12.3.09

Piyanista

Pag nakita mo na yung taong pakiramdam mo eh hinahanap mo, saka ka naman mamumumroblema kung paano ka rin niya hahanapin. Makikiramdam ka kung hinahanap ka nga ba nya, o ikaw lang ang talagang naghahanap sa kanya?

Naisip ko yan nung nakilala ko si F...

Bago tumapak ang mga madudumi kong paa sa lugar ng mga mababangong nilalang, nag-alay ako ng isang ever faithful na pramis sa aking pinakamamahal na ekswaysey. Pramis na hindi ko na kinekeri panghawakan ngayon. (anyways, wala na kong pakielam dun ngayon dahil ako naman yung nagpramis eh).

Ilang araw ang lumipas matapos akong makarating dito, tinungo ko ang simbahan para sa isang appointment sa kulto at dun ko unang nakita si F. Sa isang lugar kung saan namumugad ang "mga alagad ni Lord". Isa siya sa mga batang hindi humihikab habang nakikinig ng mga bagay-bagay na sinasabi sa kulto, nakikinig ng matimtiman, at nagdarasal ng taos sa kanyang puso (well, in a way ganun din naman ako, pero..iba yung sa kanya..basta)--na nagpahanga ng bongga sa isang masamang taong kagaya ko.

Marami na ring mga araw ang lumipas. Marami na ring mga larawan niya ang palihim kong nakukuhaan. Mga tula na nasulat para sa kanya, mga sulat na ginawa pero ang ending eh sa basurahan din naman. Marami na ring bulung-bulungan ang narinig. Maraming awitin na minsang inalay sa kanya (eg. Lab mubs, sway, at ang perpek na "Dreaming of you")--madaming beses niyang pinakanta sa akin yang huling yan. Pakiramdam niya daw kasi makatotohanan yung pinaparating na mensahe. Pero deadma ako, at nagpatuloy sa pang-iinis at pagsusungit sa kanya. Halos araw-araw kaming nagkakasama, nakapagharutan at nahampas ko na din sya sa muka, namura, at napandilatan ng mata.

Pero, eto na yung araw kung saan iiwan ko na ang mga pangarap na makasama siya. Dahil tanggap ko na sa sarili ko na:
pag Mahal mo ang isang tao, matututo kang palayain ito...

22 comments:

2ngaw said...

Comment muna ako sa unang nabasa ko :)

may kwento jan eh...

Babae : Taguan tayo, pag nahanap mo ako may premyo ka sa akin..

Lalake : eh paano pag di kita nahanap

Babae : Nasa likod lang ako ng piano

basa muna ako ulit lolz

yAnaH said...

what brought the sudden realization/changes?

2ngaw said...

Jentot..di ganun yun, hindi porke't mahal mo eh palalayain mo na lang basta basta...di ka nman ata tinataboy eh, ok lang palayain kung hinihingi na talaga ng pagkakataon..pero kung hanggat masaya ka at alam mong di k naman nakakaperwisyo, tuloy tuloy lang girl...

EǝʞsuǝJ said...

-CM-
hahaha

nagawan pa agad ng joke ah..galing

-Yanah-
matagal na yan..nililibang ko lang sarili ko sa mga moments
he's giving me false hopes
pero alam ko "false" lang lahat
hindi ko na kelangan umamin pa..

-Cm (ulet)-
ah ehh..makirap iekplain..
di ako tinataboy
pero parang mas ok na frendship lng kame
matagal na kong naghihintay ng mga senyales,..pero wala pang dumadating
:)

gillboard said...

bakit naman kelangan pakawalan? hmmm...

sabi ko na nga ba eh.. kaw yung tipong nagsisimba para maghanap na rin ng mga kakaririn.... hehehe

biro lang!!!

2ngaw said...

ang tutuo joke pa lang sana ok na di na ako mag comment...kaso mukhang joke nga lang talaga ang dating lolzz

Well, base sa joke, kung di ka nya mahanap then sabihin mo kung nasan ka...nasa kanya na un kung hahanapin ka pa nya kahit alam nya kung nasan ka...sa ganung paraan, malalaman mo kung ano dapat mong gawin o ano ang dapat na maging desisyon mo...

Anonymous said...

bakit mo naman agad pinakawalan, hindi mo pa nga nahuhuli... hulihin mo muna kaya, pagpumalag ayun pakawalan mo na...paghindi naman pumalag at nag-enjoy sa'yo...palakpakan na lang... :)

A-Z-3-L said...

Nasaan na ang lab poems na un? kung nasa garbage schute na, aba parang gusto kong habulin sa SEWA (SEWA nga ba sa Sharjah?)

Kung hirap ka na.. kung sumuko ka na kakahintay (dahil 48 years ka ng naghihintay times 10 to the 6th power!)... kung nakikita mong wala ni katiting na pag-asa... baka un ang senyales upang mamulat ka.

hindi masamang sumuko sa laban na inumpisahan mo lalo na kung alam mong ang patuloy na paglaban ang papatay sayo!

EǝʞsuǝJ said...

