Anung pinagkaiba ng selfish sa greedy?Tinatanong nya yan sa sarili nya habang nananahimik siay nung mga nakaraang araw. Nilibot niya ang tunay na mundo, at inalam kung siya nga ba eh nagiging madamot o makasarili sa sitwasyong kinasasadlakan niya. Alam niyang isa sa pinakamahirap na pagkakataon sa buhay ng isang tao ang mamili sa pagitan ng dalawang bagay na naging makabuluhan na rin para sayo (tinatanong niya pa din hanggang ngayon kung kailangan niya ba talagang pumili o tadhana na ang magpapasya). At bago pa siya tuluyang lamunin ng nakakabwisit na emosyon na yun---saglit siyang nanahimik at humiling ng senyales mula kay Papa God. Subalit naging piping saksi ang langit sa mga hinaing niya, habang tahimik siyang nilalamon ng kalungkutan. Potek! Sumigaw siya at inihinto ang lahat ng kadramahan na ginagawa niya. Bakit nga ba kelangan na siya pa ang mag-adjust? Bakit siya pa ang kelangang lumayo? At higit sa lahat? hindi ba sya pwedeng sumaya?
Sinabi niya saken na ayus lang ang lahat sa kanya. Na hindi sya apektado sa lahat ng mga pinagagagawa niya. Ngunit sa simula't simula pa lang, alam kong itinatanggi niya lang ang lahat. Habang siya ay tahimik na naguguluhan, ako naman ay tuluyan nang kinakabahan.
Kung nabibili lang sana sa suking tindahan ang gad dam speys..baka bumili na ko nun bago pa magsimula ang lahat.....
So ano naman ang natutuhan ko nung namahinga ko ng wanport?
> Natulog
> Natulog
> Nagpaka-adik sa plurk
> Kumain
> Kumain
> kumain
> Movie marathon
> Laftrip..(mag-isa), laugh till it hurts..ahhaha
Hanggang sa hindi ko na talaga natagalan ang pananahimik at bumangon ako mula sa pagkakahimlay. Naisip kong may bukas pa. At sa bawat bukas ay mayroong bagong pagkakataon, dahil sa bawat isang bagay na nagtatapos - mayroong isang simula. At sa bawat isang bagay na hindi pa nagsisimula pero nagkaron na ng wakas - next question please. Hehe. Hindi dapat tinatakasan ang isang problema, dahil hindi ito mareresolba sa pamamagitan ng pag-iwas.
Kung bibilangin ko kung gaano ka-layo ang distansya na pinuntahan ng utak ko nung mga panahong iyon, lumampas na ko sa kung ano pa ang pwedeng marating ng isang eroplano o bike. Siguro, minsan, masama rin yung mangarap - lalu't lalo kung ito'y walang kasiguraduhan at sa hindi mo inaasahang pagkakataon eh may masasaktan ka. Inisip ko na lang kung pano ko nalaman na nakakasakit na pala ko ng ibang tao kung hindi ko pa maunawaan ang bawat isang hibla ng salitang tinuran niya. Hindi ko alam ang gagawin ko, totoo. Hindi ko alam kung saang posisyon ko ilalagay ang sarili ko dahil alam kong walang mananalo sa labang iyon. Kaya huminto ako at nilingon ang nakalipas. Inisip ko kung kailangan pa nga bang dumating sa ganito ang lahat.
Now, back to regular programming..hehehe
14 comments:
ano to? :)
hmm... lahat naman tayo ay may karapatang sumaya... sabi nga nila, it's our choice!
