31.3.09
Take time to think...
We drink too much, smoke too much, spend too recklessly, laugh too little, drive too fast, get too angry, stay up too late, get up too tired, read too little, watch TV too much, and pray too seldom.
We have multiplied our possessions, but reduced our values. We talk too much, love too seldom, and hate too often.
We've learned how to make a living, but not a life. We've added years to life not life to years. We've been all the way to the moon and back, but have trouble crossing the street to meet a new neighbor. We conquered outer space but not inner space. We've done larger things, but not better things.
We've cleaned up the air, but polluted the soul. We've conquered the atom, but not our prejudice. We write more, but learn less. We plan more, but accomplish less. We've learned to rush, but not to wait. We build more computers to hold more information, to produce more copies than ever, but we communicate less and less.
These are the times of fast foods and slow digestion, big men and small character, steep profits and shallow relationships. These are the days of two incomes but more divorce, fancier houses, but broken homes. These are days of quick trips, disposable diapers, throwaway morality, one night stands, overweight bodies, and pills that do everything from cheer, to quiet, to kill. It is a time when there is much in the showroom window and nothing in the stockroom. A time when technology can bring this letter to you, and a time when you can choose either to share this insight, or to just hit delete...
Remember; spend some time with your loved ones, because they are not going to be around forever.
Remember, say a kind word to someone who looks up to you in awe, because that little person soon will grow up and leave your side.
Remember, to give a warm hug to the one next to you, because that is the only treasure you can give with your heart and it doesn't cost a cent.
Remember, to say, 'I love you' to your partner and your loved ones, but most of all mean it. A kiss and an embrace will mend hurt when it comes from deep inside of you.
Remember to hold hands and cherish the moment for someday that person will not be there again.
Give time to love, give time to speak! And give time to share the precious thoughts in your mind
AND ALWAYS REMEMBER:
Life is not measured by the number of breaths we take, but by the moments that take our breath away.
>>>>copy paste lang galing sa previous blog ko sa multi..:D
30.3.09
Rebelasyon
PLASBAK:
Naging problemado ako nung mga nakaraang buwan. Kaya nga't ngayon eh medyo hindi maganda ang lagay ko. Pero kayang-kaya naman. Keri lang gaya nga ng lagi kong sinasabi. Hindi ko na kelangan pang isa-isahin ang mga dilemma nung "mga problemang" yun, pero alam kong maliit na bahagdan lang yun ng mga problema ng ibang mga tao sa paligid-ligid. Pero, nasubukan kong wag makatulog, o makatulog ng dilat dahil sa kapakanan ng maraming taoooooooooooo. Parang nag-aalaga ka ng isang sanggol na bagong silang. Nyay. Hehe.
Magpapaliwanag ako....
Taym pers!!!!
Lahat ng tao dumadaan sa mga "trying times" ng buhay nila. Kung saan kelangan nilang gumawa ng malulupit na mga desisyon para sa ikabubuti ng ekonomiya ng kanilang sistema sa buhay. Ako, nagkaron ako ng mga nakakawindang na eksena sa buhay ko nung mga nakaraang, nakaraan. Ah basta. Past is past, oraytie.. Leave it all behind. Hehe. At nung mga nakaraang araw nga, eh "mejo" nakaramdam ako ng matinding kasiyahan - parang kasiyahan at energy galing sa isang nagdadalagang mukang binata na si ako (haha), pero napag-isip isip ko din na may mga ibang bagay na dahilan ang lahat at di lamang sa pagmamahal ulit ko maisisisi ang lahat.
Although pinagsisigawan ko sa mundo na single blessedness ako ngayon, (sooo waat?!!!?!!!)alam kong hindi pa ulit napapanahon para lumandi ulit. Tama, hindi pa napapanahon kaya dapat behave lang muna ako at magfocus sa aking singing at counting career, dahil may mga bagay bagay pa sa paligid ligid na pwedeng magpasaya saten bukod dun.
Yan yung pilit kong pinag-iisipan at nararamdaman na hindi ko mai-express nung mga nakaraang araw (apir tayo Azel at kuya Kenji). Mas naenjoy ko lang ngayon kung ano yung mga biyaya na pinagkakaloob saken ni Papa God sa araw araw na ginigising niya ko sa umaga. Nawala na kasi saken yung negative vibes (anu toh feng sui?haha), mga tamang angal at angas sa buhay at kung anik anik na nagpapatubo lang naman ng aking mga pimples (dagdag gastos lang sa derma). May napagdiskitahan lang siguro ang mga namimilog niyong mga mata kaya akala niyo eh may-i-fall ang drama ko sa kanya. Hehe. Matagal bago maniwala si Jen at hindi basta basta nagpapadala sa unang nararamdaman niya. Hmf.
Ayus..yun lang..nilinaw ko lang..hehe..
29.3.09
Rainy Days
I felt bad that as I watched the raindrops fell on the ground, I miss my family and friends. I miss being with Chelle and our never-ending debates about life and love. I miss texting or calling my Mama when I have no jeepneys to ride after our working hours. I miss my Papa's smile when I reach our house, asking me how my day in the work was. I miss my younger brother's hug, Mikee's squeeky voice,Jeram's unkind approach and Teteng's never-ending questions. I miss being back home. Even our dog's bark that I hear in the middle of the night. Our neighbor's conversations. I miss eating "goto" with Mama when we go to the market.
Eventhough I have found a new circle of friends here, part of me still sticks with Chelle's companionship. We may definitely talk long hours everyday through chat, update each other what was new and what is not. I don't know, but I think I'm starting to get bored. I know I'm getting used to the changes, but If I were to choose-- I will still definitely spend my rainy days back home with my family and friends. Full of love, companionship and assurance that had made me a better person now.
27.3.09
Si twin.
Twin: Jenny, monthly ka ba nagpapalinis ng ngipin mo?
Ako: ha? (sabay harap sa stainless na aparador sa loob ng kitsen, tinignan kung madumi si ngipin)
Twin: Ang ganda kasi ng ngipin mo, pareho tayo. Ako kasi..blah blah blah blah blah blah
Ako: Ahh..ok..ok...blah blah blah (nung panahon na yun, nakaretainer ako :D)
Simula nun, lagi na syang dumidikit saken. Mabait daw kasi yung aura ko. Pero akala niya lang yun..bwahaha. Kung dati lagi kaming magka-away, aba eto't kinuha niya na lahat ng pwedeng maging means of communication para lang lagi niya kong makulit. (Inakusahan ko pa nga siyang may gusto saken nung una eh). Pinapasahan lang naman ako ng mga kung anu-anong kowts at mga grapix. Sa mga piksyur taking, lagi na kaming magkasama, sa pudtrip, sa laftrip, at triptrip sa mga kasamahan namin- asahan mo magkasangga kami nito. Pero inpeyrnes naman kay twin, maaasahan naman siya sa oras ng kagipitan. Sa oras ng katangahan ko sa buhay, andyan sya para makatuwang sa iyakan, sa oras ng kakulitan, asahan mo tapos ka na tumawa tumatawa pa sya, sa videoke moments, sa unang beses na uminom ako ng alak habang kumakanta ng kantang hindi ko naman alam (tagay pa twin!!).
Matagal na din kaming walang komunikasyon. Simula nung magkaroon ako ng trabaho dito sa Land of the Rising Smell, dumalang na ang texttext (may roaming pa ko nun), ang chatchat at tawagan. Iniiwanan ko sya ng mensahe sa ym pero walang response.
Wala
Wala
Wala
Hanggang kahapon, habang naglalaro ako ng isang online game, umilaw ang kanyang bintana at nagparamdam saken. (after a decade..hehe). Binalitaan ako ng mga trahedya at lungkot na napagdaanan niya. At puro hinagpis-ipis ang sinabi saken. Hmmm... Nakakalungkot isipin na wala ako sa tabi niya para maging sandalan niya sa mga problema niya. But I'll be including you in my prayers twin. Keri mo yan. :)
Echoz...
Pag-ibig
Pag-ibig
Pag-ibig.
< Hindi isang brand ng shampoo, toothpaste, pabango, damit, cooking oil, o kung anupamang pangunahing pangangailangan na ginagamit / nagagamit mo sa araw-araw.
