo, hindi ka makachorva..nyahaha

ayus lang mare, isang bwan lang nmn ang delay eh..next month ayus na ulet..:)

-b1-
tinanong ko sa knya yan nung nagkita kame nung byernes, ang sabi niya : "baby, sige bigyan kita nian pag sinagot ako ng mommy mo"..aray aray..nyahaha

-Eric-
Lola!
magnda ba tlga yan? hmm..may-i-gugel nga...

hehhe..apir lola! :)