-Gillboard-
di naman masyado
kahit na inaamin ko medjo ganun din minsan para di nakakaantok..haha

eh kasi may mahal "atang" iba..hehe

-Super G-
matagal ko nang gustong mahuli
pero ang hirap eh
daig pa yung palos..hehe
papalakpak na lang ako sabay smile=)
bahala na..hehe

-AzeL-
nasa hausing ata
o nasa draft sa blog ko sa fs?
o sa blog ko sa multi?
o sa mahiwagang talaan ko..
basta hindi pa natatapon..

ayun na nga.
kuntento naman ako sa atensyon na meron xa para sakin
kaya tingin ko ok na yun...
may mga laban lang talaga na hindi na dapat ilaban pag alam mong matatalo ka lang..hehe

Anonymous said...

Ang lahat ng kaldero may katapat na takip. Kung hindi mo takip, hindi kakasya.

Kung siya ang takip mo, sigurado malalaman mo. Swak kayo eh.

yAnaH said...

sabagay, tama naman yan....saka medyo ilang beses mo na rin nasabi saken yan nun diba? mas magandang umasa sa isang bagay na alam mong sa bandang huli eh sayo din ang punta. sabi nga nila diba kung hindi ukol eh di hindi bukol.. un nga ba yun? hindi ko na syadoa maalala pero parang ganun na nga un...hehehe..
saka kasi diba kapag ayaw pahuli, ibig sabihin not meant for you at pihadong masasaktan ka lang....
yun na nga lang, enjoy na lang ung mga kakaibnag moments with him, ull eventually get over it... i know... matagal-tagal pa kayong magiging magkasama sa kulto..
wala na akogn ibang masabi..
luto tayo pakbet mamaya...:D

EǝʞsuǝJ said...

-MIke Avenue-
hmm..hindi siguro ko fit para sa takip niya..at ang fit para sa kanya ay si -----hehe

"in some ways"
may mga similarities kami
pero sa mga iba pang bagay
i doubt it..
:)
kaya suko na poh ako sa laban kahit walang contest..:)

-Yanah-
eto na naman tayo
:P
adik
sabi ko naman sayo
keri ko toh
mr. right isnt right for me..un lang yun..:P
pero ewan din naten:))
joke...
palag ka pa?????
mag-email ka na lang pag may follow-up ka pa din!!!!:)

Anonymous said...

eh pano pag umamin na sila?

EǝʞsuǝJ said...

-Yanah-
edi umamin sila
sabi ko nga sayo
umamin o hindi
same same lang..
ganun pa din ending nun
kaya much better
much better
better
best..hehe
la lang..hehe
sarili lng nila pinahihirapan nila

A-Z-3-L said...

chat box ba ito?

nagtatanong lang... aheks!

pengeng pakbet!

Anonymous said...

closure for you...
wag ka na tumanggi...
ang tumanggi tutubuan ng alipunga ang lalamunan at hindi makakanta sige ka...
nyahahahaha
maraming isda sa karagatan na nagkalat. ull just have to find one na swak sa budget at panlasa mo..ung hindi ka matitinik... ung hindi ka mahihirapan mag-isip kung panong luto ang gagawin mo...
PATIENCE.. is a virtue... practice it..
sabagay bata ka pa naman...
malayo ka pa mawala sa kalendaryo...
uubra pa yan !
nyahahahaha

poging (ilo)CANO said...

ayun sapol mo ms. piyanista. kilig ka naman kahapon kasi kasama mo siya d b? napakanta ka nga eh...

iba tlg ang tama ni ferdie sa hart mo noh?....astig pero may iba namang mama...lolz...

word verifiction: colas

EǝʞsuǝJ said...

-CM-
hehe
sana makita nga ako
magaling ako magtago eh
kaya hindi niya na ko hinahanap:)

-Yanah-
uu..kung un nga yun.yun na yun.

-AZEL-
oo chat nga ata..
kesong keso yung post..hehe

-pogi-
hehe
narinig mo naman kagabi
piping saksi ka sa juraktis
hehehe..
bleh!
di mo pa rin ako narinig kumanta:)

Anonymous said...

Bakit ganun? bakit biglang nasa let-go part na agad eh parang wala namang problema? hindi lang ba kumpleto iyong kwento mo or natatakot ka lang?

Unknown said...

agree ako sa karamihan dito..ba't kailangang pakawalan agad??/masyado bang bawal??parang nag-uumpisa palang naman...romantic nga ung starting point nyo eh..

aheks..

Ken said...

"pag Mahal mo ang isang tao, matututo kang palayain ito..."

"Alam mo jen, I like that ending quote mo. Sabi nga nila,

The easiest way to find love is to give love. The quickest way to end love is to hold it tightly. The best way to keep love is to give him/her wings so she can fly free.

Magbabasa muna ako marami ako dapat icatch up sa post mo.

EǝʞsuǝJ said...

-Marlon-
natatakot ako and at the same time, la ata tlagang pag-asa..hehe

-vanvan-
eh kasi ganito yun...
(mahabang story)
basta, basta
hindi kasi ako kumportable kapag pinaprio ko yung feelings ko eh..
di ako makaconcentrate sa karir.hehe
romantic ba yun?
san banda?

-Kuya Kenji-
tagal mo di napadalaw ah.
hehe
parang ikaw lang kumampi saken dito ah..