Sa 22 taon na pananahanan ko sa katawang lupa kong ito, marami-rami na rin ang bumisita saken na karamdaman. May panaka-nakang pagkalabit ng trangkaso, sipon, ubo, asthma, sakit sa puso (haha..hindi counted yan ungas!), beke (mumps),bulutong (chickenpox), anemia (suki ako nito dahil hindi nga ako mahilig matulog), overfatigue, at kung anu-ano pang kalokohan sa buhay. Pero kung magkakaroon ng botohan ang mga doktor na tumingin sa mga lamang-loob ko at ang mga magulang ko - mananatiling nasa number 1 ang Migraine at ang Insomnia.
Ayon sa aking panananaliksik, ang sakit daw na ito eh namamana o hereditary. Hindi ko sya hinanap sa gugel. Basta tinanong ko lang ang pinakamalapit na mga kamag-anak ko. Kadalasan daw na tinatamaan nito eh yung mga taong kagaya ko (matalino kuno at bisi-bisihan kunwari sa karir layp, puro kunwari lang naman, dinamay pa ko sa pasahan ng sakit). Si papang eh may kaparehong mga sakit kagaya ng saken, kaya naniwala akong namamana nga yang mga kalokohan sa buhay na yan. Kung bisitahin ako ng sakit kong toh eh buy one take one. One time big time sila kung umariba. Sabay na sabay at nakakasira ng ulo na halos gustuhin mo na lang na sumigaw ng ubod ng lakas na (sana) kasabay ng pagsigaw mo eh mawala na yung sakit na namumuo dun sa may gilid ng mga mata mo. Hai..
Tapos mahirap din sumpungin ng insomnia ng anjan ang lola mo. Dahil sapilitan ka niyang patutulugin kahit hindi mo magawa! O kung sasabihin mo naman sa kanya na hindi ka pa inaantok, sasamahan ka pa niya hanggang madaling araw---salamat..salamat Papa God sa pagbibigay saken ng ganireng Lola..hai..mahirap maapreciate sa mga ganitong panahon pero I appreciate her. Waaa...
11 comments:
TAT'S!! DOwn!!!
alam mo bang di lang hereditary yan... nakuku mo rin sa mga bagay bagay na kina ADIKAN! mo hahahaha... OO yun yun...lam ba yun..? di ko sinerts sa Gogol... kasi may nagsabi din sa akin lols...
Ang Bait naman ni Lola.... binebaby ka pa heheheh..baka hinihiili ka rin??....lol's
Madali lang ang
sagot sa iyong sakit...
kapag inatake ng migraine
at sumunod si insomnia
hawakan ng dalawang
kamay ang ulo
saka ibalibag sa bato,
tanggal ang sakit ng ulo
ang sarap pa ng tulog mo...
-Bomz-
hahaha...
gumaganun pa..eh hindi na nga ako ADIK sa kung anumang bagay ngayon ahh.,,,healthy living na kumbaga..nyahahah
-CM-
hahaha...
kung pwede lang na ganyan ang gawin pare..tsktsk..kaya lang hindi pwede..kumplikado yang suhestyon mo..:)
wenks...kainggit ah..binebybi ka ah...andaya...kung sabagay noon man na spoiled din ako ng aking lola... pero too bad wala na akong lolo't lola both sides...naiinggit ako...ahahaha...
ako naman ay hindi masasakiting tao...twing holyweek lang ako nakakaranas ng sakit..lagnat etc..swerte ngayon taon wala ako nun...
ang sabi lang sa akin ng grasya...uminom lng daw lagi ng madaming tubig para iwas sa anumang sakit....mukhang epektib nmn:)
pareho tayong may insomnia... hirap matulog... nakakaasar kasi, ang lamig ngayon, tapos hindi ako makatulog... waaaaaah!!!
-Super G-
hmmm...
honga..gaya nga ng sabi ko sa mga past posts ko bout kei lola dear..ngayon lang kami nagkabonding ng todo todo...
hehe..
sana kagaya kita..na minsan lang nagkakasakit..
tsktsk..di epektib saken ang water theraphy..matigas kasi ulo ko..nyahaha
-Gillboard-
yun yung nakakainis ehh..
makikita mo sila ang sarap ng tulog sa araw-araw..tpos ikw, para kang kwago..nakabantay sa kanila dahil hindi ka makatulog..grr
Buti na lang akong ganyan na sakit... anong pakiramdam ba? hehehe!
Buti na lang ***wala akong sakit na ganyan... anong pakiramdam ba? :)
ulo lng ba ang masakit?
pag sumakit ang ulo dahil sa migraine, tumayo ka sandali.. inom ng malamig na malamig na tubig.. tapos sipain mo ng malakas ung pader!
hindi na masyadong masakit ang ulo kase mas masakit na ung paa... hindi mo namalayan wala na ung sakit ng ulo mo, hindi mo na iindahin! problema mo ngayon ung paa mo kase tyak mamamaga na yun...
ung insomia naman... madali lng solusyon dun... work ka as call center agent.. kahit gising ka sa gabi may pakinabang ka. paguwi mo galing ofis sa umaga... at di ka pa makatulog.. hanap ka ng part tym... para di sayang ang oras. sayang ang kikitain mulat ka pa naman!
un laang... bow!
word verification: detabo!!! lolz!
-Marco-
masakit sa ulo..kahit murahin mo yung mga ugat mo sa utak wlang epekto..kainis...
tpos sa insomnia..weirdo ka..dahil tulog lahat ng tao at ngising na ulit sila..ikw gising ka pa din..tsktksk
-Azel-
salamat sa payo ah..
para mo na ring pina-igsi ng tuluyan yung life span na meron ako..nyahaha
dito sa uae magcocol gel?
naku poh! kaliwali..
wasak ang utak ko nun lalo pag nagkataon..nyahaha
10million mg lang ng TOGMORON yan...
sakit sa puso... may hereditary.. pero ugn sakit sa puso mo... konektado yan sa sakit sa utak mo kaya im 100% sure na hindi hereditary yan.. ang walang kamatayang maygreyn... matulog ka akse adik ka!
yun lang muna..
ahahahaha
Post a Comment