27.3.09

Echoz...

DISKLEYMER NOTIS: Ang pagkakahabi ng mga kuru-kuro, salita, pangungusap at talata ay sinulat ng nakapikit kaya nararapat na basahin ng may "malupit at bonggang bonggang pang-unawa.

Pag-ibig
Pag-ibig
Pag-ibig.
< Hindi isang brand ng shampoo, toothpaste, pabango, damit, cooking oil, o kung anupamang pangunahing pangangailangan na ginagamit / nagagamit mo sa araw-araw.
< Ang pag-ibig hindi nabibili sa tindahan, groceries, supermarket, mall o kung saang lupalop na binibilhan mo ng mga kung anu-anong mga kaartehan na ginagamit mo sa bahay / buhay.
< Ang pag-big (daw) hindi tumitingin sa brand ng blouse / polo, pantalon, sapatos na suot mo. Sa kotse, bisikleta, padyak, jeepney na sinasakyan mo. Hindi rin base sa dami ng regalo - pera (dolyar, dirhams, peso, lapad, dinar, ruppee, yen), bulaklak (santan, kampupot, yellowbell, gumamela, rose, tulips), chocolate (toblerone, m & m's, hersheys, goya, lala,serge, big bang, cloud 9), tula, alak, psp, laptop, kotse, o kung anumang luho na pwede mong huthutin este ibigay / maibigay pala sa taong mahal mo.
< Hindi rin base sa dami at dalas ng holding hands, akbay, kilig, kaba, chuvachoochoo, chukchakchenez, chever, at kung anu pang chuva at mga kalokohan na nararamdaman mo pag kasama mo sya.
< Kung paano mo nauumid ang dila mo pag may sasabihin ka sa kanya.
< Sa pagtawa mo kahit sa pinaka-corny na joke na narinig mo galing sa kanya. Sa pagpilantik ng iyong false eyelashes kapag sinasabi niyang "Mahal na mahal ka niya" (hindi mo nga lang alam kung pang-ilan ka sa sinasabihan niya nun?).
< Sa atat na atat at halos makabali daliring pagmamadali mo masagot lang agad ang mga text mesyeds galing sakanya.
< Sa mala-yelo mong boses na punung-puno ng kaba kapag tumatawag sya sa fonella.
< Ang mga awiting biglaan mong nakakanta out of nowhere. Ang hindi pagtulog sa gabi kakaisip kung iniisip ka rin nga ba niya? at ang nakakabaliw na tanong na "Hanggang kailan kaya?" (ang alin, ang alin nga ba?),
< ang hindi maipaliwanag na nararamdaman, ang pagtalas ng memory at pag-alala sa bawat isang katagang nabanggit niya,
< Ang pagngiti sa kawalan at biglaang pagliwanag ng dati ay madilim at masungit mong mukha (without the help of Dra. Belo o Calayan).
ppprrrTTTTTTttttt.....
Taym pers...
seryoso..
seryoso muna tayo...
Hindi ko pa din alam ang nararamdaman ko hanggang sa mga oras na ito. Sampu ng dalawpu, tatlumpu, apatnapu, limampu, animnapu, pitumpu, walumpu, siyamnapu,at isang daang beses(mahirap magbilang sa tagalog ay swer), makakating daliring nagtanong saken kung sino si....at kung ako nga ba ay...... hai...Kahit mabuhay pa ulit si Pope John Paul II at bendisyunan ako, bulungan ng "sweet nothings" ni busmate, tugtugan ng "Lab mubs" ni pyanista, di ko pa din alam kung anoooooooooooo nga ba tohhhhhhhhhh!!!!!! Kinunsulta ko na din si Dr. Phil, Si Joe D'Mango, Si Bo Sanchez, maging si Bob ong at si Naynay at kung sinu-sino pang cast of characters na pwede kong tanungin. Nagbigay na ng babala ang kalangitan at nagpaulan ng yelo sa lugar na kinasasadlakan ko. Hindi ko pa din maipaliwanag kung ano o kung bakit ako may disorder na ganito (amf! disorder na talaga sya!)
Teka,...corny naaaa!!! tama na muna tong kalokohan na to.hehe..bukas naman ulet..:D

8 comments:

Kosa said...

anu daw?
haaaaaays...
pag-ibig nga nmn!

eMPi said...

Pag-ibig na yan Jen... hehehe

EǝʞsuǝJ said...

-Kosa-
ava bogart...
galaw galaw..
baka mastroke..
hehhe...

-Marco-
hindi hindi..hehe

poging (ilo)CANO said...

hahaha...chuvanes...hindi eklavu...umiibig ka na nga! pero kanino? amf!!!

EǝʞsuǝJ said...

-Pogi-
bakit samsame lang meaning nun ah?
di baaaa????
haha..
makatanong ahh...
one dirham per letter ng pangalan.
ano game?
tatanong mo pa?haha..
sikret!

A-Z-3-L said...

no comment...
Tatambling na lng ako at magi-split d2 para masayahan naman ang inlab...
Pero parang gusto ko na ring hulaan kanino ka inlab.... Hmmmm...

Showbiz eto... Kelan k kaya magpost ng hints para mahulaan nmin kung cno!?

Teka, blogger ba? Ano time zone nya? Ano area code? +.... Uy! Kabado!

EǝʞsuǝJ said...

-Azel-
sa ym na lang
hahaha...
walang hint walang hint
anung area code?
nakakain ba un?:D

yAnaH said...

-no comment-
un lang ;))