Kung Hindi mo kayang mag-adjust at makisama sa kanila, mabuti pa umalis ka na jan! Think about your future! Grow up!!!!!
Yan ang mahiwagang mensahe na ipinadala sa aking katengahan ng aking Dear Lola ng bigyan niya ako ng umuusok at nakakabula-bibig na sermon. Sanay ako sa simbahan, pero ang pag-usok na naganap sa tenga ko ng mga oras na yun ay kakaiba - nanuot sa utak ko ng todo at nagpapula sa morena kong mga balat. Naglilinis ako ng kuko ko nung mga panahon na yun, ang ingrown na natatakot akong tanggalin eh nahatak ko at napabulalas ako ng malatindig-balahibong "Grow up? Ah ok"(akala niyo lumaban ako nho?, di nho yaan nyo na ang matatanda, ganun talaga ang buhay..masisigawan ko din naman yung magiging apo ko kaya deadma ko dun!)
Gaya ng nabanggit ko sa mga nakaraang post, maliit lang ang krimen na nagawa ko. At sa edad ko, alam kong nasa tamang pag-iisip naman na ako at alam kong wala akong ginagawang masama. Malinis ang takbo ng utak ko (kahit na majority nun eh puro kalokohan), namumuhay ng may takot sa Diyos, may prinsipyo sa buhay at higit sa lahat, patas kung lumaban sa buhay.
Natutunaw ako sa kakaibang pagtrato sa akin ng aking nasnip. Hindi ako sa kembot nanghihinayang, kundi sa "pinagsamahan" namin. Pakiramdam ko, maliit na bagay lang ang nagawa ko nung isang araw at parang naging isang malaking issue na. Nakausap ko na din si Tita dear at naresolba ang issue sa aming dalawa. Ilang araw na din akong balisa at parang tanga - nakatunganga sa opisina, nagbibilang ng alikabok at hinihithit ang amoy ng amo ko. Araw araw kong kinulit ang Naynay ko sa paghingi ko ng payo tungkol sa paglipat ng tirahan. Bandang huli ay nanalo ako, sapagkat ang sabi ni Naynay "Bahala ka, alam mo na ang tama at mali, sabihan mo na lang ako kung san ka lilipat". Masaya kong nagtanung-tanong, nagisip kung paano ang mamuhay ng mag-isa sa bayang ayokong puntahan simula't sapul pa lang. Inisip ang mga homeless peepz at ang mga batang walang makain. Ang mga batang ni minsan ay hindi natutong mag-computer at manabotahe ng anumang software. Ang mga naiwang mahal sa buhay ni Francis M., ang pangarap na binubuo ko, at mahal kong family.Nang magtungo kasi ako sa praktis ng choir kahapon, kinausap ko ang aking spiritual adviser. Tinanong ko sya ng mga makabuluhang tanong at sinabi sa kanya ang "real score" sa aming dalawa ng aking nasnip. Sinabi niya sa aking
subukan mong ayusin ang mga bagay na pwede pa namang ayusin bago pa ito lumalaAaminin ko, matigas ang ulo ko, kaya nga kahapon, ng mabuo ang pasya ko, ngumalngal ako ng bongga at umiyak na parang bata habang sinasariwa ang mga bagay na ayokong danasin ng mga nakababata kong kapatid, ipinagdasal ang kaluluwa ng aking pinsan at tita dear, at ako na rin mismo, para magkaron ng awa sa mga jokes na hindi namin napapansin habang nagdededmahan kami nung nakalipas na dalawang araw. at sa wakas, nagkaroon ako ng lakas ng loob na magstep forward and conquer my fear...ang posibilidad na ma-reject ang apology ko. Ilang minuto ko din tinitigan ang ym at saka naglakas loob..
apshie026: ATE..
cam072002: Yes
apshie026: SORRY PLA..
cam072002: no probs sna lng s su2nod magpaalam kna
cam072002: ska sna wg m isipin n glit kame sau or ndi ka nmin gus2 s bhay...
cam072002: ang want lng nmin matuto ka...
cam072002: kc kpg nsa ibang lugar kna iba n tlga - much more kpg ang ksama m s bhay ibang tao n
apshie026: YUPYUP...NAINTINDIHAN KO NAMAN YUN
apshie026: LAM KO MATIGAS DIN MINSAN ULO KO..AYUN..
apshie026: NAKAUSAP KO NA DIN SI TITA...
