19.3.09

Si papang naman...

Sa kadahilanang nakakaramdam ako ng matinding sakit ---- homesick ---- eto at naiisipan kong gawan ng makabuluhan (nga ba?) na entry ang aking cool na cool na mga folks sa Pinas. Kung kahapon eh si naynay at ang aking bonding moments kasama siya ang binida ko, ngayon naman ay ang sa amin ng aking ever dearest katropa, kaberks, kakulitan, kaingayan, kasigawan, (lahat na ng may "ka" at "-an" yun na yun!) na si Papa.

Seryosong nilalang ang aking mabuting ama (naks, pag nabasa mo toh padalhan mo ko ng mga hinihiling ko sa fonella nung isang linggo ah?hehe). Ultimate kakampi ko sa mga desisyon ko dahil nilikha kaming pareho ng mga pananaw, paniniwala, talento (ehemm) at ultimo kaichurahan. Si papa ang nagturo sa akin kung paano magdrowing ng bulaklak, ng aso, ng pusa, ng cup, ng baseball bat, at nitong bandang huli nga eh ng dream house ko (actually sya tumapos niyan dahil tamad ako). Sya rin ang kasangga ko sa mga "paalaman papuntang gala" moments ko, ang nagpapasa ng load saken, este kinukupitan ko pala ng load, ang nagturo ng pythagorean theorem at ang technique kung paano mapapadali ang pagdederive ng mga formula sa lintek na mga equation sa trigonometry at sa nakakabaliw at nakakamigraine na calculus.

Sya rin ang nag-iisang nakakaintindi kung bakit hindi nakakatulog "minsan" ang mga may insomnia (pareho kasi kami). Kasama ko magsoundtrip, maniwala kayo sa hindi, nakikinig etong si Papa ng awitin ng PNE at ng Kamikazee, pati na rin ng Callalily at Spongecola (kung di niyo sila kilala, malamang hindi nga sila sikat, joke). Minsan ko na din nakaagaw sa paggamit ng konchuter itong si Papa dahil naadik sya sa pagDDL ng mga kanta sa Limewire (sinabotahe ko sya nun at dinisable ang Limewire para ako naman ang makagamit ng konchuter). bwahahaha. Isa siyang inspirasyon sa akin. Pinangarap kong tuparin ang mga pangarap na binuo niya, kaya lang- hindi ko rin natupad, next time na lang po..hehe..

Ang tanging araw na nasaktan ako ni Papang eh nung ayokong uminom ng ventolin sa kasagsagan ng bonggang pag-atake ng asthma. Muntikan niya kong maihulog sa drum na may tubig - hindi yun kasama sa training sa pag-awit, pero nainis talaga sya ng todo at muntik na kong maging sirena ng mga panahong yun. Siya rin ang nagturo sa akin ng kantang
"I bilib da tsildren ah mah pyutyur"
-- yan ang unang piece ko ng isabak ako sa kantahan, hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang lahat.. ...Akala ko nga pag-aartistahin nila ko dati eh, kasi kung anu-ano pinapasalihan nila sa skul.

Meseyds ko para kei papang:

"I lab yu din!!!!!shaka ai miss yuuuuuuu!!!!!!!, gala mo ko sa may salitran bridge pag-uwi ko ah!!!hehe..-nang nakabike lang :D)

7 comments:

A-Z-3-L said...

Naisip ko, kung nag-artista ka hindi mo na maipagpapatuloy ang pag-bablog kase magiging busy ka na.. tapings, interviews, press cons, photo shoots, reach out programs...etc.. etc...

Hindi sana sumikat si Charice... ikaw sana! sayang!

Kakainggit naman ang bonding nyo ni papang...

ano ba ung request mo na sinabi mo sa fonella? penge ah.. kahit 5 pirasong tuyo lang! aheks!!!!

yAnaH said...

nakakatuwa...
ang groovy naman pala ni fatherhood mo.. walang akong masabi..
kainggit...
nakakatuwa ung closeness nyo ng father mo...
super tight ung relationship nyo..
at ngayonng napalayo ak sa kanila, im sure super miss na miss ka na rin nila.. yaan mo lapit ka an rin naman magbakasyon diba?
isipin mo an algn an malapit na yun hehehehe

hmmmmmm print out ko na ba toh at ipabasa kay fatherhood mo pag-uwi ko ng pinas? :D


ingats sis...

Kosa said...

haaaaaaay
ang sarap naman ng may papang...
sana ako din..hehehe

walang duda, lab na labs mo nga si Papang mo.. keep it up! hindi lahat ng tao sa Mundo may papang na katulad ni Papang mo..

Anonymous said...

ahehehe..galing...

nakakamis talaga ang mga tatay...actually nung medyo nasa kolehiyo na ako hindi naman na ako close gaano sa tatay ko...pero nun nasa grade school at highschool... swabe tlaga ang bonding...haysss...kaso inde na din mauulit...

namiss ko din sya...pero alam ko kung nasaan man sya ngayon alam kong masaya syang nakatunghay sa kanyang mga anak... :)

EǝʞsuǝJ said...

-Azel-
hehe..ayun..
hindi ko rin siguro kaya ang buhay sa ganung pamamaraan
mas ayus ang payak at tahimik na pamumuhay lang :)

hehe..
champoi yung hiningi ko chaka yung mga iniwan kong damit eh..hehe..

-Biiba-
asteeg yun..
saulo kamo nun yung Mr. Suave..haha
suppeer duupeer miss ko na talga sila..alam mo yan...

pero balak kong umatras sa pagbabakasyon ko ..hehe

-Kosa-
bakit? la ka bang papang?
hehehe..

oo nga eh...tsktsk..salamats

-SuperG-
Shuree..tsktsk..
minsan kasi mas ok kabonding ang tatay kesa sa nanay.
ewan ko kung bakit..tsktsk..
pero mas close ako sa tatay ko..hehe

poging (ilo)CANO said...

hahaha...mis mo na ba papang mo?

ako din miss ko na papang ko...nasa heaven na siya, dun na siya tumatagay...hahaha

bike? di ka naman marunong eh! sasakay ka lan naman...lolz..

gillboard said...

awwwwww...
hangswit naman... ewan ko ba kung bakit ayaw ng tatay ko ng mga bagong tagalog ng mga kanta... pero hilig nun paulit-ulitin yung Low ni Flo Rida..