21.3.09

Magulo

Some things are better left unspoken.....


May mga bagay sa buhay natin na hindi natin kayang ipaliwanag. Mga bagay na hindi natin kayang iparating sa pamamagitan ng mga salita, pagsulat, o minsan eh sa kilos. May mga bagay na hindi natin kayang aminin sa iba, pero sa isip at puso natin eh alam natin yung sagot - natatakot lang tayong ipaalam sa iba dahil ayaw natin na mag-suffer sa consequences na kaakibat nito. Ilang araw na ring nananahanan tong post na to sa draft ko. Hindi ko malaman kung bakit sa dinami-rami ng panahon na sumusulat ako ng kung anu-ano, ngayon lang dumating ang pagkakataon na hindi ko maisip at maisalin sa mga salita ang gusto kong maiparating (saan?), (hindi ko din alam...di bale pag naaalala ko, sasabihin ko ulit sa inyo :D).

Alam kong may iba't ibang pangarap ang bawat isang nilalang dito sa mundong ibabaw, may kanya-kanyang natatagong emosyon, at kanya- kanya rin namang saloobin tungkol sa mga bagay- bagay. Pero ako, kahit na sinasabi nilang " ok sa olrayt" ang pananahanan ko dito sa mundong ibabaw, may mga bagay pa din akong nais makamit na medyo "unreachable". Simpleng bagay nga lang kung tutuusin, pero alam ko, duwag ako pagdating sa bagay-bagay na yun. Natatakot lang kasi akong masaktan. Kahit na oo, alam ko na parte yun ng paglaki (may pag-asa pa nga ba?). May mga bagay din naman na inihahain na saken at susunggaban ko na lang, inaayawan ko pa. (ewan ko ba kasi kung anung kautakan ang meron ako!..). Naiisip ko yan kahapon habang naglalakbay ako pauwi sa tahanang tinutuluyan. Pero kadalasan, kung ano yung nakahain sa harapan ko, yun pa yung inaayawan ko --- bakit? dahil natatakot ako na makasakit ng ibang tao, pero takot din akong masaktan. Magulo diba? Pero ganun yung takbo ng isip ko sa usaping yan. Sabi nga ng papang ko :
"Piliin mo kung sino yung nagmamahal sayo, dahil dun, siguradong magiging masaya ka at hinding-hindi ka niya sasaktan. Ang pagmamahal kasi, natututunan yan."
Pero hindi ko sya sinusunod sa bagay na yan, at ginagawa ko ang mga bagay sa sariling prinsipyo at diskarte ko. Maigsi lang ang buhay natin sa mundong ibabaw, kaya kailangan gawin natin itong kapaki-pakinabang. Malamang sa malamang eh nakikipagpatintero ako sa kasalukuyan, medyo huminto sa kalagitnaan at nag-isip. Nang-away ng ilang taong gumugulo, at tuluyang nagpapagulo ng binuo kong "laro". Pero....nanjan ang isang malaking salitang PERO sa gilid..alam ko na sa mga bagay-bagay na ganito.....

Ang unang madapa, ang syang matatalo...

13 comments:

yAnaH said...

ayos lang yun jen...
bakit?
kase sa "laro" ng buhay na binuo mo, ikaw ang bida, maaaring magpaminsan-minsan ay may kontrabida, pero0 ayos lang yun dahil alam mo na kahit anong kabulastugan ang pinaggagawa sayo ng mga kontrabida, at the end of the day, lahat eh desisyon mo, lahat...at the end of the day, it'll all comes back to you... it will be your choice, your decision...your say...
alam ko rin ng pansamantala lang yang "laro" na yan.. bukas makalawa, makakaisip ka ulit ng panibagong "laro" na magkakaron ng panibagong rules at im very much sure na magkakaron ka rin ng panibagong mga "kalaro". at ung mga taong nakasali sa "laro" na ginawa mo before, kung saka-sakali na hindi na sila makasali sa panibagong naisip mo na "laro" isa alng ang ibig sabihin nun, alam mo na yun...it wasnt meant to be.. these people are just meant to come and pass by our lives..
kaya, sige lang... enjoy sa "laro" while meron pa... tamang hindi sunggab ng sunggab.. lahat ng bagay ay kailangan muna pag-isipan bago sunggaban... kahit na sabihing nakahain na sayo, kailangan mo pa rin pag-isipan mabuti if youre gonna play or pass... :D

chureeee naman at napahaba na naman.. i know medyo magulo ang thought.. pero... i know you were able to udnerstand naman the message im trying to convey :D

