Kung ano ang masama, yun ang masarap gawin
Higlighted quote yan dun sa pinuntahan kong pagpupulong sa kulto nung isang araw. Pero, hindi ako mag-i-stick sa kowtable kowt na yan (gusto ko lang syang banggitin at daanan!)
Kung magko-conduct tayo ng botohan tungkol sa pagiging mabuting tao mo? sa tingin mo, may boboto kaya sayo?
Naalala ko yang tanong na yan sa aken ng isang kaibigan ko nung high school. Ano ko bayani o superhero? Para ipaalam at itanong sa buong mundo kung ilan ang mga bayan at taong nailigtas ko? Hindi rin naman ako government official na trying hardpara lang maiparating sa mga tao sa paligid na hindi ako nangungurakot, pumapatay, nagsugal, nanilip, at kung anu-ano pang korning paratang.
Ako kasi yung tipo ng taong madaming kunsensya sa katawan (yun yung sabi nila). Pag may pinagtatampuhan / kinaaasaran / kinabwisitan, bilang ka lang ng mga 15 mins. at wala na yung inis ko sayo. Pag may inaangasan at inaaway / minamaltrato ako, bandang huli, lumalapi pa din ako para humingi ng bonggang "apology". Ewan ko ba kung bakit ganun, hindi man lang kasi ako tinuruan ng aking Naynay kung ano at paano gamitin ang salitang "pride". At dahil dyan, dala-dala ko ang golden-kagandahang asal na yan hanggang sa madagdagan ang edad ko sa paglipas ng panahon - at napadpad sa lugar ng mga taong walang laman-loob at pang-amoy.
Paano ka napunta dyan?
Malamang, sumakay ako ng eroplano at kotse (sosyal). Representative ako ng bongga at sobrang cool na family tree namin. Panganay ako sa limang magkakapatid at kung itatanong nyo kung ilang taon pa lang yung pinakabunso? tagay na lang tayo.heheh. Isa ako sa mga tangang umalis ng bansa (last buh-bye moment na sa Naynay at Taytay-pinalampas pa dahil nahihiya na maakusahan ng PDA). Ayus lang, pag nakabakasyon ako, bibigyan ko sila ng bonggang power-hug!. Kinupkop ako ng aking Tita Dearat kasalukuyang namumuhay sa ilalim ng isang silent cold war mode.
Ang kwento ng kaso:
Dala na rin siguro ng aking kabataan at pagkabagot sa buhay owepdabwelyu, napagala ako hanggang dis oras ng gabi at inaabot din ng madaling araw sa harap ng konchuter. Nung isang gabi lang ay buminggo ako at naka-score ng jackpot sa award na inalay sa aken ng pinsan ko dahil sa pag-uwi ng umaga, pag-iingay at kaadikan sa net nung nakalipas ng 2ng araw. Ang balita ay agad na naipasa at nareport ng umuusok pa (yung ilong ng pinsan ko)sa Pinas at sa UK. Ang resulta? isang bonggang follow-up sermon from UK at kopya lamang ng sumbong ni nasnip mula sa aking Naynay kalakip ang mensaheng "Mag-iingat ka jan palagi, anak..mwah"Parte din ng destabilization plot ang pananabotaheng naganap sa aking ginagamit na konchuter (dinisable ang aking server at binura ang ym)- Sabay labas ng mensaheng VIRUS DETECTED- this system will shut down in 60 secs.--Pero gaya nga ng sabi ko, tangahin niya na ko sa ibang mga bagay, pero kung usapang "sabotahe" lang naman, NO SWEAT. Namimilog ang mga mata niya ng makita niyang adik modena naman ako pagkauwi niya...kung magtatagal tong silent cold war na itech, "no idea at all" ako. Hehe. Pero for the love of money, kelangan ko itake lahat ng ka-epalan na meron sila. (pwede naman magchat at gumawa ng entry sa opis eh!)..Hehe..
7 comments:
ingat po... salamat sa pagbisita sa tahanan ko.. :)
naku! yan yata ang hindi ko kaya.. ang mabuhay ng pinapakialaman ng iba. kahit pa concern sila.
alam ko namang love mo sya. ipaalam mo lng na kaya mong ingatan ang sarili mo. kiss and make up...
about sa pc mo... sus... dapat itinago ang battery at ang power cord. with that... baka nanalo pa sya sayo. aheks!
hahaha..yan kasi..nasa chatroom magdamag tapos uuwi kung kelan gusto galing lakwatsa...ADIK.
oks lang un berta,internet cafe naman ofis niyo eh...lolz..
pasabugin na natin etisalat.....
pareho pala tayo, pag inaaway, tahimik din lumaban.. di ako magpapatalo sa mga ganyan... pero di ako gumaganti kasi takot ako sa karma... mabilis kasi lagi balik sakin.
waaaah.. tama si gilboard.. ganun din ako, mabilis pa sa alas kwatro kung bumalik si Karma sa akin kaya lagi akong nag-iingat..hehehe
at ang mga kowt na kowt, panalo ahhh...
nakakainspire at parang ang sarap i-apply..lols tunog pilosopo pero totoo...
at mga susunod na nagyari, wala na akong komento dun..hahaha ADIIIIIK
-Marco-
tenk yu din sa pagdaan! hehe
-AzeL-
ewan ko kung concern ba tlga yng mga yun.
mahal ko yung mga yun pero, madami ng pero eh..hehe..di ko alam kung magiging ok pa ulit lahat.
tinago niya din yung battery chka power chord pero natagpuan ko..kaya nanalo ko + nag-install ako ng panibagong ym at may-i-change the browser ekek..binggo!
-Pogi-
ganun tlga b1..bata pa kasi ako..kaya hinihigpitan ng todo..hehe
oo nga..mas ok pa sa opis, hindi nagagalit si boss..:D
wag mong pasabugin ang eti..=)
-Gillboard-
oo nga..nakakarma din nmn ako, pero ok lang sken kung deserving naman akong karmahin.ayoko lang nung kinakalaban ako ng patalikod...
-Kosa-
ahh ganun pala ah..hehe
sa kowtable kowts naka-relate ka ba?nyahahaha
sa mga sumunod na pangyayari parte tlga ng paglaki yun eh..hehe..mahirap na ieksplain!!!hehe
Post a Comment