< Ang pag-ibig hindi nabibili sa tindahan, groceries, supermarket, mall o kung saang lupalop na binibilhan mo ng mga kung anu-anong mga kaartehan na ginagamit mo sa bahay / buhay.
< Ang pag-big (daw) hindi tumitingin sa brand ng blouse / polo, pantalon, sapatos na suot mo. Sa kotse, bisikleta, padyak, jeepney na sinasakyan mo. Hindi rin base sa dami ng regalo - pera (dolyar, dirhams, peso, lapad, dinar, ruppee, yen), bulaklak (santan, kampupot, yellowbell, gumamela, rose, tulips), chocolate (toblerone, m & m's, hersheys, goya, lala,serge, big bang, cloud 9), tula, alak, psp, laptop, kotse, o kung anumang luho na pwede mong huthutin este ibigay / maibigay pala sa taong mahal mo.
< Hindi rin base sa dami at dalas ng holding hands, akbay, kilig, kaba, chuvachoochoo, chukchakchenez, chever, at kung anu pang chuva at mga kalokohan na nararamdaman mo pag kasama mo sya.
< Kung paano mo nauumid ang dila mo pag may sasabihin ka sa kanya.
< Sa pagtawa mo kahit sa pinaka-corny na joke na narinig mo galing sa kanya. Sa pagpilantik ng iyong false eyelashes kapag sinasabi niyang "Mahal na mahal ka niya" (hindi mo nga lang alam kung pang-ilan ka sa sinasabihan niya nun?).
< Sa atat na atat at halos makabali daliring pagmamadali mo masagot lang agad ang mga text mesyeds galing sakanya.
< Sa mala-yelo mong boses na punung-puno ng kaba kapag tumatawag sya sa fonella.
< Ang mga awiting biglaan mong nakakanta out of nowhere. Ang hindi pagtulog sa gabi kakaisip kung iniisip ka rin nga ba niya? at ang nakakabaliw na tanong na "Hanggang kailan kaya?" (ang alin, ang alin nga ba?),
< ang hindi maipaliwanag na nararamdaman, ang pagtalas ng memory at pag-alala sa bawat isang katagang nabanggit niya,
< Ang pagngiti sa kawalan at biglaang pagliwanag ng dati ay madilim at masungit mong mukha (without the help of Dra. Belo o Calayan).
ppprrrTTTTTTttttt.....
Taym pers...
seryoso..
seryoso muna tayo...
Hindi ko pa din alam ang nararamdaman ko hanggang sa mga oras na ito. Sampu ng dalawpu, tatlumpu, apatnapu, limampu, animnapu, pitumpu, walumpu, siyamnapu,at isang daang beses(mahirap magbilang sa tagalog ay swer), makakating daliring nagtanong saken kung sino si....at kung ako nga ba ay...... hai...Kahit mabuhay pa ulit si Pope John Paul II at bendisyunan ako, bulungan ng "sweet nothings" ni busmate, tugtugan ng "Lab mubs" ni pyanista, di ko pa din alam kung anoooooooooooo nga ba tohhhhhhhhhh!!!!!! Kinunsulta ko na din si Dr. Phil, Si Joe D'Mango, Si Bo Sanchez, maging si Bob ong at si Naynay at kung sinu-sino pang cast of characters na pwede kong tanungin. Nagbigay na ng babala ang kalangitan at nagpaulan ng yelo sa lugar na kinasasadlakan ko. Hindi ko pa din maipaliwanag kung ano o kung bakit ako may disorder na ganito (amf! disorder na talaga sya!)
Teka,...corny naaaa!!! tama na muna tong kalokohan na to.hehe..bukas naman ulet..:D
26.3.09
Blangko
Dahan dahan kitang palalayain
Hahayaang ibang daan ang tahakin
Ngunit kung sakaling ako ay lingunin
Aking iuusal na kailanpaman "ika'y mamahalin"
Mga salita ay hindi maapuhap
Dito sa aking utak bawat bagay ay di malingap
Sa aking pagpikit ikaw ay nakikita
at ang iyong anino, kasama siya
>>> Nasulat ko yan kagabi,bago ako hilain ng aking kama para matulog. Hindi ko naman malaman kung kunektado nga ba sa tunay na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon eh magulo pa din ang takbo ng utak ko. Hindi ko malaman kung ano nga ba ang gusto kong gawin, isipin, kainin, lutuin, panoorin, trabahuin, kulitin, kutingtingin, at kung anu-ano pang makabuluhang bagay na dapat ay tumakbo sa aking isip. Hindi naman ako ganito dati. Siguro childish lang talaga ang approach ko sa mga bagay bagay sa paligid kaya ang epekto saken eh ganito. Siguro nga, malamang, pwede rin, pwede na. Oo na nga. Hayy. Buhay. Magulo. Maingay. Makulit. Seryoso. Paikot-ikot. Maligalig. Nakakabaliw. Nakakabalisa. Nakakaantok.
Nakakaantok.
Nakakaantok.
Tama, inaantok nga ako. Kahit na natulog ako ng sampung oras kagabi, pakiramdam ko ay pagod na pagod pa din ako. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi man lang ako kinapitan ng kahit na anong lungkot ng magpaalam sya saken. Siguro nga ay nasanay na ko. Ilang taon din naman akong nabuhay ng mag-isa lang. May kaibigan, pero kokonti lang. Piling-pili lang. Hindi mo din ako makakausap ng matino. Weather-weather lang. Speaking of weather, natatawa ko dahil umulan ng yelo dito kagabi. Literal. Literal na yelo ang bumagsak mula sa kalangitan ng Land of the Rising Smell. Nabanggit lang yan saken ni Azel sa pamamagitan ng isang phone patch. Subalit pagkatapos ng aming usapan, agad akong tinablan ng pananamlay at bumalik sa mahimbing na pagkalinga ng aking kama. Maya-maya pa ay may narinig akong kung anong ingay. Away. Away. Na naman. hehe. Yan ang hirap sa mga mag-asawa, pag may sinaltik sa isa sa kanila, asahan mo pati tulog mag-eenjoy sa drama nila. At ayun na nga ang nangyari, drama dito, drama dun. Biset! Yan na lang ang naibulong ko.
Balik tayo sa kaibigan. Mula kabataan mangilan-ngilan lang din talaga ang naging kasama ko "in sickness and in health". Hindi kasi ako nag-eenjoy sa malaking bilang ng magkakaibigan (kahit na kabilang ako ngayon sa isang grupo ng makukulit na mga bata sa kulto). Hindi pa din ako aktibo sa mga galaan, sosyalan, at kung anu-ano pang kaplastikan na ginagawa ng sama-sama nitong mga taong ito. Kuntento ako ng tahimik lang. Nangungutya ng tahimik, nanggagago ng tahimik. Basta, lahat ng bagay ginagawa at inaaartehan ko ng kalmado lang. Noon yun..
Noon
Pero naiba ngayon...
Malamang bukas iba na naman yan..hai hai...
25.3.09
Responsibilidad at pasakit
Nang mga lumipas na araw ay nakaramdam ako ng kung anung karamdaman. Karamdaman na maging si Papa God ay nagawa kong tanungin kung bakit sa kung anung pagkakataon eh bakit ngayon pa, bakit sya pa at bakit dito pa. Nanatiling tikom ang bibig ng kalangitan, sa pag-usal ko ng ilang mga panalangin. Panalangin na sana ay bigyan niya ako ng liwanag sa pagtahak ko dito sa aking buhay. Namuhay akong mayroong takot sa aking puso. Takot na maiwanan mag-isa, takot na magtiwala--basta panay takot at pangamba na mamuhay dito sa mundong ibabaw ng mag-isa. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na naisip kong "parang" ako na lang ang nagpapahirap sa sarili ko at nagiging masaya sila sa pamamagitan ng aking paghihirap.
Naging katuwang mo ako sa iyong paghihirap,
sa kasiyahan at sa kung anupamang bagay sa iyong buhay.
Pero sana, sana ay iyong maintindihan.
Tao lang ako, napapagod,
nasasaktan at nagsasawa din.
Kaya ngayon ika'y palalayain
at hahayaang sa hangin ikaw ay liparin
Dala ko sa aking puso ang matatamis na alaala
na aking iisipin sa tuwi-tuwina.
