24.3.09

Math-inik

Aminado ko na kasama ako sa mangilan-ngilang mga taong hindi biniyayaan ng kahusayan sa matematiks. Hehe. Pero kung ikukumpara mo kung san ako mas mahina - kung sa History o sa Math, sa History pa din ako nakakakuha ng mababang marka dahil nuknukan ako ng ulyanin - sa lahat ng oras.

Nung kabataan ko, naaalala ko ng wanport, naging avid fan ako ng MATH-INIK (ganyan ba spelling nun?). Yung palabas sa channel 2 na pampa-enhance daw ng kaalaman ng mga bata tungkol sa mga equations, at ng four basic functions sa math. Pinapanood ako nun ni Naynay, at pagtapos nun, nagkakaroon kami ng isang maikling pagsusulit, na kadalasan naman eh nauuwi lang sa matinding pikunan at paluan.

Pagdating ko naman ng hi-skul, nagkaroon ako ng malaking galit sa titser ko na si Mrs. Nenita Talinting (teka, kung isa sa inyo kamag-anak niya, wag kayo magsusumbong ah). Bakit?? Eh pano ba naman? sinong matinong tao ang magpapaconvert ng isang certain years into seconds? Bwiset. Ilang pages ng notebook ko ang naubos nun dahil lang sa isang number sa binigay niyang assignment na ang decimal places eh umabot ng hanggang bente ata. (exaj). Memorable din tong teacher kong toh dahil sya yung malimit na magsabi sa amin na "Lagi kayong maglalagay ng sapin sa likod, dahil baka kayo magkasakit pag natuyuan ng pawis sa likod." Dumating din sa punto na kailangan mo syang sagutin sa oral exam. Na pinagtawanan niya pa ang apelido ko (na di-hamak namang mas maganda at kagalang-galang kesa sa kanya). Na pinagcheck niya ko ng mga testpapers, pinagsukat ng mga angle sa mga nakakaawang drawing ng mga POLYGONS. Pinagbilang kung ilan nga ba ang sides ng circle (meron kasing sumagot na klasmeyt ko na may side daw ang circle), na ang sides ng nonagon ay nine. Mga tipong nakakasira ng magagandang araw sa eskwelahan.

Pagdating naman ng college------Serious mode na ko sa pag-aaral. Dala ang aking sandatang scientific kalkaleyter, nakipagbuno ako sa mga madugong equations, formula derivations, sa eber-labing bespren kong sohcahtoa (na hindi ko na nagagamit ngayon), logarithms (dahil sa pagiging ulyanin ko napagcompute ako nun ng gamit lang eh table of logarithms, dahil naiwan ko ang sandata), at ang ending....malayung-malayo sa pinangarap kong maging isang inhinyero. Ayus lang, nasa abroads naman ako! Oryt!:D

At dahil magtatapos sa hi-skul ang sisterette ko, (panibagong gastos ka na naman,,,joke). Babatiin ko ang mga magsisipagtapos ng isang bonggang: Heppi Gredeweysyen!!!!!!!

11 comments:

gillboard said...

Boo!!! I hate math!!! ikinasusuklam ko yung subject na yan... kahit na yan lang yung subject sa college na naexempt ako sa finals... basta ayuko ng math...

unless pera pinag-uusapan, ayaw ko ng numbers!!!

Congrats sa'yong sisterette!!!

madjik said...

naalala ko bigla daughter ko who feels the same way about the subject hehehe.

Anonymous said...

aheks...huwaw! peborit ko din talaga ang math...kahit may kinalaman sa history ang entry ko ngayon mas gusto ko pa din ang math kaysa dito...hindi pa rin matatawaran ang saya ng derivation ng mga formula gamit ang mathematical induction, explanation ng mga axioms, mga disc method sa calculus, mga assumptions sa stats at probability..

...nakakatuwa naman at naalala mo pa ang soacahtoa..kalakip nyan na dapat din nating tandaan ang Pythagorean theorem...

ako yata ang sumagot na may sides ang circle...dalawa yun actually...outSIDE at inSIDE... ahahaha...

...pero sa tantsa ko pwedeng magkakaroon ng side ang circle kung ilalagay mo ito sa isang non-Euclidean plane... :D

Anonymous said...

CONGRATSSSS!... weepeeee...

gusto ko ulit mag-aral..waaaaa....

EǝʞsuǝJ said...

-Gillboard-
pareho tayo...
nasisiraan ako ng ulo pag math na yung usapan..

-sir madjik-
welkam bak..hehe
paglaki ng daughter mo magiging related din sa math ang work nun!hehe..

A-Z-3-L said...

oo nga.. di nga pala related ang previous posts sa present.. aheks!

congrats at nakapagpatapos ka na ng Highskul... at gudlak sa pagpapa-aral ng college!

malapit ka ng mag-asawa pala?! 4 or 5 years nalang!!! toinkz!!!

EǝʞsuǝJ said...

-Super G-
asteeg...ako hindi ko na maalala lahat yang mga yan. may kalawang na utak ko..nyahahah

paborito ko yang sohcahtoa...pakiramdam ko kasi pag saulo mo yan, medjo buhay ka na sa quiz sa pythagorean theorem..

pwede naman talaga magkaron ng sides ang circle...kaya lang kung nung panahon ng hiskul..ipinapaisip tlga ng mga titser na imposible yun..hehehe

EǝʞsuǝJ said...

-AzeL-
wag mo ng pansinin..
haha...
mas ok na un kesa wag gumawa ng post..:)
teka, sino ba sinasabihan mo ng mag-aasawa ng 4-5 yrs? ako o yung kapatid ko?hahahaha

Anonymous said...

HI, nakasalubong ko lang ang name ng blog mo..and in fairness, natawa ako sa post mo about math..sana mai-add mo ako..www.wickedlynice.blogspot.com..im erick, 24, from kamuning, quezon city..kay poging ilocano ko po nakita blog mo..

jastine said...

atei....
slamat s pag-congratulate!
hehe.....

godbless and take care!

^_^

EǝʞsuǝJ said...

-Erick-
ai ganun..
hehe..sige na-add na kita..
see you around po..

-tenggel-
oi kupz..
anung kaadikan yan?
bakit may account ka na din dito?
hahahhaa..
nagpaalam ka ba kanila mama?
joke..
sige no probs..GB din :D
teyk keyr and ilabyer!