cam072002: cnbi k din s mama m ngyari bka kc sumama loob nla n wla cla alm s mga ngya2ri sten
apshie026: OK LNG..CNABI DIN NILA SAKEN NA NAGTXT KA SA KNILA..
apshie026: SI MAMA ELLEN PINAPAHANAP AKO NG MALILIPATAN NUNG KINAUSAP AKO NUNG SUNDAY..
apshie026: SABI KO HINDI KO PA KAYA CHKA UNG SINASABI NIYA NA "AYAW KO UNG NAPAPAKIELAMAN"..OK LNG SKEN UN..KYA NGA HINDI AKO NABUKOD KASI ALAM KO MEDJO PALPAK UNG MGA DECISIONS KO MINSAN
cam072002: ska ang pag jinternet m ah...
apshie026: LESS NA..HEHE.
apshie026: DI NA NGA AKO NAGOONLINE SA HAUS..
apshie026: NAADIK LANG AKO SA BLOG NUNG MGA NAKARAANG ARAW..AYUN..PERO PRAMIS..BABAWASAN KO NA..
hehe..so ceasefire na!!! wala ng lipatan na mangyayari! Nakakatamad mag-impake nho! At saka mabuti naman at nasolve ko na ang kaso ko at makakatulong na ko ulit sa isang pasyente ko. Pero less adik moments na talaga ko (in the meantime)..
14 comments:
hayzz... ndi mo pa nasusubukan pala ang mag isa dito? i mean ok naman ung ginawa mo na kinausap mo sila kase nga baka maayos pa. pero alam mo kung hindi ka na masaya jan umalis ka. ndi naman sa inuutusan kita o ano pa man, pero kase minsan mas matututo ka kapag mag isa ka. mas makikilala mo ang sarili mo lalo. na minsan sasabihin mo sa sarili mo, "ay kaya ko pala!"
i've been into ur situation b4. ang pinagkaiba nga lang ndi sa pinsan...kundi sa tiyahin mismo. matigas din kase ang ulo ko. jejeje. pero alam mo madami akong natutunan. teka lang...at parang madami na ata ang nasulat ko dito. email mo nalang kase ako... hehehehe...
smile:)
sabi ko na nga ba hindi matutuloy kaya hindi rin ako nagpupursigeng magbasa ng ads, magtanong-tanong at maghanap..
alam ko naman na hindi matutuloy kaya naka stand by lang ako..
sabi mo nga ure old enought to know whats right from wrong.. kaya inaassume ko na alam mo ang mga gingawa mo lalo na ang mga decisions na ginagawa mo. as much as i wanted na bigyan ka ng mahaba-habang sermon este advise eh hindi na lang muna kase as you know, natataranta pa rin ang utak ko, although hindi naman affected kapag sitwasyon ng iba ang tinatalak ko, un nga lang, alama natin kung gaano katindi at kabilis ang back fire neto sa kasitwasyunan ko.. tested and proven na natin ito ba? hehehe
kaya ang masasabi ko lang sayo.. ipagpatuloy ang pagiging good girl..yun lang..
saka na kita sesermunan este aadvisan kapag stable na sitwasyon ko at wala nang back firing na magaganap..
aba! naunahan ako ni jee????
congrats at di ka na lilipat...
kumusta ka na pala jen? tagal nating di nagkausap ah... anong bago? aheks!
sabi ko naman sayo.. kiss and make up ;) maayos lahat basta nagusap. kitakits ;)
lahat ng bagay ay kaya natin nasa pag pursige lang yan at tamang desisyun sa buhay...wag lang mag sunog ng tulay...di don mapatunayan ang lahat.. tama lang ginawa mo jen you made the right decision na mag cease fire...
alam mo naman galing din ako jan hirap maghakot ng gamit mahal pa ang carlift ang sikip pa ng tirahan.. hehehehe at sempre ang one to sawang pag online mawala hahahahah lol's
"keep the Faith" Bomzz Jovi
hahaha...lumayas ka na lang jan gaya ng sabi ko para makagala ka ng wantosawa...DEMONYO
hindi ka na ba adik? lolz.....
maniwala..kasalana ko ata to ah!