24.3.09
Math-inik
Nung kabataan ko, naaalala ko ng wanport, naging avid fan ako ng MATH-INIK (ganyan ba spelling nun?). Yung palabas sa channel 2 na pampa-enhance daw ng kaalaman ng mga bata tungkol sa mga equations, at ng four basic functions sa math. Pinapanood ako nun ni Naynay, at pagtapos nun, nagkakaroon kami ng isang maikling pagsusulit, na kadalasan naman eh nauuwi lang sa matinding pikunan at paluan.
Pagdating ko naman ng hi-skul, nagkaroon ako ng malaking galit sa titser ko na si Mrs. Nenita Talinting (teka, kung isa sa inyo kamag-anak niya, wag kayo magsusumbong ah). Bakit?? Eh pano ba naman? sinong matinong tao ang magpapaconvert ng isang certain years into seconds? Bwiset. Ilang pages ng notebook ko ang naubos nun dahil lang sa isang number sa binigay niyang assignment na ang decimal places eh umabot ng hanggang bente ata. (exaj). Memorable din tong teacher kong toh dahil sya yung malimit na magsabi sa amin na "Lagi kayong maglalagay ng sapin sa likod, dahil baka kayo magkasakit pag natuyuan ng pawis sa likod." Dumating din sa punto na kailangan mo syang sagutin sa oral exam. Na pinagtawanan niya pa ang apelido ko (na di-hamak namang mas maganda at kagalang-galang kesa sa kanya). Na pinagcheck niya ko ng mga testpapers, pinagsukat ng mga angle sa mga nakakaawang drawing ng mga POLYGONS. Pinagbilang kung ilan nga ba ang sides ng circle (meron kasing sumagot na klasmeyt ko na may side daw ang circle), na ang sides ng nonagon ay nine. Mga tipong nakakasira ng magagandang araw sa eskwelahan.
Pagdating naman ng college------Serious mode na ko sa pag-aaral. Dala ang aking sandatang scientific kalkaleyter, nakipagbuno ako sa mga madugong equations, formula derivations, sa eber-labing bespren kong sohcahtoa (na hindi ko na nagagamit ngayon), logarithms (dahil sa pagiging ulyanin ko napagcompute ako nun ng gamit lang eh table of logarithms, dahil naiwan ko ang sandata), at ang ending....malayung-malayo sa pinangarap kong maging isang inhinyero. Ayus lang, nasa abroads naman ako! Oryt!:D
At dahil magtatapos sa hi-skul ang sisterette ko, (panibagong gastos ka na naman,,,joke). Babatiin ko ang mga magsisipagtapos ng isang bonggang: Heppi Gredeweysyen!!!!!!!
23.3.09
Move forward
Ilang araw ko din binulag ang mga mambabasa ko sa pagiging corny ko. Heto at sesegway muna ako para sa ikabubuti ng lahat. Madami na rin kasing bulung-bulungan, sigaw-sigawan, asar-asaran, tanung-tanungan at kung anu-ano pang kabulastugan ang naganap. Maging sa fonella, ym, cbox, comment box at kung saang lupalop---basta maitanong lang saken kung ano ang estado ko ngayon. Teka, hindi ako artista- at walang balak kahit kelan na pasukin ang magulong industriyang yun! Syempre move forward ako! :),.Tayo pala...
---------------------------------------------------------------------------------------------
Mahilig akong umattend sa mga kung anik-anik na mga recollection. Peborit ko kasing libangan ang pagbabalik-tanaw sa mga kagaguhan at katarantaduhan na pinagagagawa ko sa buhay ko. Masarap din sa pakiramdam na kahit minsan eh mailabas mo sa sambayanan ang nilalaman ng inaamag mong pusu-pusuan. Libre umiyak, umangal, magsumigaw, maginarte at kung anu-ano pa.
Sabi nga nila "may bukas pa". Malamang. Madami pang bukas ang dadating. Kaya isa isang hakbang lang patungo sa kinabukasan. Ang mahalaga, sa bawat pag-ikot, tumbling, iskwat, split, ng buhay, alam natin kung paano ito pahalagahan at gamitin sa tamang mga bagay bagay. Dahil lagi dapat natin isipin na:
Ang tanging bagay na permanente, ay ang pagbabago.....
22.3.09
Bird Brain
May isa kong kaibigan na nagtatanong saken pilit kung "inlab" ako. Hehe. Sa Totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano at kung paano nga ba ang nararamdaman ko. Alam ko, masarap umibig, pero....PERO...maraming kaakibat na mga bagay bagay sa paligid-ligid. Andyan yung masasagasaang bahay este buhay pala, kasiyahan (pero alam ko masaya ang pakiramdam!), emosyon, waaaah! naguguluhan pa din talaga ko hanggang ngayon. Walang nagtapat, at tingin ko walang maglalakas loob na magtapat. Dahil una sa lahat, ako yung tipo ng taong mahirap malapitan, mahirap magustuhan, at mahirap unawain!:). Magaling lang akong makipagkulitan, harutan, landian , at kung anu-ano pang kalokohan--- pero pag seryosohan na ang usapan, umiiwas na ko sa usaping yan. Nawawala akong parang bula, at dumadalang na ang pagpaparamdam ko .
Balik tayo sa tanong : "Inlab ka ba? "...
Kung pwede ko lang sana sagutin nang madalian yung tanong na yan. Nang walang iniisip na ibang mga bagay-bagay. Ang sarap sana umamin. Kaya lang,...chaka na...hhehehehe
21.3.09
Magulo
Some things are better left unspoken.....
May mga bagay sa buhay natin na hindi natin kayang ipaliwanag. Mga bagay na hindi natin kayang iparating sa pamamagitan ng mga salita, pagsulat, o minsan eh sa kilos. May mga bagay na hindi natin kayang aminin sa iba, pero sa isip at puso natin eh alam natin yung sagot - natatakot lang tayong ipaalam sa iba dahil ayaw natin na mag-suffer sa consequences na kaakibat nito. Ilang araw na ring nananahanan tong post na to sa draft ko. Hindi ko malaman kung bakit sa dinami-rami ng panahon na sumusulat ako ng kung anu-ano, ngayon lang dumating ang pagkakataon na hindi ko maisip at maisalin sa mga salita ang gusto kong maiparating (saan?), (hindi ko din alam...di bale pag naaalala ko, sasabihin ko ulit sa inyo :D).
Alam kong may iba't ibang pangarap ang bawat isang nilalang dito sa mundong ibabaw, may kanya-kanyang natatagong emosyon, at kanya- kanya rin namang saloobin tungkol sa mga bagay- bagay. Pero ako, kahit na sinasabi nilang " ok sa olrayt" ang pananahanan ko dito sa mundong ibabaw, may mga bagay pa din akong nais makamit na medyo "unreachable". Simpleng bagay nga lang kung tutuusin, pero alam ko, duwag ako pagdating sa bagay-bagay na yun. Natatakot lang kasi akong masaktan. Kahit na oo, alam ko na parte yun ng paglaki (may pag-asa pa nga ba?). May mga bagay din naman na inihahain na saken at susunggaban ko na lang, inaayawan ko pa. (ewan ko ba kasi kung anung kautakan ang meron ako!..). Naiisip ko yan kahapon habang naglalakbay ako pauwi sa tahanang tinutuluyan. Pero kadalasan, kung ano yung nakahain sa harapan ko, yun pa yung inaayawan ko --- bakit? dahil natatakot ako na makasakit ng ibang tao, pero takot din akong masaktan. Magulo diba? Pero ganun yung takbo ng isip ko sa usaping yan. Sabi nga ng papang ko :
"Piliin mo kung sino yung nagmamahal sayo, dahil dun, siguradong magiging masaya ka at hinding-hindi ka niya sasaktan. Ang pagmamahal kasi, natututunan yan."Pero hindi ko sya sinusunod sa bagay na yan, at ginagawa ko ang mga bagay sa sariling prinsipyo at diskarte ko. Maigsi lang ang buhay natin sa mundong ibabaw, kaya kailangan gawin natin itong kapaki-pakinabang. Malamang sa malamang eh nakikipagpatintero ako sa kasalukuyan, medyo huminto sa kalagitnaan at nag-isip. Nang-away ng ilang taong gumugulo, at tuluyang nagpapagulo ng binuo kong "laro". Pero....nanjan ang isang malaking salitang PERO sa gilid..alam ko na sa mga bagay-bagay na ganito.....
