9.4.09

Bakit ka nagba-BLOG?

>>>>Isa itong malaking pagkakamali! Ayan ang nasabi ko nung nakita kong ni-post na ni Pareng CM Well, kasalanan ko din naman dahil isa akong makulit na batang nagtanung-tanong kay CM nung nakita kong nitong mga nakaraang araw eh bantay-sarado sya sa mga kaganapan sa page ko. Nakikita niya kung may nagalaw ba sa linya sa gilid ng aking bahay, O kaya naman kakacomment ko lang sa page niya, eh maya-maya lang meron na sya agad sagot. Mga ganung bagay lang. Pero at dahil hindi naman eto ang title ng entry na itei- "Kung gaano kaadik sa blog si CM". Ibabahagi ko sa inyo kung bakit ako gumagawa ng mga karumal-dumal na blog at kung bakit ako gumagawa ng mga kalokohan dito..

Bakit ka nagbaBLOG.....

---Hilig ko na ang sumulat ng kung anu-ano. Gaya nga ng nabanggit ko nung dati sa mga posts ko, kahit uber nonsense na topic, basta nakahiligan ko, pinapatulan ko talaga at ginagawan ng kalokohan at maduming buhay. Mahilig din akong mangarap ng gising at madaming hinanakit sa buhay kaya naman sa blog ako umaasa sa panahon na wala akong makausap ng matino. (na kadalasang nangyayari).

---Gusto mo bang makita kung san nagsimula ang mga madudumi kong balak sa buhay? punta ka dito.Eh kaya lang, naamoy ng mga taong ayukong makabasa ng mga sinusulat ko yung lugar na yun kaya nagtago naman ako dine.
At dahil sa isang maduming balitang pinakalat ko sa pamamagitan ng isang entry ko dun, napaaway (not that much) ako sa ilang mga tao sa kulto. Nope, hindi tungkol sa simbahan yung sinulat ko kundi isang matinding sismis. Haha.

---Nakakawala din kasi ng stress ang pagsusulat ng mga "mumunting" hinanakit mo sa buhay. Basahin niyo yung mga entry ko sa FS, haha..lahat yun bigo (awwwts), pero hindi ko naman pinagsisisihan at hindi ko rin naman binubura yung mga entry ko dun dahil nakakatuwa din syang balik-balikan pag nakakalimot ka na sa buhay mo (madalas mangyari saken yun).

---Sa pamamagitan din ng blog eh nakakita ako ng madaming friendships..Terminolohiyang plenchip ang ginamit ko dahil alam kong may ibang mga nilalang sa paligid na imi-misinterpret pag kaibigan ang sinabi ko (ay shubei, sinabi din).

At sabi ni Pareng CM eh ipasa daw toh sa limang mga iba pang blogista / blogero, pinapasa ko itong bonggang tag na toh kanila Bommzzzzz, Gillboard,Jez,Yanah,Vanvan....

4 comments:

2ngaw said...

Bakit ngayon ko lang nakita ire?!!!kahapon pa ata to ah!!!

Di bale, at least hindi ako ADIK sa blog, kasi di ko agad napansin to lolzzz

Salamat sa paggawa Mare...sa uulitin nyahahaha, meron pang kasunod...pinag iisipan ko pa kung paano at kung itutuloy ko... :D

Kosa said...

ako din...
naglipana ang bagong post dito..
halatang kinakarir..
walang pasok?


haaaaaayssss...
iniintay ko pa naman na ma-tag din sa akin tong tag na to...

EǝʞsuǝJ said...

-CM-
napending sa draft ko..nakalimutan ko iset yung pagpopost..
hhehe..
sige lang tag lang ng tag..
alam mo namang mapagpatol ako sa lahat ng tag mo..hehehe

-Kosa-
adik...
mga ilang araw ka kasing hindi naligaw dito kakakampanya mo sa ibang mga lugar..(joke)

gusto mo edit ko tapos tag ko sayo?
hehehe

poging (ilo)CANO said...

hahaha

ADIK...


lolz..