Maraming tao ang nag-akusa saken na "inlab" ako. (dumating din sa punto na inakusahan ko yung sarili ko pero naliwanagan na ko ngayoooon! Marami din ang umapela at nagbigay ng kanya-kanyang mga kuru-kuro tungkol dito. Pero babasagin ko na ang mga trrrrriiiiip nyo ngayon. Hehe
PLASBAK:
Naging problemado ako nung mga nakaraang buwan. Kaya nga't ngayon eh medyo hindi maganda ang lagay ko. Pero kayang-kaya naman. Keri lang gaya nga ng lagi kong sinasabi. Hindi ko na kelangan pang isa-isahin ang mga dilemma nung "mga problemang" yun, pero alam kong maliit na bahagdan lang yun ng mga problema ng ibang mga tao sa paligid-ligid. Pero, nasubukan kong wag makatulog, o makatulog ng dilat dahil sa kapakanan ng maraming taoooooooooooo. Parang nag-aalaga ka ng isang sanggol na bagong silang. Nyay. Hehe.
Magpapaliwanag ako....
Taym pers!!!!
Lahat ng tao dumadaan sa mga "trying times" ng buhay nila. Kung saan kelangan nilang gumawa ng malulupit na mga desisyon para sa ikabubuti ng ekonomiya ng kanilang sistema sa buhay. Ako, nagkaron ako ng mga nakakawindang na eksena sa buhay ko nung mga nakaraang, nakaraan. Ah basta. Past is past, oraytie.. Leave it all behind. Hehe. At nung mga nakaraang araw nga, eh "mejo" nakaramdam ako ng matinding kasiyahan - parang kasiyahan at energy galing sa isang nagdadalagang mukang binata na si ako (haha), pero napag-isip isip ko din na may mga ibang bagay na dahilan ang lahat at di lamang sa pagmamahal ulit ko maisisisi ang lahat.
Although pinagsisigawan ko sa mundo na single blessedness ako ngayon, (sooo waat?!!!?!!!)alam kong hindi pa ulit napapanahon para lumandi ulit. Tama, hindi pa napapanahon kaya dapat behave lang muna ako at magfocus sa aking singing at counting career, dahil may mga bagay bagay pa sa paligid ligid na pwedeng magpasaya saten bukod dun.
Yan yung pilit kong pinag-iisipan at nararamdaman na hindi ko mai-express nung mga nakaraang araw (apir tayo Azel at kuya Kenji). Mas naenjoy ko lang ngayon kung ano yung mga biyaya na pinagkakaloob saken ni Papa God sa araw araw na ginigising niya ko sa umaga. Nawala na kasi saken yung negative vibes (anu toh feng sui?haha), mga tamang angal at angas sa buhay at kung anik anik na nagpapatubo lang naman ng aking mga pimples (dagdag gastos lang sa derma). May napagdiskitahan lang siguro ang mga namimilog niyong mga mata kaya akala niyo eh may-i-fall ang drama ko sa kanya. Hehe. Matagal bago maniwala si Jen at hindi basta basta nagpapadala sa unang nararamdaman niya. Hmf.
Ayus..yun lang..nilinaw ko lang..hehe..
12 comments:
nakow! balita ko nga e inlab ka daw tlga...pis tayo jen! jejeje... paktay ako nito mamaya...
naki epal lang ako dito jen! muah!
ahh, okie, sinabi mo weh..aheheheh
pero sabi nila, huwag ka raw maglagay ng tuldok kasi you'll never know what will happen bukas...malay mo ..iihhhhhh
hhhmnnnn....sige, sige, enjoy enjoy lang...magkikita rin ang mga gumagalang damdamin sa tamang panahon
-Jee-
haha..
sino nagsabi..hehe..
nabasa mo din ba yung mga nabasa ko?hehe
sige, salamat sa pagdaan
-Jez-
mareeeee...