Ang unang madapa, ang syang matatalo...
19.3.09
Si papang naman...
Seryosong nilalang ang aking mabuting ama (naks, pag nabasa mo toh padalhan mo ko ng mga hinihiling ko sa fonella nung isang linggo ah?hehe). Ultimate kakampi ko sa mga desisyon ko dahil nilikha kaming pareho ng mga pananaw, paniniwala, talento (ehemm) at ultimo kaichurahan. Si papa ang nagturo sa akin kung paano magdrowing ng bulaklak, ng aso, ng pusa, ng cup, ng baseball bat, at nitong bandang huli nga eh ng dream house ko (actually sya tumapos niyan dahil tamad ako). Sya rin ang kasangga ko sa mga "paalaman papuntang gala" moments ko, ang nagpapasa ng load saken, este kinukupitan ko pala ng load, ang nagturo ng pythagorean theorem at ang technique kung paano mapapadali ang pagdederive ng mga formula sa lintek na mga equation sa trigonometry at sa nakakabaliw at nakakamigraine na calculus.
Sya rin ang nag-iisang nakakaintindi kung bakit hindi nakakatulog "minsan" ang mga may insomnia (pareho kasi kami). Kasama ko magsoundtrip, maniwala kayo sa hindi, nakikinig etong si Papa ng awitin ng PNE at ng Kamikazee, pati na rin ng Callalily at Spongecola (kung di niyo sila kilala, malamang hindi nga sila sikat, joke). Minsan ko na din nakaagaw sa paggamit ng konchuter itong si Papa dahil naadik sya sa pagDDL ng mga kanta sa Limewire (sinabotahe ko sya nun at dinisable ang Limewire para ako naman ang makagamit ng konchuter). bwahahaha. Isa siyang inspirasyon sa akin. Pinangarap kong tuparin ang mga pangarap na binuo niya, kaya lang- hindi ko rin natupad, next time na lang po..hehe..
Ang tanging araw na nasaktan ako ni Papang eh nung ayokong uminom ng ventolin sa kasagsagan ng bonggang pag-atake ng asthma. Muntikan niya kong maihulog sa drum na may tubig - hindi yun kasama sa training sa pag-awit, pero nainis talaga sya ng todo at muntik na kong maging sirena ng mga panahong yun. Siya rin ang nagturo sa akin ng kantang
"I bilib da tsildren ah mah pyutyur"-- yan ang unang piece ko ng isabak ako sa kantahan, hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang lahat.. ...Akala ko nga pag-aartistahin nila ko dati eh, kasi kung anu-ano pinapasalihan nila sa skul.
Meseyds ko para kei papang:
"I lab yu din!!!!!shaka ai miss yuuuuuuu!!!!!!!, gala mo ko sa may salitran bridge pag-uwi ko ah!!!hehe..-nang nakabike lang :D)
18.3.09
Nay-I
Si Naynay ay bunso sa pitong magkakapatid na pawang mga lalaki. Pinalaki ng aking Lola ng may takot kay Papa God, pagmamahal sa kapwa, at pagmamahal maging sa kalikasan. Malaki ang respeto sa nakatatanda sa kanya, at isang "Ultimate Disciplinarian". Iyakin si Naynay, na sa tingin ko ay namana ko ng bonggang bongga. Magaan din ang kamay, kung kaya't matuwa o mainis sya sayo ng biglaan, asahan mo na't may batok o kurot ka sakanya (pero biruan pa lang yun).
Kabataan niya pa nung dinala niya ako sa kanyang sinapupunan. (Kung kaya't pag nagba-bonding kami sa may labasan, napagkakamalan lang kaming magkapatid). Nang iluwal niya ako sa sangkatauhan, damang-dama ko ang pagmamahal at pagkalinga na bonggang bongga niyang inalay saken (many thanks!). Pero madami rin kaming rough timesssss ni Naynay.
- Andyan yung naghabulan kami sa loob ng bahay namin dahil hindi ako makapagsulat ng ayos sa kanan (kaliwete nga kasi ako! wag nang ipilit sa kanan!),
- nagkapaluan ng patpat sa binti dahil hindi ko matandaan ang basa sa "O-N-E".
- Nagpaluhod sa asin at munggo dahil sa paglayas ko at pakikipagsabwatan sa kapitbahay namin.
- Nabatukan ako ng halos matanggal yung ulo ko ng malaman niyang may line of 7 ako sa card.
- Nung hindi niya ko pinapasok sa eskwelahan ng isang linggo para marealize ko na kailangan ng tao mag-aral para matuto ng maayos na "math" at ang bilang ng numero eh lagpas talaga ng ten.
- etcetera..etceteraaaa......
17.3.09
Legs legs..awww..:))
Mabuti na rin at naisip ipasa saken toh ni panaginipman - dahil sobrang napagod ng sabay ang mga daliri at kamatahan, at kautakan sa trabaho kanina. At hindi pa din tapos ang senakulo ko sa opisina, tingin ko nagsisimula pa lang sya.
Ang laki ng hita ko nho...
Eh kasi mahilig ako magbike at maglakad sa tabi tabi nung kabataan ko pa lang. Ayan at tinubuan na sya ng bonggang kamaselan, at kung anu-anong mga kaugatan.
At dahil para itong isang epidemya na dapat na maipasa---ipapasa ko toh kei.....Jez at Gillboard. Ayun na..Hehe..walang Kj ah..
16.3.09
Prayer mode
Minsan isang araw ng buhay ko, nakilala ko si Biiba. Sa lahat siguro ng tao sa blogosphere, masasabi na ngang ako ATA yung pinakamalapit sa kanya. Anu't ano pa nga ba ang kelangang hinging pruweba? Magkasama kami halos maghapon, iisa ng adhikain, iisa ng prinsipyo sa buhay, iisa ng talentong mine-maintain (haha), iisang kakulitan, kaseryosohan, trip sa buhay, at kung anu-ano pa. Sabi ko nga sa kanya, nung nakilala ko sya, para na kong nakakita ng nakatatandang kapatid, na merong isip kagaya sa nakababatang kapatid (di nyo gets? wag na kayo magtanong basta yun na yun!haha). Ayun, at alam kong hindi na rin lingid sa inyong kaalaman na she's going through some issues now. So, sa bisa ng tag ni CM, aalayan ko ng bonggang dasal ang kapatid ko sa pananampalataya, bisyo, kakulitan, kalandian, kaadikan, kasentihan,kakupalan at kaartehan.
Dear Papa God,
I want to thank you for all the blessings that you've had given to me. For the gift of knowledge, friendship, love, wisdom, strength and maturity. Thank you for giving me the opportunity to come closer to you and for making my life more meaningful and
special as each day goes by. My words and thoughts won't be enough to tell you how thankful I am that you have brought me to this place to be able to fulfill my tasks and obligations in life. Lord God I know that you are sacred and a great great God and I know that nothing is impossible to you. With all my hopes, desires, and sympathy, I lift up to you my sister Yanah. I know that she had been troubled for the past few days and months, and I know also that you will not give her these challenges and trials if she cannot make it till the end. Please guide her to the right path, give her strength, hope and faith to continue this battle that she is going through. I also lift up to you her kids, may they always remain healthy and keep them safe from any harm that I know is everywhere. I also lift up to you Yanah's mother, may you clear her mind and guide her in her decisions, touch her heart so she can feel the love that she should offer Yanah and her grandchildren. May you bless also those people who had been helping her through all of this things, for their unselfish ways and their own special ways of helping her. With all of this Lord, hear my prayers. AMEN.
At bilang pang-ilaw sa dinadaanan ngayon ni Yanah, iiwan ko ang verse na ito na syang holy gospel sa araw na itech:
So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.
