Si Naynay ay bunso sa pitong magkakapatid na pawang mga lalaki. Pinalaki ng aking Lola ng may takot kay Papa God, pagmamahal sa kapwa, at pagmamahal maging sa kalikasan. Malaki ang respeto sa nakatatanda sa kanya, at isang "Ultimate Disciplinarian". Iyakin si Naynay, na sa tingin ko ay namana ko ng bonggang bongga. Magaan din ang kamay, kung kaya't matuwa o mainis sya sayo ng biglaan, asahan mo na't may batok o kurot ka sakanya (pero biruan pa lang yun).
Kabataan niya pa nung dinala niya ako sa kanyang sinapupunan. (Kung kaya't pag nagba-bonding kami sa may labasan, napagkakamalan lang kaming magkapatid). Nang iluwal niya ako sa sangkatauhan, damang-dama ko ang pagmamahal at pagkalinga na bonggang bongga niyang inalay saken (many thanks!). Pero madami rin kaming rough timesssss ni Naynay.
- Andyan yung naghabulan kami sa loob ng bahay namin dahil hindi ako makapagsulat ng ayos sa kanan (kaliwete nga kasi ako! wag nang ipilit sa kanan!),
- nagkapaluan ng patpat sa binti dahil hindi ko matandaan ang basa sa "O-N-E".
- Nagpaluhod sa asin at munggo dahil sa paglayas ko at pakikipagsabwatan sa kapitbahay namin.
- Nabatukan ako ng halos matanggal yung ulo ko ng malaman niyang may line of 7 ako sa card.
- Nung hindi niya ko pinapasok sa eskwelahan ng isang linggo para marealize ko na kailangan ng tao mag-aral para matuto ng maayos na "math" at ang bilang ng numero eh lagpas talaga ng ten.
- etcetera..etceteraaaa......
9 comments:
belated happy b-day kay naynay...
ayun eh, ayaw magsulat gamit ang kanang kamay! kung sakaling napilit ka.. sure ako pangit ang handwriting mo!
teka ano nga bang basa sa O-N-E? hehehehe!
teka anong subject ang line of 7 mo?
-Azel-
tenk yu..:)
oo nga..mabuti na lang hindi pumayag yung kamay ko na matuto sa kanan!
wan ata ang basa dun? ayun..dapat kasi ganyan na lang ang sulat para mas mabilis basahin..
Hekasi yung line of 7 ko..hehe..kaya nga nagalit xa ng todo..:)
SOCIAL STUDIES?
kow! baka kase mas exposed ka nun sa American culture kaya medyo nahirapan ka sa Phil Geography, history & arts.. hehehehe!
tingin mo?
Hindi kasi ako gumawa nung prajek namin at inatake naman ng hika nung kapanahunan ng long quiz...eh mahiyain ako nun, di rin ako mahilig mag-recite (dahil tulog ako sa klase). ayun, hehehe..
sino ba naman ang makakalimot na nung 1572 dumating si Magellan sa bansa diba?
na napadpad dahil sa kanyang paghahanap ng mga lintek na pampalasa
at kung anik anik pang eklavu ng history?
haha..:))
jen march 16, 1521 dumating si magellan sa Homonhon...
kow! bagsak nga... aheks!
1572 namatay si Miguel Lopez de Legaspi...
Hindi ba sabay yun? nyahaha..
kita mo na..
yun pa lang pruwebe na..
tsktsk..nakakahiya..haha
di bale hindi ko naman nagagamit yan ngaun...
belated hapi birthday nayskie..
more mother and daughter moments sa inyo ni nayskie..
YM ba to?
hahaha
belated hapi b-day din kay naynay...
ADIK....hahahaha
belated happy berdey sa nanay mo jentots!!!
Post a Comment