Dahan dahan kitang palalayain
Hahayaang ibang daan ang tahakin
Ngunit kung sakaling ako ay lingunin
Aking iuusal na kailanpaman "ika'y mamahalin"
Mga salita ay hindi maapuhap
Dito sa aking utak bawat bagay ay di malingap
Sa aking pagpikit ikaw ay nakikita
at ang iyong anino, kasama siya
>>> Nasulat ko yan kagabi,bago ako hilain ng aking kama para matulog. Hindi ko naman malaman kung kunektado nga ba sa tunay na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon eh magulo pa din ang takbo ng utak ko. Hindi ko malaman kung ano nga ba ang gusto kong gawin, isipin, kainin, lutuin, panoorin, trabahuin, kulitin, kutingtingin, at kung anu-ano pang makabuluhang bagay na dapat ay tumakbo sa aking isip. Hindi naman ako ganito dati. Siguro childish lang talaga ang approach ko sa mga bagay bagay sa paligid kaya ang epekto saken eh ganito. Siguro nga, malamang, pwede rin, pwede na. Oo na nga. Hayy. Buhay. Magulo. Maingay. Makulit. Seryoso. Paikot-ikot. Maligalig. Nakakabaliw. Nakakabalisa. Nakakaantok.
Nakakaantok.
Nakakaantok.
Tama, inaantok nga ako. Kahit na natulog ako ng sampung oras kagabi, pakiramdam ko ay pagod na pagod pa din ako. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi man lang ako kinapitan ng kahit na anong lungkot ng magpaalam sya saken. Siguro nga ay nasanay na ko. Ilang taon din naman akong nabuhay ng mag-isa lang. May kaibigan, pero kokonti lang. Piling-pili lang. Hindi mo din ako makakausap ng matino. Weather-weather lang. Speaking of weather, natatawa ko dahil umulan ng yelo dito kagabi. Literal. Literal na yelo ang bumagsak mula sa kalangitan ng Land of the Rising Smell. Nabanggit lang yan saken ni Azel sa pamamagitan ng isang phone patch. Subalit pagkatapos ng aming usapan, agad akong tinablan ng pananamlay at bumalik sa mahimbing na pagkalinga ng aking kama. Maya-maya pa ay may narinig akong kung anong ingay. Away. Away. Na naman. hehe. Yan ang hirap sa mga mag-asawa, pag may sinaltik sa isa sa kanila, asahan mo pati tulog mag-eenjoy sa drama nila. At ayun na nga ang nangyari, drama dito, drama dun. Biset! Yan na lang ang naibulong ko.
Balik tayo sa kaibigan. Mula kabataan mangilan-ngilan lang din talaga ang naging kasama ko "in sickness and in health". Hindi kasi ako nag-eenjoy sa malaking bilang ng magkakaibigan (kahit na kabilang ako ngayon sa isang grupo ng makukulit na mga bata sa kulto). Hindi pa din ako aktibo sa mga galaan, sosyalan, at kung anu-ano pang kaplastikan na ginagawa ng sama-sama nitong mga taong ito. Kuntento ako ng tahimik lang. Nangungutya ng tahimik, nanggagago ng tahimik. Basta, lahat ng bagay ginagawa at inaaartehan ko ng kalmado lang. Noon yun..
Noon
Pero naiba ngayon...
Malamang bukas iba na naman yan..hai hai...
12 comments:
naku.. naku..
dun na lang ako sa usapang yelo magco-comment... kita mo naman ikaw ang una kong naalala nung umulan ng yelo. pasensya ka na malay ko kase na tulog ka na at 8:36pm kagabi!
naaliw lang ako! (parang bata!)
basta.. basta.. ung tula mo.. iiinterpret ko isang araw. pero naalala mo ba nung tinanong kita...
nasubukan mo na bang gumawa ng tula para sa KANYA? sabi mo HINDI PA!
eh para kanino ung pangalawang saknong? aheks! (nagtatanong lang! toinks!)
-AzeL-
sayang nga hindi kami nagkita nung yelo.di ba sabi ko kukuha ko ng coke..kya lang tinmad na ko bumangon..nyahaha..
sayang ndi ko nakita..baha na lang ung nakita ko paggising ko kanina..
pag ininterpret mo wag dito ah..haha
sa ym na lang o kya fs para ok..
hahaha..
sikreto..haha
hahahaha, ano nga ba ang titulo? teka oi, teka, sali nu ako sa YM pag ininterpret na ni Azel yung 2nd verse...
hai, hai, ano na nga ba ang icocomment ko? naisip ko na yun kanina ah...
ayun, ayun... yun na nga yun!
Yun na nga ba ang sinasabi ko,
inaantok ka pa rin...matulog ka ng dose oras mamaya jen, bukas, ang title ng blog mo,
NAGUUMAPAW...hehehe
hmm...para kanino ang tulang yan? umalis na ba siya?
tula pla ung nsa taas....haha na-ghets q lng dun s isng comment sau....hahaha....
mas maganda ung tula ko....hhahhaha....
basahin mo dun s blog q....
hana kimi inspired un....
atei....
meron ng laman ung blog q d2 s blogspot....
ung una qng post un ung cnsbi qng tula q n maganda,.....
pde mo n q i-add..... ^_^
cno nga pla ung "xa" n un?
wahaha!!!
bshin mo din ung blog q sa fs....
mas maganda ung blog q dun..mas mdmi ung laman e....
emot...emot...emot....may sakit ka daw kaya di ka sumama sa jerport..hehehe...
kagabi iba ang ulan dito hindi yelo kundi makapal na buhangin kaya lahat ng tao kulong sa loob ng kwarto...
di pa nga namin nakikilala siya, pinalaya mo na agad...
boo!!! hehehe
ngapala nagtext sakin si yanah kanina.. andito na siya!!! kaya lang di ko nasagot ata.. natutulog ako nun eh.. lolz
Mareng Jentot...masakit man, pero kelangan mo gawin...Isang "I Love You....GoodBye" lang tapos talikod ka na, pag humabol may pag asa ka, pag hindi, tanggapin mo na lang...kaysa naman habambuhay na iimbak mo sa puso mo kung ano ung nararamdaman mo....
OT ata ako ah? lolzz
-Jastine-
nanggugulo ka dito ah..
tsktsk..
walang contest kaya walang mas magandang tula nho..:P
cge cge papasyalan ko..:)
chumismis ka pa ah..grrr
-pogi-
may sakit nga ako
bakit ba..nagkakasakit din naman ung mga gaya ko..:)
sandstorm ba tawg dun?
hahaha..
dito yelo na may buhangin..asteeg
-Gillboard-
haha..teka eto na ..
hulaan nio muna daw bago ko sabihin kung sino..:)
ai ganun.sken kasi ndi nagtxt
wla kasi akong roaming..un un hehe
sige sige..balitaan mo na lng ako next time pag nagtext siya ng gising ka:D
-Pareng CM-
awwwtsss...
teka kinumpirma ko na ba na inlab ako?
haha..
Post a Comment