— Isaiah 41:10 (NIV)
Para sa'yo Yanah, alam kong kering-keri mo ang bagay bagay na pinagdadaanan mo. Hinding-hindi ako magsasawa na sumuporta sayo in every decision na gagawin mo. Aja! Wag kang mag-alala, madaming nagmamahal sayo. Maraming sumusuporta sayo. Pwede mo na ipagpatuloy ang pag-aartista mo after nito..Joke..hehe. ismayL lang palagi at makikita mo din na kahit binabagyo ka ng mga pagsubok ngayon bandang huli ay makikita mo rin ang bahaghari sa likod ng ulan :)
14.3.09
Keep Holding On
Si biiba?
atapang atao yan..
Si Biiba?
kahit madalas kong asarin sige kwento pa rin yan?
Si biiba?
kung kani-kanino ko inaasar yan
Si biiba,
parang ate ko na yan
(pero pag winawalangya ko lang xa nian)
Si yanah..
si yanah si yanah yanah yanah...
Si yanah, nung una kong nakilala
Kinaaasaran ko talaga
Napakaingay, pagkadaldal, akala mo araw-araw beerday niya.
Sabi niya nga isa daw syang masamang impluwensya.
Pero, hanga ako sa kanya.
Isang mabuting ina at asawa kay BBW.
Isang ulirang kapitbahay kay Liezel.
Isang mabuting pinsan kei Jheng2, Jp, at Dudeet.
Mahusay na plenchip ng Friday group.
Sumasalo saken pag tipong di ko na kaya.
Ang unang nakapagpalasing saken sa pagtapak ng paa ko sa dubai
una kong iniyakan ng bongga nung nalaman kong........(ckret namin yan)
una kong kinukwentuhan pag may mga "moments" ako.
Unang tumatawag saken pag naiinip xa sa juraktis
una kong tinatawagan pag gusto kong kumain sa labasan
Una kong binabatukan pag nanggigigil ako sa asaran....
At higit sa lahat....
Sya ang unang taong mamimiss ko pag nawala sa tabi ko..:(
Mag-iingat ka palague.
tandaan mo palagi:
"Wag araw-arawin ang pagkaligaw, hindi komo't libre, pwede yan maya't maya"
"Wag sigawan ang kahera sa kainan, baka lagyan niya ng ipis ang pagkain mo"
"Kumain ng madami, dahil madaming bata ang nagugutom sa Pilipinas"
"Paunahin tumawid ang mga ibang lahi, pag nadali ng sasakyan ayus lang..kesa namn ikaw"
"Magtrabaho ka kahit mabaho ang amo mo, for the love of money"
"Isipin mo, mahal mo na ba talaga? kung cno una mag-fall, xa ang talo"
"Ayusin mo ang pagkanta mo, dahil kung ndi, magagalit ang mga lata sa mundo"
"hindi ka ba tatahimik..eto ka pare...2 words..hehe"
Mamimiss kita biiba...Kaya mo yan..wag kang bibitiw..kung ayaw mong magaya sa sinapit ng iba....Patunayan mo na iba ka sa sinasabi nila. Pag naisip mo na iniwan ka na ng lahat, lumingon ka..andito kami para sayo. :)..ismayL...
12.3.09
Piyanista
Pag nakita mo na yung taong pakiramdam mo eh hinahanap mo, saka ka naman mamumumroblema kung paano ka rin niya hahanapin. Makikiramdam ka kung hinahanap ka nga ba nya, o ikaw lang ang talagang naghahanap sa kanya?
Naisip ko yan nung nakilala ko si F...
Bago tumapak ang mga madudumi kong paa sa lugar ng mga mababangong nilalang, nag-alay ako ng isang ever faithful na pramis sa aking pinakamamahal na ekswaysey. Pramis na hindi ko na kinekeri panghawakan ngayon. (anyways, wala na kong pakielam dun ngayon dahil ako naman yung nagpramis eh).
Ilang araw ang lumipas matapos akong makarating dito, tinungo ko ang simbahan para sa isang appointment sa kulto at dun ko unang nakita si F. Sa isang lugar kung saan namumugad ang "mga alagad ni Lord". Isa siya sa mga batang hindi humihikab habang nakikinig ng mga bagay-bagay na sinasabi sa kulto, nakikinig ng matimtiman, at nagdarasal ng taos sa kanyang puso (well, in a way ganun din naman ako, pero..iba yung sa kanya..basta)--na nagpahanga ng bongga sa isang masamang taong kagaya ko.
Marami na ring mga araw ang lumipas. Marami na ring mga larawan niya ang palihim kong nakukuhaan. Mga tula na nasulat para sa kanya, mga sulat na ginawa pero ang ending eh sa basurahan din naman. Marami na ring bulung-bulungan ang narinig. Maraming awitin na minsang inalay sa kanya (eg. Lab mubs, sway, at ang perpek na "Dreaming of you")--madaming beses niyang pinakanta sa akin yang huling yan. Pakiramdam niya daw kasi makatotohanan yung pinaparating na mensahe. Pero deadma ako, at nagpatuloy sa pang-iinis at pagsusungit sa kanya. Halos araw-araw kaming nagkakasama, nakapagharutan at nahampas ko na din sya sa muka, namura, at napandilatan ng mata.
Pero, eto na yung araw kung saan iiwan ko na ang mga pangarap na makasama siya. Dahil tanggap ko na sa sarili ko na:
pag Mahal mo ang isang tao, matututo kang palayain ito...
11.3.09
Bandalismo.....
At kahit na gumugulong ako ngayong araw na toh sa trabahong pagbibilang ng mga dumi at alikabok sa opisina namin, nagawa ko pa din na magkaroon ng "free time" upang maihabol ang Tag na ito mula kay A-Z-E-L.
Simple lang naman ang instructiones:
1. isulat ang pangalan ng multong walanghiyang nagtag sa iyo..
2. answer the ff..
>your name/ username / pseudo
> right- handed? or left-handed?
> your favorite letters to write
> your least favorite letters to write
> write " the quick brown fox jumps over the lazy dog "
3. mag tag ng limang multong gusto mo ring walang hiyain..
>pogi
>bomz jovi
>pajay
>gillboard
>CM
Kaliwete ako at proud ako dun dahil may mga bagay na ako lang ang nakakagawa sa sarili kong paraan. Pasensya na kayo kung hindi kanais-nais ang sulat-kamay ko. Dala yan ng pagmamadali na makapag-post.hehe..bawi na lang ako next time at lalagyan ko ng bonggang effort + lettering pa at drawing ng 3d na bahay sa gilid.nyahaha..
10.3.09
---Ceasefire---
Kung Hindi mo kayang mag-adjust at makisama sa kanila, mabuti pa umalis ka na jan! Think about your future! Grow up!!!!!
Yan ang mahiwagang mensahe na ipinadala sa aking katengahan ng aking Dear Lola ng bigyan niya ako ng umuusok at nakakabula-bibig na sermon. Sanay ako sa simbahan, pero ang pag-usok na naganap sa tenga ko ng mga oras na yun ay kakaiba - nanuot sa utak ko ng todo at nagpapula sa morena kong mga balat. Naglilinis ako ng kuko ko nung mga panahon na yun, ang ingrown na natatakot akong tanggalin eh nahatak ko at napabulalas ako ng malatindig-balahibong "Grow up? Ah ok"(akala niyo lumaban ako nho?, di nho yaan nyo na ang matatanda, ganun talaga ang buhay..masisigawan ko din naman yung magiging apo ko kaya deadma ko dun!)
Gaya ng nabanggit ko sa mga nakaraang post, maliit lang ang krimen na nagawa ko. At sa edad ko, alam kong nasa tamang pag-iisip naman na ako at alam kong wala akong ginagawang masama. Malinis ang takbo ng utak ko (kahit na majority nun eh puro kalokohan), namumuhay ng may takot sa Diyos, may prinsipyo sa buhay at higit sa lahat, patas kung lumaban sa buhay.