-Marco-
isa itong magulong post..
hahaha...
sabi nila sabi nila..
sabi nila...
ewan ko lang kung applicable para tlga sa LAHAT :(
Applicable sa lahat ung sinabi nila Mare...kelangan mo lang tanggapin ung mga pangyayari para di ka naguguluhan sa kung ano man ang dapat mong gawin
mareeeee.....tama tama,,,accept accept that your in the situation. unless hindi mo ito i-acept eh tlgang forever kang maguguluhan. tapos, meron at meron mas matimbang sa dalawa. weight the situation, then choose one. (hahaha..un din sinabi nila marco at cm ah..hihihih)
our life, is all about decision. u decide to inhale and exhale. you decide to be happy. and whatever your decision is, kailangan panindigan mo ito
apir tayo jen! :)
gusto ko yung nisabi mo na habang masaya ka may lumuha naman...dahil hindi kaya ng konsensya mo na may nasasaktan sa kasiyahan mo..na iniisip mo pa din ang isang bagay bago mo ito gawin. naranasan ko ang masaktan dati dahil sa kasiyahan na pinili niya, nila, w/o thinking na may masasaktan at masasagasaan silang tao! pero tapos na un matagal na.
kung nahihirapan ka na sa sitwasyon mo at hindi mo na kaya, give up! tanggapin na lang ito. pero hindi ibig sabihin ng salitang give up ay tuluyang sumusuko ka na...minsan may mga bagay na kelangang i-give up para sa ikabubuti ng lahat, lalo na sa sarili mo. don't hold unto sumthing na alam mong sa bandang huli matatalo ka at uuwi ka ng luhaan. pero sabi naman ng iba take risk! pero tanungin mo ang sarili mo kung susugal ka nga ba?
umepal lang ako jen! parang ang layo na ng mga nisabi ko ah! hehehehe. muah! ishmayylll!! :)
-CM-
honga..
ayun at naintindihan din ng utak ko..
salamat naman..heheh..
-Jez-
mare!
antagal ko naman atang denial..
atleast ngayon malinaw na malinaw na malinaw na ang lahat..
hindi na ko mamimili...
mahirap kasi..
hindi naman tayo masaksaktan kung hindi natin hahayaan ang ibang taong saktan tayo eh..(off topic??)..
bsta yun na yun..hehe
-Jee-
sabi nga nila, pag naguguluhan daw tayo, we better stop and think a million times. Kasi hindi tayo dapat magdecide while we are on the peak of our emotions. (wala lang sinabi ko lang)..
tama ka, may tama ka, may tama din ako..apir sa lahat ng may tama..heheh
hindi sa lahat ng pagkakataon eh kailangan natin ilaban ang isang bagay. minsan ok pa din na manahimik na lang at kalimutan ang lahat para sa ikabubuti ng ekonomiya ng dubai..thank you..hehehe
may speys pa dito sa bahay Jentot...gusto mo dito ka muna?...lolz....
natulog ka jan!.....natulog nga pero Gising ka naman....alam na!...hehehehehe
kung sino mang yang iniisip mo jentot ,tawagan mo na lang at sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin para sya naman ang di makatulog...hahahahahahaa
-PaJay-
pwede rin..
kaya lang matakaw ako..hehe...
tapos hindi rin ako mahilig matulog..hehe..mabubulabog ka pag jan ako tumira sayo...
amf..anung gising-tulog-gising? anu daw? nyahahaha
wahaha...pano ko naman tatawagan? aver? tstkstks...
hahaha...ang tagal mong nawala ah!
adik ka talaga. di mo kayang iwanan no...hehehe..
MAY BUKAS PA!....toinkz..
-pogi-
nyenyenyenyenye...
hahaha..
kung alam mo lang kung gaano kadami na ang "drafts" ko...
haha..xaxa..may bukas pa pala eh..hehe
Jen ito tandaan mo,kawawa ang bata kung ipapalaglag mo. wala siyang kasala...
ay sori sori? anu ba kasing topic?hehehe
nangungulit lng poh.
basta nandito kami nakaagapay.Naks nakaagapay.
Enjoy life paps.apir! *wink*
ang gulo talaga ng mga bagay bagay..
kaya nga siguro may bukas lage na naghihintay para sa mga bagay na hindi natin kayang sulosyunan sa ngaun..
aheks..
tama ba bro???
-Hari ng Sablay-
salamat sa suporta..
heheh..
tagay tayo pre..hehehe
-vanvan-
bro???!!!!
amf...
gurlash ako ineng..wahihihi
honga..habang may buhay may pag-asa..
:)
Post a Comment