3.4.09

Busmate

Mahal kong Busmate,

Magandang araw sayo. Sana ngayon pa lang eh naisip mo nang seryoso talaga ko sa mga sinasabi ko sayo sa araw araw na ginawa ni Papa God. Hindi iyon mga joke o kung anupamang kalokohan na sa tingin ko eh hanggang sa araw na ito eh hindi mo pa din naiiintindihan. Sa araw araw na nakakasabay kita sa pagpasok papuntang opisina ay napamahal ka na din saken. Sobrang pagmamahal na ayaw na sana kitang makita sa susunod na araw. Naiirita na ko ng bonggang bongga sa kakornihan mo at kahit na ang aking talento sa pambabalahura at pang-aapi ay hindi na ata tumatalab sayo. Pangalawang bagay na nais kong ipabatid sa iyo ay ang iyong pagtigil sa pagkuha ng aking pikshur sa araw araw. Sinabi ko naman sayo, para saken, mas katanggap-tanggap pa at hindi masakit sa puso kung tatawagin mo ko ng "pre o tomboy" kesa sabihin mo araw araw na maganda ko. Anu bang purpose ng pikshur na yun? pra malaman mo kung saan lumilipat ang mga alaga kong pimples? o unti-unti mo kong pinapakulam kay aling Bebang na kapatid ng kapitbahay ng kapitbahay niyo? hayy..busmate. Ilang beses ka bang pinanganak ng nanay mo? Bakit ang kulit kulit kulit (at isa pa) ang kulit kulit mo? Hindi ako fanatic ng paborito mong kasabihan na "the more you hate the more you love", kundi sa "the more you hate the more you laugh" ako mas nananalig. Alam mo ba, araw araw kitang ipinagdarasal, na sana ay maliwanagan na ang inaamag mong utak. sana eh maging malinaw ang function ng cells jan sa loob ng utak mo para maisip mong lubayan ako ng bongga. Kakaiba ka busmate, sa lahat ng taong kinausap ko ng masinsinan, ikaw ang ayaw magpatinag. Sa lahat ng tinakot ko, ikaw ang natuwa. Sa lahat ng minura ko, ikaw ang nagpasalamat. At sa lahat ng inindian ko, ikaw ang walang sawang naghihintay ng simpatiya ko. Patawarin mo ko busmate. Pero........
Ang puso ko ay pag-aari na ng iba.

Nagmamakaawang lubayan mo,
Kurdapz...:D

12 comments:

Unknown said...

wow ms. jen...me busmate na pala...aheks..basted si busmate..wawa naman..

poging (ilo)CANO said...

talagang ginawan mo tlaga ng sulat si bushate este busmate mo.hahaha...

goodluck sa pangungilit niya sayo...

gaya ng sabi ko sayo...baka wala siyang utak kaya hindi makaintindi...nyahahaha..

2ngaw said...

Mare, naalala ko lang sinabi ni Kuya Bob Ong "Pag hindi ka mahal ng mahal mo, huwag kang magreklamo. kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka… Kaya quits lang." lolzz.. joke lang yan Mare...

At regards kay Busmate, pakilala mo ako at sasapakin ko..natin pala..baka kasi malaking tao, di ko kaya mag isa lolzz

gillboard said...

hmmm... gawin ko kaya to dun sa busmate na kras ko... kelangan ko rin ng pichur niya... hmmm...

EǝʞsuǝJ said...

-Vanvan-
hehe
no comment vanvan...:)

-b1-
haha
post ko kaya sa fs para mabasa nia?
hehehehe..
meron naman syang utak
di nia lang siguro tlaga ginagamit..haha

EǝʞsuǝJ said...

-CM-
quitz nga lang...
pero pare nuknukan kasi ng kulit
eh ako naman eh pag ndi ako mahal nung mahal ko ndi ko kinukulit...
alam mu un..
sana ganun din siya saken.
haha..
(mega explain pare..:D)

-Gillboard-
hehe..
gudlak sa kras mong busmate mo..hehe

2ngaw said...

Hehehe :D No need to explain Mare, i understood lolzz mag-tricycle ka na lang kase :D

EǝʞsuǝJ said...

-CM-
pare mahal ang pamasahe...
eh yung bus sagot ng kumpanya..
hehe.
kaya ko namang magpakasama para sa kapakanan ni busmate eh..nyahahha

Hoobert the Awesome said...

hehe. ang tameees kahit basted. hehe. wawa naman si busmate. visit mo blog ko @ tsilspat.blogspot.com.

A-Z-3-L said...

ayun si busmate bus-ted!!! toinks!

ayun si jen basted din!

ayun si..... pogi pa rin!

lolz! uwian naaaaaa!!!

EǝʞsuǝJ said...

-p0ot!-
haha
sweet ba yun?
tsktksk..
sige daanan kita...

-AzeL-
wahahaha....

karma nga daw eh..
ayun yun..
pero bakit kasma si pogi sa listahan?..haha

Anonymous said...

J3NSKEE!!

Walastik! Although am not sure kung may nag mamay -ari na nga ba ng fuso ko pero nakikita ko sarili ko sa'yo.. Ahaha! How I made up stories just to avoid people from getting hurt, by me. lolz Pasalamat na nga lang daw ako't wala pang nag-papasalvage sa'kin,,wahahaha! (ubo!)