Natutunaw ako sa kakaibang pagtrato sa akin ng aking nasnip. Hindi ako sa kembot nanghihinayang, kundi sa "pinagsamahan" namin. Pakiramdam ko, maliit na bagay lang ang nagawa ko nung isang araw at parang naging isang malaking issue na. Nakausap ko na din si Tita dear at naresolba ang issue sa aming dalawa. Ilang araw na din akong balisa at parang tanga - nakatunganga sa opisina, nagbibilang ng alikabok at hinihithit ang amoy ng amo ko. Araw araw kong kinulit ang Naynay ko sa paghingi ko ng payo tungkol sa paglipat ng tirahan. Bandang huli ay nanalo ako, sapagkat ang sabi ni Naynay "Bahala ka, alam mo na ang tama at mali, sabihan mo na lang ako kung san ka lilipat". Masaya kong nagtanung-tanong, nagisip kung paano ang mamuhay ng mag-isa sa bayang ayokong puntahan simula't sapul pa lang. Inisip ang mga homeless peepz at ang mga batang walang makain. Ang mga batang ni minsan ay hindi natutong mag-computer at manabotahe ng anumang software. Ang mga naiwang mahal sa buhay ni Francis M., ang pangarap na binubuo ko, at mahal kong family.Nang magtungo kasi ako sa praktis ng choir kahapon, kinausap ko ang aking spiritual adviser. Tinanong ko sya ng mga makabuluhang tanong at sinabi sa kanya ang "real score" sa aming dalawa ng aking nasnip. Sinabi niya sa aking
subukan mong ayusin ang mga bagay na pwede pa namang ayusin bago pa ito lumalaAaminin ko, matigas ang ulo ko, kaya nga kahapon, ng mabuo ang pasya ko, ngumalngal ako ng bongga at umiyak na parang bata habang sinasariwa ang mga bagay na ayokong danasin ng mga nakababata kong kapatid, ipinagdasal ang kaluluwa ng aking pinsan at tita dear, at ako na rin mismo, para magkaron ng awa sa mga jokes na hindi namin napapansin habang nagdededmahan kami nung nakalipas na dalawang araw. at sa wakas, nagkaroon ako ng lakas ng loob na magstep forward and conquer my fear...ang posibilidad na ma-reject ang apology ko. Ilang minuto ko din tinitigan ang ym at saka naglakas loob..
apshie026: ATE..
cam072002: Yes
apshie026: SORRY PLA..
cam072002: no probs sna lng s su2nod magpaalam kna
cam072002: ska sna wg m isipin n glit kame sau or ndi ka nmin gus2 s bhay...
cam072002: ang want lng nmin matuto ka...
cam072002: kc kpg nsa ibang lugar kna iba n tlga - much more kpg ang ksama m s bhay ibang tao n
apshie026: YUPYUP...NAINTINDIHAN KO NAMAN YUN
apshie026: LAM KO MATIGAS DIN MINSAN ULO KO..AYUN..
apshie026: NAKAUSAP KO NA DIN SI TITA...
cam072002: cnbi k din s mama m ngyari bka kc sumama loob nla n wla cla alm s mga ngya2ri sten
apshie026: OK LNG..CNABI DIN NILA SAKEN NA NAGTXT KA SA KNILA..
apshie026: SI MAMA ELLEN PINAPAHANAP AKO NG MALILIPATAN NUNG KINAUSAP AKO NUNG SUNDAY..
apshie026: SABI KO HINDI KO PA KAYA CHKA UNG SINASABI NIYA NA "AYAW KO UNG NAPAPAKIELAMAN"..OK LNG SKEN UN..KYA NGA HINDI AKO NABUKOD KASI ALAM KO MEDJO PALPAK UNG MGA DECISIONS KO MINSAN
cam072002: ska ang pag jinternet m ah...
apshie026: LESS NA..HEHE.
apshie026: DI NA NGA AKO NAGOONLINE SA HAUS..
apshie026: NAADIK LANG AKO SA BLOG NUNG MGA NAKARAANG ARAW..AYUN..PERO PRAMIS..BABAWASAN KO NA..
hehe..so ceasefire na!!! wala ng lipatan na mangyayari! Nakakatamad mag-impake nho! At saka mabuti naman at nasolve ko na ang kaso ko at makakatulong na ko ulit sa isang pasyente ko. Pero less adik moments na talaga ko (in the meantime)..
9.3.09
Go-Binggo
Kung ano ang masama, yun ang masarap gawin
Higlighted quote yan dun sa pinuntahan kong pagpupulong sa kulto nung isang araw. Pero, hindi ako mag-i-stick sa kowtable kowt na yan (gusto ko lang syang banggitin at daanan!)
Kung magko-conduct tayo ng botohan tungkol sa pagiging mabuting tao mo? sa tingin mo, may boboto kaya sayo?
Naalala ko yang tanong na yan sa aken ng isang kaibigan ko nung high school. Ano ko bayani o superhero? Para ipaalam at itanong sa buong mundo kung ilan ang mga bayan at taong nailigtas ko? Hindi rin naman ako government official na trying hardpara lang maiparating sa mga tao sa paligid na hindi ako nangungurakot, pumapatay, nagsugal, nanilip, at kung anu-ano pang korning paratang.
Ako kasi yung tipo ng taong madaming kunsensya sa katawan (yun yung sabi nila). Pag may pinagtatampuhan / kinaaasaran / kinabwisitan, bilang ka lang ng mga 15 mins. at wala na yung inis ko sayo. Pag may inaangasan at inaaway / minamaltrato ako, bandang huli, lumalapi pa din ako para humingi ng bonggang "apology". Ewan ko ba kung bakit ganun, hindi man lang kasi ako tinuruan ng aking Naynay kung ano at paano gamitin ang salitang "pride". At dahil dyan, dala-dala ko ang golden-kagandahang asal na yan hanggang sa madagdagan ang edad ko sa paglipas ng panahon - at napadpad sa lugar ng mga taong walang laman-loob at pang-amoy.
Paano ka napunta dyan?
Malamang, sumakay ako ng eroplano at kotse (sosyal). Representative ako ng bongga at sobrang cool na family tree namin. Panganay ako sa limang magkakapatid at kung itatanong nyo kung ilang taon pa lang yung pinakabunso? tagay na lang tayo.heheh. Isa ako sa mga tangang umalis ng bansa (last buh-bye moment na sa Naynay at Taytay-pinalampas pa dahil nahihiya na maakusahan ng PDA). Ayus lang, pag nakabakasyon ako, bibigyan ko sila ng bonggang power-hug!. Kinupkop ako ng aking Tita Dearat kasalukuyang namumuhay sa ilalim ng isang silent cold war mode.
Ang kwento ng kaso:
Dala na rin siguro ng aking kabataan at pagkabagot sa buhay owepdabwelyu, napagala ako hanggang dis oras ng gabi at inaabot din ng madaling araw sa harap ng konchuter. Nung isang gabi lang ay buminggo ako at naka-score ng jackpot sa award na inalay sa aken ng pinsan ko dahil sa pag-uwi ng umaga, pag-iingay at kaadikan sa net nung nakalipas ng 2ng araw. Ang balita ay agad na naipasa at nareport ng umuusok pa (yung ilong ng pinsan ko)sa Pinas at sa UK. Ang resulta? isang bonggang follow-up sermon from UK at kopya lamang ng sumbong ni nasnip mula sa aking Naynay kalakip ang mensaheng "Mag-iingat ka jan palagi, anak..mwah"Parte din ng destabilization plot ang pananabotaheng naganap sa aking ginagamit na konchuter (dinisable ang aking server at binura ang ym)- Sabay labas ng mensaheng VIRUS DETECTED- this system will shut down in 60 secs.--Pero gaya nga ng sabi ko, tangahin niya na ko sa ibang mga bagay, pero kung usapang "sabotahe" lang naman, NO SWEAT. Namimilog ang mga mata niya ng makita niyang adik modena naman ako pagkauwi niya...kung magtatagal tong silent cold war na itech, "no idea at all" ako. Hehe. Pero for the love of money, kelangan ko itake lahat ng ka-epalan na meron sila. (pwede naman magchat at gumawa ng entry sa opis eh!)..Hehe..