Anonymous said...

sino ba ang magulo? ikaw o ako?...ahahaha...

may mga pagkakataon talaga na hindi mo maipaliwanag ay iyong nais pamamagitan ng iyong mga kakayahan...kulang ang mga salita, hindi maipaliwanag mga kilos...hindi mo maibahagi sa iba kung anu ang nais mo..pero sa puso mo parang kulang...

minsan nga naintanong ko din sa sarili ko...ano nga ba ang purpose ko sa mundong ito...purpose ko ba ang maging masaya, magmahal, masaktan, maging mayaman, maging matagumpay, o patuloy lang na maglakbay... hindi ko alam... ang mahalaga...hindi tayo hihinto.. mahanap man natin o hindi ang halaga ng buhay...basta huwag lang tayong susuko... :)

A-Z-3-L said...

"May mga bagay din naman na inihahain na saken at susunggaban ko na lang, inaayawan ko pa."

hindi lahat ng bagay within your reach eh susunggaban mo at aangkinin. paano kung akala mo'y masarap na pagkain un pala'y maganda lang tingnan! (lasang tandoori o kadai!)

i agree with ur papang...

"Piliin mo kung sino yung nagmamahal sayo, dahil dun, siguradong magiging masaya ka at hinding-hindi ka niya sasaktan. Ang pagmamahal kasi, natututunan yan."

Naniniwala kase akong mas masarap magmahal ng taong MAHAL na MAHAL KA kesa sa taong MAHAL na MAHAL MO!

galingan mong maglaro... masarap maging masaya sa ngalan ng pag-ibig! ;)

gillboard said...

ang hahaba ng mga comments... biglang nawala yung gusto kong sabihin...

EǝʞsuǝJ said...

-Biiba-
malamang..
teka..nagreak ka naintindihan mo ba yung sinabi ko? hahaha..
basta wag kang maingay..heheh
alam kong tama yung ginagawa ko, at ang maalamat kong "kasabihan" lagi kong babaunin- at sisiguraduhin kong hindi ako matatalo this time sa larong itech,,hhehe..

-SUper G-
oo nga..teka nalito ko sa sinabi mo..hehe..pero may tama ka in a way.
basta,hindi ko rin kasi alam kung ano tlaga yung gumugulo saken eh..tsktkstks

EǝʞsuǝJ said...

-AzeL-
kaya nga hindi ko pinapatulan kung ano yung nanjan lang sa gilid. kadalasan naman kasi, hindi rin iyon nagtatagal- masugid lang kapag sa simula, bandang huli..unti-unti nang mawawala....

di ko pa nasubukan ang kagaya sa sinabi ni papang..madalas kasi natatalo ako..hehe..saan natatalo? basta dun na yun..:D

-Gillboard-
hala ka? tsktsk..icomment mo na..malay mo..magkapareho pala tayo ng pananaw..heheh

Unknown said...

super agree ako dito..

"Piliin mo kung sino yung nagmamahal sayo, dahil dun, siguradong magiging masaya ka at hinding-hindi ka niya sasaktan. Ang pagmamahal kasi, natututunan yan."

tayo lang naman ang nagsusulat ng ating buhay..inilalatag ang ibat ibang options pero tayo pa din ang dapat mamili..

magulo, uu..pero sa bawat pili mo, may saya at aral siyang kapalit..wala pa rin namang lugi siguro..

poging (ilo)CANO said...

pahabaan ba ng comments to? ako short lang kasing short ko! ang masasbi ko lang ay "magulo nga tlga"

pakawalan mo na ang dapat pakawalan...mahirap magmahal sa taong mahal mo pero iba naman ang mahal.......as in....toinkz..

