**Umaatake na naman ang migraine ko sa mga oras na to. Alam kong may pagtambay na naman akong gagawin sa opisina mamaya, pero -----pag-aaksayahan ko muna ng panahon tong mga bagay-bagay na MAs mahalaga ng wanport kesa sa pagtulog, ang magkwento. Harhar...:D
---------------------------------------------------------------------------------------------
Nabasa ko dito ang paborito kong kowt. Oo, dyan mismo sa pinaka-recent na entry ni Biiba. Kung alin man yun dyan, paki-hanap na lang. Hehe. Pero yung kowt na yun ang eksaktong-eksaktong mga salitang sinasabi ko sa kanya nun nung napapanahon pa ang pagka-inlab (well, uso pa din naman ngayon, kaya lang...basta).
Hindi kasi ako pinatahimik ng kunsensya ko sa pag-iisip tungkol sa ilang mga katanungan niya dun sa entry na yun. Pero ewan ko din, sigurong natural-born-pakielamera lang talaga ko sa mga bagay-bagay sa mundo. Hindi ko na ieelaborate kung paano ko sinubukang unawain yung entry na yun. Pero para saken, para syang isang suring-basa (prajek sa hiskul sa Filipino), na nagpahirap sa wanport kong utak na sinusumpong pa ng sakit niya ngayon.
When you fall inlove there's gotta be a reason...
>>>Sabi ko naman, once na nagkandaleche-leche ka na sa pakikipaglandian at pakikipagharutan at nag-fall ka, wala ka namang mabibigay na certain reason, kundi----"Mahal ko na eh" (nothing more and nothing less, pero case to case basis pa din naman).
Once you Fell out of love, you cannot give any reason...
>>> Whereas, madami kang reason na pwedeng ma-air out; (Di na kita mahal kasi maingay ka masyado, or masyado kang / akong immature para sa relationship na toh, takot ka sa responsibility, hindi mo alam kung ano yung priorities mo sa buhay mo,etceteraetcetera)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkatapos kong umattend at magbalik loob sa magulong mundo ng "kultoness" nung thursday night, agang-aga naman kaming ipinatawag sa simbahan para manggulo at mangkalampag ng kaldero at kutsara sa saliw na rin ng musika ni Daddy F (daddy na ang tawag ko sa kanya dahil sooner or later, magiging sila na ng aking Spritual adviser na si R). At dahil wala akong kumpyansa na magsisimula ng ganap na 6 ng umaga ang misa (gaya ng sinabi sa amin). Bumangon ako at tumakbo sa simbahan ng 7 ng umaga---at ako'y naligaw kung saang sulok ng simbahan nga ba ako magwawala, este aawit). Habang nagpapalipas ng oras, (kasabay na rin ng pasimpleng paghahanap sa mga kasamahan kong carollers) umattend muna ako ng ibang misa.
Mga dakong 8 na ng umaga ng makita ko ang mga nagniningning na mga mata ni F. Sabay tawa at sabing: "Late ka na naman!". Di bale, saksespul pa din naman ang aming pag-iingay sa simbahan kahit na sa kalkula ko, sa 8ng kanta na inawit namin, mga labingdalawang beses akong sumablay sa lyrics at tono ---- ang dahilan, ang pagkalabit ni antok sa batok ko.
Marami rin akong mga kalokohang nagawa habang nakikinig ng gospel ni Father Serge, andun yung natawa ko sa maling response ni Biibo. (peace out Biiba). Natawa ko dahil may isang kantang maling natugtog si F, may isang kantang tamang taas ng tono ang ibang myembro ng kwayr (kahit na mababa sila dapat), di na ko magtuturo pero hanggang sa oras na to, hindi ko pa din alam kung ako yung mali o sila. Pero, maniwala man kayo sa hindi, eh nakinig naman ako ng taimtim sa banal na misa.
Nakakarelate ako ng bongga sa sermon sa misa, "Ang pagmamahal sa kapwa". Sabi dun, ang pinakamatinding tanong daw saten pag nandun na tayo sa may daan papasok sa gate ng langit, ang bonggang bonggang tanong sa Q & A ay: "Paano mo minahal ang iyong kapwa?"...
....Mabuti na lang at hindi ginawang oral recitation yun kanina. Dahil sigurado ko, kung ngayon ako tatanungin nung tanong na yun, mapapangiti lang ako at magpapacute. Sabay ituturo kong namamaga pa yung mata ko dahil wala pa kong tulog at hindi gumagana yung utak ko sa mga oras na yun (joke). Ewan ko, marunong akong magpahalaga sa mga taong mahahalaga at magiging mahalaga pa sa aken sa darating na mga panahon. Pero, hindi ko pa kayang sagutin yan sa ngayon dahil alam kong magiging bias lang ako sa sarili ko.
Nang matapos ang misa, lumapit ako kay Father at nagmano. Ngumiti siya at hinawakan ako sa aking ulo, sabay sabing: "Sister, parang ngayon lang kita nakita ulit?".....
7 comments:
"Sister, bago ka dito?" lolzzz ayan kasi!!!
-CM-
talaga naman kumpare...
ikaw na naman ang nauna..
hahahhaa..
pero hindi na kita tatanungin kung bakit ka nauna dahil alam ko na ang sasagot mo..hehehe
kagaya ng comment ko sa post ni Biiba,
Loving is risking. If you want to build a relationship, you should take a risk.
Merong mga time na naiinlove, meron din time na nagfafall. Pero the saying is always true, its better to love and fall, than to shut out love in your life and be miserable.
hmmmmm sister....
ahahahahaha
sinabi ko ba kaseng isipin mo ang kaentryhan ko??? hay naku... hahahaha
wala akong masabi.. bukas na lang ung may sense...
hahahahaha
we start liking a person dahil sa qualities na ipinapakita nya.. pero it doesn't mean na IT'S LOVE!
pag nahulog na tayo ng sobra dahil sa walang humpay na usapan, kulitan, tawanan.. di na makatulog kakaisip, di na makakain dahil lutang na, hindi na makasimangot dahil laging nakangiti (at parang stamp na ung smile sa fez!), hindi na mapakali sakaling isang araw na walang communication... un "daw" ung LOVE.
pero kung magtatanong ka sa sarili mo "BAKIT MO MAHAL?" wala tayong masagap na dahilan dahil kung magbibigay tayo ng specific na reason bakit tayo nagmahal, ang KAKULANGAN ng reason na un ang sagot bakit WE FELL OUT OF LOVE!
pero anu't ano pa man.. gaya ng dati ko pang advice sayo... imulat mo ang yong mga mata. mabuhay ka sa kasalukuyan, sa kung nasaan ka. dahil siguradong andun lng ang sagot sa mga tanong ng pusong nagdurusa. siguradong anjan lang sa pali-paligid ang kaligayahan. wala sa kung saan pa man!
-Kuya Kenji-
may tama ka kuya..hehe
-Yanah-
wala lang..
iba lang kse dating nung entry mu eh...
kahit wag ka na magcomment about dun. ok lang..haha
-Azel-
tungkol to sa byernes santo..
anuber...:))
syasya..
surprese ang resulta ng pagiisip ko tungkol sa bagay na itei..hehe
Bahahaha close kayo ni Father? Hahaha
Post a Comment