8.3.09
Kwentong EB at sabon
Ayan ang menu kahapon, (feeling)Italyana kasi si Yanah. May iba pang putahe pero hindi ko makita ang mga larawan (may isa pang coverage nito kay pogi). At dahil mega workalush muna ako sa piling ng ever bangong bossing ko, may-i-wait for a couple of hours si pogi sa amin ni Yanah sa Al Ghubaiba bus station sa may Bur Dubai. (tama ba yung mga sinasabi kong lugar? taga Cavite kasi ako hindi naman taga-dubai). Pagkatpos magkita nina B1,B2,at Lulu, agad na nilang tinungo ang bus (na maya maya pa ay naglulan ng isang ever fafa na passenger) papuntang City Center (dun ba yun?). Hirap magwento pag naliligaw. Habang nasa bus, nagpamalas ako ng kakaibang palabas (matapos sumakay ng fafa na passenger). Pero ckret ko na lang yan, dahil napahiya na ko at muntik mapaaway sa bus kahapon. Special participation din pala si Chicosci sa EB na yun. (ai, Chico lang pala, hindi Chicosci--churee). Napadaan si CHico, at nagshare ng tamang kwento, tinanong ni Yanah ng maalamat niyang katanungan, at hindi niya pa rin nakuha ang kasagutan. Weee... Sunod naman ay ang adventuristic na travel namin papunta sa Dubai Creek Park.
Ayan ang larawan nina B1 at B2 habang nagpapacute sa daan. Ilang daang beses din kaming nagpabalik-balik at balik balik sa daang yan pero wala rin kaming nahita. Hanggang sa nagtanong kami kay Luigi kung saan nga ba yang ever-unreachable Dubai Creek Park na yan. (fyi,si Luigi ay isang sekyu na nagbabantay sa carpark nung City Center- kaya xa nabansagang Luigi ay dahil kamuka niya si Luigi ng Mario bros.) Isang kabayan ang napagtanungan namin sa may groceries kung san nga ba ang tunay na destinasyon at masaya niyang itinuro ang pwedeng pagabangan ng tren. Nang makasakay na kami ng tren, bumaba naman kami sa may *insert name of the hospital here*, ayan, dahil hindi ko na maalala ang pangalan ng bonggang ospital na kinatakutan ko ng wanport habang si pogi ay natakot ng wanpip at si Biiba naman ay wanhul. At sa wakas, sa hinaba-haba ng prusisyon, nakarating din kami sa destinasyon...ang pesteng Dubai Creek Park...
Sumakay sa padjak ni B1 (masakit ang kabintian niya ngayon dahil sa kaadikan niya jan!)
Nakipaglaro yung Baboy sa ibon (hehe joke lang Biiba)
At syempre pa more pekshurs!!!!
Madami pang pekshurs na nakuha kahapon kaya lang hindi ko alam kung nakaninong cam yun. Kaya paki-abang abangan niyo na lang poh sa mga kapitbahay na peyds ang more update!:)
--di ko na muna ieextend ng bonnga ang entry na itech dahil may kinasasangkutan akong kaso..hehhe..
6.3.09
Beerday blues
PHONE PATCH #1: J: Hello, pwede po ba kei jennifer?
Aq: huh, cnong jennifer?
J: Ah si Jen pala..ehehehe
Aq: (Tukmol na toh! tatawag tawag ndi namn alam kung sino tinatawagan)
J: Kamusta ka na? Hapi birthday ah?!
Aq: Ok lang.,tenk yu ah..pano mo nalaman?
J: Binandera mo kasi sa multi chka fs eh
Aq: I c..cge next time di ko padadaanin sayo.haha..cge tenks
tooot....end of the conve..
PHONE PATCH #2: A: Hello bakla, kamusta?
Aq:(Nagtataka) Ah hello, ok nmn, ikaw musta?
A: Ok lang din, nakatanggap ka na ng tawag galing pinas?
Aq: Hindi pa, pero bnati na nila ko kahapon.
A: o cge, babatiin lang kita ng happy birthday..
Aq: Ok, tenk yu,ingat ka paguwi...
tooot......end of conve uyet.
PHONE PATCH #3: G: Bakla!!!!!!!
Aq: ?????????
G: di ba bday mo ngayon?
Aq: oo, bakit excited ka, gusto mo ikw din?hhaha
G: ikw, naman, hilig mo tlga magbiro..
Aq: (amf! hindi joke yun nho). tenks...
G: Kamusta ka na?
Aq: Ok nmn..(nung naramdamang ready for chika ang nasa kabilang panig, mega babye ang lola
Aq: Sis have to go na..Im busy with my work eh...
At etong isang to ang panalo sa lahat ng tumawag...
A: Hello, can I pls speak to Ms. Jenny *surname here*?
J: Speaking, may I pls know who's this?
A: Im from Barclays credit card, this is regarding your credit card payment.
J: (nag-isip ng wanport). What credit card? maybe you've got the wrong no? I dont have any?...
A: Joke joke joke!!!!!
J: $&*%, sira ka talaga!
A: Hehehe...tumwag na ba XA sa yo?
: Happy birthday!
J: Grabe ka! nagulat ako dun...tenk yu tenk yu..
Tapos hiwalay pa ang mga text messages and everything. May pahabol pa ngang mga carolers in the middle of the night na nagdala ng birthday parapernallas dito sa kubo namen. Dinalhan pa ko ng crown at kung anu-ano pang kalokohan sa buhay. (Akala ata nung mga yun eh 7th bday ko pa lang). Nagkaroon ng bolahan, tanungan ng wish at kung ano ano pa...Ang ending, ang realisasyon na isang taon na naman ang nadagdag sa edad ko. Kung may magagawa nga ba kong pagbabago sa taong ito, hindi ko pa nakikita. Kung may magaganap nga bang pagbabago, hindi ko pa nararamdamang dadating.
Natapos ang araw na yun ng may hinihintay akong bonggang pagbati, pero namuti na ang kamatahan ko, hindi pa din sya nakakaalala (o malamang sa malamang) hindi niya pinagaksayahan ng panahon na alalahanin. Tinulog ko na lang ang mahiwagang pagche2ck ng attendance.
(yung mga bonggang picture hindi pa naa-upload ng mga sponsor ko, (mga busy sa karir eh!), kaya by next wk ko pa siguro maipapakita sa inyo...).....
Nakikisintimyento din pala ko sa maagang pagpanaw ni Francis M.... Nalulungkot ako para sa mga naiwan niyang mahal sa buhay. Madalas kung minsan, ganun talaga ang buhay buhay,kung sino yung mabait sya yung nauuna kunin ni Papa God. Heto pa at maririnig ko na naman sa tita dear ko ang mga linyang "Only the good ones, die early". Minsan talaga, mahirap intindihin ang buhay, pero gaya ng sabi nila, kelangan nating mabuhay ng parang wala ng bukas, hindi kasi natin alam, kung kelan NIYA kakailanganin ang attendance natin sa itaas...
5.3.09
Trying to hold a CACTUS with your bare hands
I met this guy in my workplace. Being the only trainee that is just busy writing down my notes, he just completely put me aside and saud to me that I should just continue taking down those notes and he’ll teach me about everything some other time. I was extremely challenged by that time! and I do started to hate him by that rude attitude he had thrown me. So, the next day, we are still assigned to the same station. I am well prepared so i dared him to ask me about everything in that station. I managed to outgrew him so he was pleased, while, me, I was still truthfully oh so mad at him.
But, at the same time, I also grew intrigued by this guy. Maybe, I thought, I can do something to change the way he treats other people and I tried to gather informations of how he was really as person whenever he is not at our workplace. I learned so many things and I proved that he’s not that bad at all!
When I was about to give up on how to become close friends to him, the universe conspire and it brought me the moment I’ve been waiting for! We became friends, merely brothers and sisters. We share to each other our problems, and talk about anything under the sun. Time came that I was so down and he was there to bring me up and tell me words of encouragement.
But, I fell for him. Something that I know I should not do in the first place. I really hate myself for asking for too much because i know that its so impossible. We can only remain as friends, and i’m aware of that. But one day, he told me that he was also starting to fall for me. I can’t believe it and at the same time I dont know also how to supress those feelings that I have for him. So later on, we became a couple. We’re happy at first, although I know that we should have slowed things up first before jumping into this relationship of ours. we still pushed thru. I don’t really care how will other people think and react about us. But, he’s the one who got affected by everything and asked for a space after a month of being together. So i did let him go. I can still feel that he’s still feeling the same way to me. After a month, I tried to beg him back, but I learned the very reason why he asked for a space, Its because he cheated on me. it hurts like hell., really. But, eventually, we managed to be friends again. We talked and laughed like we never even entered such a relationship. Though we are friends again, i can still feel the pain that he put me through. I can’t even understand why I have to suffer this way.