Adik pa rin yan!...lolz..
ok lang matigas ang ulo...pag malambot yan naku!..magpatingin ka na sa doktor...hahaha..korni...lolz...
buti naman di natuloy ang paglipat..hirap kaya magimpake at mag ayos ulit...lolz..
asus... sinisi pa pagbablog... hehee.. pero good thing na bati na kayo...
magaan nga sa loob yung alam mong wala kang kagalit...
napadaan lang ako .. nacurious kasi ako sa ceasfire entry mo.. nakakatuwa ka nman .. nangyari na sa akin yan eh. kami naman ng kuya ko. Nag stow away ako ng bonggang-bongga hehehe. mapride ang lola mo eh tapos kasi ang sunget ng kuya ko. nag away kami siya na ang me kasalanan at sia pa ang nagalit hasus. di natiis ng beauty mo eh di disappear ang lola mo. nun males ako narealize ko bandang huli, wawa nman pala si kuya kasi computer table at higaan lang ang matitira kung sakali.. nakupo eh di tuloy ang lipat pero iniwanan ko na ang mga gamit. sa kabilang banda narealize nia ang mali niya tapos naging independent na ako since then. matapang pala ako mamuhay mag-isa hehe
hahaha...
bahala ka nga sa kakesohan ng buhay mo... alam mo bahagi yan ng pagdadalaga..
masusundan at masusundan pa yan.. hahaha sigurado ako..
at sana sa susunod, makinig sa mga hari ng bahay..hahaha nakikitira ka lang..lols joke
seryoso...
kung saan ka masaya eh di dun ka... minsan sobrang hirap tumanggap ng kapalpakan pero dahil nagpakumababa ka ng bonggang bonggan, saludo ako sayu.hehehe
at goodluck sa mga laban mo pa sa buhay.. NAGSISIMULA KA PA LANG... madami pang mangyayari.. at nararamdaman ko yun..hehehe
kitakits
-Jee-
ndi pa. eversince dumating ako dito lulan ng bonggang spaceship, hindi pa ko nabukod sa kanila. Aalis din siguro ko sa poder nila, pero hindi pa ngayon..hehe..
salamat sa entry, este sa comment pala..hehe
-Yanah-
alam ko, alam ko..hehe
mahilig akong umangal, pero pinapagana ko din ang kautakan ko most of the time...hehe..maybe i was too emotional that time at pinansin ang bonggang komento ng lola ko..spell exaj namn kasi eh..
lahat ng bagay may tamang panahon at pagkakataon, and movin out is not yet now for the mean time..
-Azel-
oo nga eh..hehe..
madaldal ka kasi, naunahan ka tuloy ni jee sa pagcomment..hehe
balitaan na lng kita..tagal na natin di nakapagwentuhan eh..:)
may tama ka nga..kaya sinubukan ko..eh ayun..ok nmn pala..hehe..tinatamad kasi ako mag-impake..hehe
-Bommzz-
tama.naisip ko din yan..chka ayokong lumala yung situation ng dahil lang sa simpleng problema...
may kotse si nasnip, pwede nya ko ihatid pag naghakot ako..hehe..joke
-Pogi-
ayokong gumala, maeexpose ng bongga ang beauty ko at baka mahablot ng majojontot na arabo at pana sa daan! may-i-sleep na lang ako after the hh chores nho..blooming pa ko the next day..Bleh..
kasalanan mo ng wanport dahil ikw ung kachat ko pag online ako sa haus, pero kasalanan ko ng wanhul dahil adik ako!!!!:))
-Homer-
teka homer ni proserfina o homer simpson????hehe..linawin mo next time prof!..nyahhahha
siryus mode..
oo tested and proven ang pagiging matigas nitong ulo ko dahil nakabasag na toh ng tiles dati ng hindi man lang nagagalusan..hehe
adik pa din ako, pero pinipigilan ko na..hehe..mahirap mag-impake at matulog sa ibang bahay..hehehe
-Gillboard-
hehe..wala akong masising iba eh, pwede bang ikaw sisihin ko? heheh, joke lang...
oo nga, hindi kasi ako sanay ng hindi xa kinukulit..nakakapanibago..
-Eds-
salamat sa pagdaan
di bale next time try ko na talaga.
wag lang ngayon
may pangarap akong bilhin eh.
sayang kung ipanguupa ko agad ng mahal..hehe
-k0sa-
adik! anung pinagsasabi mo jan ah..palitan mo muna tugtog mo sa page bago ka umangal dito!..joke lang..
ayun na nga,..kung nagpatuloy kasi ako sa mga adhikain ko kahapon, malamang mag-create lang ng mas malaking tampuhan, gulpihan, awayan at kung ano pang chever...
kaya ayun,...
alam kong madami pang padating..pero ready ako..dala dala ang paalala ni naynay at taytay..hehe..
see yah!:D
Post a Comment