Kosa said...

ako ba ang magulo?
hehehe.. baka naman si pareng SupeGulaman...

kung ito ay sa pag-ibig ibabatay,

Tama si Pogi!
katulad ng Buhay, ang Pag-ibig e parang sugal lang yan! kung di ka tataya, hindi ka mananalo.. at kung takot kang tumaya, ikaw ang nag-iisang talo!

haaaaaaaaaays..
taena... di ko alam ang sasabihin ko, parang napakasensitibi kase nito... teka, iYm mo nalang ako kapag kailangan mong makuha ang kabuuan ng aking panig..lols kitakits..

Kosa said...

ako ba ang magulo?
hehehe.. baka naman si pareng SupeGulaman...

kung ito ay sa pag-ibig ibabatay,

Tama si Pogi!
katulad ng Buhay, ang Pag-ibig e parang sugal lang yan! kung di ka tataya, hindi ka mananalo.. at kung takot kang tumaya, ikaw ang nag-iisang talo!

haaaaaaaaaays..
taena... di ko alam ang sasabihin ko, parang napakasensitibi kase nito... teka, iYm mo nalang ako kapag kailangan mong makuha ang kabuuan ng aking panig..lols kitakits..

Sunday, March 22, 2009 7:56:00 AM GST

Kosa said...

to SuperGulaman parekoy:

re:
may mga pagkakataon talaga na hindi mo maipaliwanag ay iyong nais pamamagitan ng iyong mga kakayahan...kulang ang mga salita, hindi maipaliwanag mga kilos...hindi mo maibahagi sa iba kung anu ang nais mo..pero sa puso mo parang kulang...

ibig sabihin nun, umiibig ka..hehe

EǝʞsuǝJ said...

-vanvan-
agree ka ba? ako kasi ewan ko..hehe..
tama..kasi kung masasaktan tayo, choice naman natin yun eh...:)

-Pogi-
wala..prang nanenermon sila eh..hehe
ganun ba?
tsktsk...ewan ko..di ako makarelate ...nyhahahha

-Kosa-
wala naman akong sinabi na takot ako tumaya ah..ayoko lang na magbago ung pag-inog ng mundo :(
ayokong may mga bagay na mabago, kasabay ng pag-amin ko. eventually, pag umamin ako--choice ko yun..pero choice ko din nmn kung skling "habambuhay" kong itago yun diba?:))
makuullleeeet ka!!!!
inulit mo pa!!!!!

-kosa (uyet)-
para ka tlagang si boy abunda ngayon!:)

love_17 said...

alam mo kasi yung pag ibig ay maihahalintulad natin sa isang sapatos. kapag ang isang sapatos ay gustong gusto mo,ngaunit hindi ito kasya ay pipilitin mo pa rin ito para lamang mapagkasya sayo,tinitiis mo na lang kasi gusto mo,kahit na nasasaktan kana. at may sapatos din naman na ibinigay lang sayo,ngunit sa una hindi mo ito gusto kasi hindi mo nga type kahit alam mong kasyang kasya sayo aaat bagay pang tingnan.
ngunit sa katagalan ay nagustuhan mo rin ito. dahil alam mong hindi ito makakasugat sa paa mo at matibay pa...

ganun ang PAG-IBIG,parang SAPATOS.
kahit hindi ka mahal ng minahal mo pinipilit mo pa rin yung sarili mo sa kanya,kahit nasasaktan kana,.
oh kaya may taong nagmamahal sayo ngunit sa una hindi mo sya gusto,pero sa katagalan nasanay kana rin at natotonan mo rin syang mahalin,dahil alam mong sa kanya ka liligaya...

ganon lang yun kasimple...
malay mo yung para sayo ay nasa tabi tabi lang pala.hindi mo lang namalayan....

tnx. more power and GOD BLESS!!!!