So, i grew mad at him. Whenever I see him, I just pretend that I dont know him at all. I thought I’m not going to forgive him again about everything. But, time has been so i tried my best to understand our situation.I also want to cope up with everything. We became, eventually friends again. But, when things are getting better for us again, time became so trying and a good opportunity was once again given to me. I was given the opportunity to go abroad to find a stable job for me and my family. I heared about it merely a week or two before my departure. So I gather up all the courage and decided to talk to him once and for all and have a quality time with him. I hate goodbye’s- but I don’t really want this good opportunity to just pass by. I really miss him, but, maybe it was God’s will that’s why I’m sent in this place. He’ll just always remain special no matter what
3.3.09
Bente dos
Ililista ko dito ang mga bagay-bagay na gusto kong ma-achieve / mabago / baguhin sa dagdag na taon ng buhay dalaga ko! Kasama na rin ang mga nais kong ipagpasalamat na blessings na hindi ko naipagpasalamat nung new yir dahil abala ako sa pagkutingting ng mga bagay-bagay sa paligid..
PASASALAMAT
sa mga...
> Blessings na natanggap (pagtapak ng madumi kong paa sa UAE).
> Maganda at haping family na meron aketch (miss ko na kau peeps)
> Mga kaibigan (lahat ng uri: luma, bago, lumang naging bago, at bagong naging luma)
> Mga nagmamahal at minamahal ni Jen
> Pang-unawa na madalas eh hindi ginagamit ng inyong lingkod
> Sa mga bagong umaga na naimumulat ko ang aking mata, sabay ngiti at palakpak :D
> Sa magandang kalusugan
> Sa mga pagsubok at struggles
> Sa SFC community (tinanggap nila ko ng bonggang-bongga kahit na....hehe)
> Sa pang-unawa na meron si Renee'
> Sa pagtitimpi na meron ako
> Sa malinis na puso na binigay
> Sa masasayang thoughts na pumapasok sa kautakan ko sa araw-araw
> sa wisdom and knowledge na nagagamit ko sa aking workalush.
> sa bawat kembot na nailalaan ng aking kapinsanan every once a month (tagay pa nasnip!)
> Sa sense of humor na ipinagkaloob saken (para sumaya at makapagpasaya)
> Sa charms na hindi maresist ni busmate..haha
> Sa mga mata kong nakaka-appreciate ng beauty ng mga bagay-bagay sa paligid.
> sa utak na nakakaisip ng tamang mga bagay kahit mali ang sitwasyon. (naks)
> Sa talento at kaepalan na naibigay sa aken.
> Sa mga okeysyonal na luha na tumulo mula sa aking kamatahan.
> Sa mga masasaya at malulungkot na momentum sa buhay buhay.(natuto po ako thru it!)
> Ang ever bonggang metabolism ko! :) (dahil jan, ever bonggacious ang aking kakatawanan:D)
> sa blogspot dahil hindi ko na nalimutan ang username at password ko this time.(hehe)
> at higit sa lahat..sa bonggang bonggang mga maliliit na bagay na kalimitan ay nawawaglit ng ubod ng sungit na ako! Maraming maraming salamat po!
RESOLUTION:
> Kung maari, gusto kong magkaron ng oras para makapag-unwind. (toxic na kasi dito)
> Mabawasan pa ang mga "tantrums moment" ko.
> Maging uber-aktib muli sa sirkulasyon...
> Mag ayus pa ng maayus para naman..naman naman..:D
> Maglaan ng more oras para sa sarili ko
> Mapatawad ang mga taong hindi ko pa napapatawad
> Maging mas masayahin kesa dati (mga to the 10th power)
> maging energetic at less antukin lalu na pag babangon sa umaga
> maging makabuluhang mamamayan ng uae, sa isip, sa salita, at sa gawa.
MGA NAIS MAKAMIT:
> psp..huhuhu..antagal ko nang gusto yan..hindi ko binili nung kelan dahil punong abala ako
> peace and contentment
> libro, libro, libro. (esp.bob ong's stainless longganisa / pol medina's pugad baboy)
> increment
> english diks para sa mga itik'z
> alam ko na yun..di nyo na kelangan pang malaman..hehe (chikret!:P)
> boses na kasing taas ng sa isang diva..aheks...
> mapagpatuloy ang mga bagay na nasimulan ko sa kulto
Ayun lang..mahaba na pla pero wala akong natanaw na sense. Salamat sa mga nagpaambon ng pabati. bibigay ko sa inyo ung address ko para padala niyo na lang ung mga regalo nyo.
2.3.09
Antayteld...
Nalilibang ako sa blog.
Nagagampanan ko ng maayos ang mga responsibilidad ko sa buhay buhay.
Nagagampanan ko din ang aking tungkulin sa simbahan.
Nakakatulog ako ng at least 6 hours a day (liban na nga lang kapag may taping o kung anu pang mga gig)..:P
Nakakamusta ko ang mga dapat kamustahin sa araw araw.
Nakakain ako ng 6 na beses sa isang araw (wag na magtaka, totoo yan!)
Nakakapag-ym ako kahit gaano ko kaabala sa isang bagay.
Nagmamahal ako kahit na hindi ako mahal.
Nagmumura ako pero lahat ito ay unintentional.(joke lang kumbaga)
Nagmamalasakit ako sa kapwa tao kahit na hindi ko ipinapahalata.
Masamang tao ako pero may kunsensya rin naman.
At higit sa lahat- may puso ako...naaawa, nalulungkot, at umiiyak din kung minsan.
Naisip ko yan ng umattend ako kagabi ng recollection.
Tanungin ka ba naman ng:
How's your heart Lately?Tahimik akong lumingon at ngumiti sa mga "minamahal" kong brothers and sisters. Agad na hinanap ng mga mata ko ang reaksyon ni (sya na yun). At ako'y agad na yumuko at nag-isip. Inisip ko maigi kung kamusta na nga ba si pusu-pusuan ngayon. Wala akong maramdaman at maisip na posibleng estado niya. Kagaya ng nabanggit ko sa itaas, nasa ayos ang takbo ng buhay ko nitong mga nakaraang araw. May pabugsu-bugsong ihip ng masamang hangin ng problema, pero agad agad naman syang nawawala. Kaya muli kong tinanong ang nalilito kong sarili. Ano nga ba? Kamusta na nga ba ako?
Kagaya ng sinasabi ng marami, ang lugar na nilapagan ng aking spaceship ay isang rehabilitation area. Dito, magagawa at gagawin mo ang mga bagay na hindi mo pa ginagawa dati. Kung masamang tao ka dati, malamang sa malamang, mabago ang mga pamantayan mo pag napunta ka dito sa "LAND OF THE RISING SMELL". Malaya akong nakakakilos at nakakapag-isip sa ngayon, kesa dati. Na parang isang opisina ang takbo ng pamumuhay ko:
- Ipapasa sa gabi ang mga listahan ng mga bagay-bagay na gagawin ko sa araw na iyon.
- Matapos maaprubahan, magaallot ang budget ministry ng pera na gagastusin para sa mga activities.
- Kapag handa na ang budget, ilalatag mo naman ang oras (kung maari ay bawat minuto) ng mga gagawin mong aktibiti.
- Pag umuwi ka ng dis oras ng gabi, bubula ka at matutulog ng hindi nakakapagbanlaw.
Ang pusu-pusuan ko ay gawa sa isang kahoy. Wooden heart kumbaga. Marupok. Madaling mabali. Madaling maapektuhan ng anay, ulan at kung anu-ano pang negative vibes sa paligid-ligid. Sa loob nito nagtatago at sumisigaw ang tunay na ako. Ang taong naghahangad ng malaking pagbabago ngunit takot gumawa ng hakbang papunta sa hinaharap. Ang tunay na "ako" na duwag tanggapin ang pagkatalo. Ang ako na nasasaktan sa twing may nakikitang nasasaktan. Ako, na nakakaramdam pa din ng luha at pighati sa bawat oras ng kalungkutan. At higit sa lahat, ang tunay na ako- na naghahanap ng maliit na porsyento ng pag-aalaga, atensyon at pagmamahal ng isang taong alam kong hindi kailanman ay magiging akin.