base sa una mong pahayag parang napilitan ka lang maniwala ah..hehe
hindi naman ako naglalagay ng tulodok ah.kelangan lang dahil maghahalo yung mga salita pag walang tuldok sa post ko..hehehe
eto mahaba habang comment ito. Baka nga maging subpost ito. hehehe
Ang love kasi kusang dumarating, kusang nararamdaman, kusang dumadaloy, at hindi kelangan pilitin, pigilan, pigilin, o maitatago. Sa pagbabasa ko ng post mo, at sa patuloy na pagsusubaybay dito, nalaman ko na in love ka nga. Kung kanino, kung sino mang mapalad na nilalang na kinahuhumalingan ng dakilang tagakwenta na si Jen, swerte mo, or I mean, galing! Bihira lang daw tumibok ang puso ni Jen, pero alam ko kada segundo tumitibok yan.
Paano naman ang mga taong may crush or gusto kay Jen? Di ko kilala kung sino pero alam ko meron, kasi sa galing ng babaeng ito, nakakabighani ng mga blogero at khit simpleng tao...
Ano man ang mangyari, at kung paano mo haharapin ang mga challenges ng umiibig at iniibig, ikaw na bahala, basta masaya kami sau...
masaya kami sa post mo...
masaya kami sa mga surprises ng buhay dala ng pagmamahal at pagkakaibigan.
Azel, hmmn, may alam ka ba, share naman kapatid, hehehe. Nasa 'hiatus' pa si kumareng azel eh.
@kuya thoughts... andito ako.. nagmamasid. at nakikinig sa katahimikan. pero nabulabog ako sa kaguluhang ito!!! wala akong alammmmm! walaaaaa!!!
JEN - may mga pagkakataon sa buhay natin na naguguluhan tayo ng sobra sa uber! minsan hindi natin madistinguish ang nararamdaman natin kung ano nga ba... hindi natin ma-pin point kung alin ang tama at mali sa nararamdaman natin. Pero, at isang malaking PEROoooo, hangga't patuloy kang dumidepensa sa nararamdaman mo ibig sabihin non sobra ka ng nalilito! Alam kong madami ka ng natanong kung ano nga ba ang status ng lintek na nilalang na yan sa puso mo... at muli't muli kong uulitin...
"may mga lalake lang talagang MAGALING MAGPA-ASA!"
at sana maisip mo din... "sya kaya nagiisip kung anong status ko sa puso nya?" (at kung hindi sya nagiisip aba! talo ka!)
ingat sa bangin at patibong na inilalatag sayo. dahil hanggat hindi klaro ang pahiwatig at ang mga kasweetan, aba! neng... time bomb yan!!!
teka sino itong nilalang na may kras ata sayo? (sabi ni kuya EJ sa itaas.. ayun ohhhh...)
bakit antagal ko atang nawala.. at bakit wala akong alam sa nangyayari... (sabay haba ng ilongggggg!)
-Kuya Kenji-
amf...
dang haba nga ng comment...
wala akong masabi..
heheh..
tawa na lang po tayo..:D
-AzeL-
kalma lang..
tamang-tama
hiblood ka low blood ako..engeng dugoooo..hehehe
in lab ka nga ahihihihi!
wala akong masasabi today...ala ako sa mood...lagapak ako ngyon...
dahan dahan lang Jentot....nakakapayat yan....lolz...
di rin pasado ang paliwanag mo..umabot nga dito ilong mo e...lolz...
hahahaahah
May lablaf o wala, at least may career! Wahahahahaha!
Pero iba pa rin talaga yung may nagpapatibok ng puso mo.. Hmmm, aminin!!! lolz
-Sir madjik-
hahah..tawa na lang tyo sir madjik..:D
-pogi-
bkit ka sick b1?ehehe
-Prof Homer-
kuya Ejay..pini-em kita kanina dineadma mo ko..syang ang load ng ym..hehe..
sige gawin mo na lang sampayan yung ilong ko...hehe
-Dylan-
ayus yun,..bsta maganda ang careeer ok na din lablife..:))
heheh..
AYON pala... yon pala yon... hehehe!
count the blessing na lang daw kesa i-count yong mga di dapat i-count... intiendis? hehehe
Post a Comment