25.3.09

Responsibilidad at pasakit

Tamang-tama sa panahon ng kwaresma ang pagkakataon na ibinigay sa aken ni Papa God. Ang pagkakataon upang masubok ang aking katatagan at pananalig sa kanya.

Nang mga lumipas na araw ay nakaramdam ako ng kung anung karamdaman. Karamdaman na maging si Papa God ay nagawa kong tanungin kung bakit sa kung anung pagkakataon eh bakit ngayon pa, bakit sya pa at bakit dito pa. Nanatiling tikom ang bibig ng kalangitan, sa pag-usal ko ng ilang mga panalangin. Panalangin na sana ay bigyan niya ako ng liwanag sa pagtahak ko dito sa aking buhay. Namuhay akong mayroong takot sa aking puso. Takot na maiwanan mag-isa, takot na magtiwala--basta panay takot at pangamba na mamuhay dito sa mundong ibabaw ng mag-isa. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na naisip kong "parang" ako na lang ang nagpapahirap sa sarili ko at nagiging masaya sila sa pamamagitan ng aking paghihirap.

Naging katuwang mo ako sa iyong paghihirap,
sa kasiyahan at sa kung anupamang bagay sa iyong buhay.
Pero sana, sana ay iyong maintindihan.
Tao lang ako, napapagod,
nasasaktan at nagsasawa din.

Kaya ngayon ika'y palalayain
at hahayaang sa hangin ikaw ay liparin
Dala ko sa aking puso ang matatamis na alaala
na aking iisipin sa tuwi-tuwina.

13 comments:

2ngaw said...

Aba!!!At na-tula na rin si Jentot...Inlove?!!! lolzz

2ngaw said...

Nga pala...Kumare? lolzz

gillboard said...

mukhang di ko maintindihan ang problema mo ah... parang napakavague ng mga statement... hmmm...

EǝʞsuǝJ said...

-CM-
kumpare? effective na ba yan ngaun?
teka pag nakita niyo ko parang ako lang ung aanakin sa binyag eh..hehe

-Gillboard-
vague ba? lilinaw din yan lalagyan ko ng dugtong :D

Anonymous said...

mmhhhh...makata ulit...usapang pagmamahal ito at pagsubok... katulad ng kalagayan at pinagdadaanan namin...basta manalig ka lang...hinding-hindi nya tayo pababayaan... :)

Anonymous said...

Cast all your worries, fears and doubts to God, Sya na ang bahala sa lahat.

God's ways are not our ways, so if in any way you can't comprehend his, just put your trust and believe. Everything will happen just as he plan. Malalaman mo na lang na yun pala talaga ang makakabuti sa'yo. Hang in there.

God bless Jen!

cheers!

poging (ilo)CANO said...

uhaw! may tula rin siya....toinkz....

talagang pinalaya mo na ba siya?hahaha..

@CM,
ang aga naman yang tawagan niyo ng kumare....lolz...

2ngaw said...

epektib na ngayon baka mapurnada pa ung kainan lolzz

Pogi!!!magkakaruon na rin ako ng Kumpareng POGI lolzz

Jez said...

lahat tayo may mga responsibilidad at pasakit, kung kaya't kung kinaya ng iba na lagpasan at lutasin, kaya din natin yan, mare!

gustong gusto ko ung song na
Things in the past, things yet unseen Wishes and dreams that are yet to come true All of my hopes, all of my plans My heart and my hands are lifted to You.
Lord i offer my life to You
everything Everything I've been through Use it for your glory

>>
aba, si CM nakikikumare na rin ah......

EǝʞsuǝJ said...

-Super G-
yes yes...
may tama ka...
hmm..hindi ito kagaya sa inyo..
may medyo maliit na pagkakaiba..
:D

-Dylan-
Tenks..
i believe in His plans and I know that he will never fail me...:)
salamat..

-Pogi-
uu nainggit ako sayu eh.

oo malaya na
tinanggalan ko na ng dog chain eh
heeheheh

EǝʞsuǝJ said...

-CM-
sige sige..
asteeg ang mga kumpare't kumare ko ah...

-Jez-
Mareeee....!!!!

ayun na nga mismo..
kelangan natin malagpasan yang mga yan, para makarating sa finish line..:)

I offer my life you ba yan?
hehe..lav that song also..:)
lalu na sa may bridge banda..hehe..

A-Z-3-L said...

"Kaya ngayon ika'y palalayain
at hahayaang sa hangin ikaw ay liparin
Dala ko sa aking puso ang matatamis na alaala
na aking iisipin sa tuwi-tuwina."

At kung ang tadhana'y muling magbiro
Sa iyong paglalakad ikaw ay lumiko
Yayakapin kang muli ng pagod kong puso
At sa dalampasigan tayo'y maglalaro!

Dinugtungan ko lang para masaya! aheks!
Lahat ay takot mag-isa... "huwag kang matakot, di kita pababayaan kailanman!" ayun kumanta na ko!

keep the faith!

EǝʞsuǝJ said...

-AzeL-
ayos ang dugtong ah.
parang gusto kong lumuha ng dugo!heheh

...everything will happen in due time..grrr...