27.3.09

Si twin.

Bawat isang tao sa mundo eh merong sidekick. Syempre di ako nagpapahuli sa usaping yan. Turo ata ni Naynay na "wag magpapahuli at wag magpapalamang". Kung merong batman, meron ding robin, kung may scooby doo, andyan si Shaggy, kung may shaider, andyan si Annie, kung may doraemon, andyan si Nobita, andyan din si Mojacko para kay Surao, si Sakuragi para kay...Para kanino nga ba? Naalala ko lang yang Slamdunk, paborito kasi yan ng tatay ko, pati na din detective Conan kinaadikan niya din. Oo, kahit japanese yung lenggwahe at kelangan niya pang sipatin yung bawat isang salita sa caption sa ibaba, ayus lang sa kanya, ang mahalaga ikanga niya eh "Ang kwento at takbo nung storya". Sya sya papang, nadaanan ka na naman ng kwento ko. Hehe. Sa ibang araw ka naman.
Nais ko kasing ipakilala sa blogosphere ang naging katandem ni Jentot bago pa dumating sa buhay niya si Biiba. Bago pa nauso ang mga kadramahan sa Dubai, syempre, nagsimula ang lahat sa Pinas. Iba ng wanport kay Biiba, etong si Twin (twin ang tawagan namin dahil magkahawig kami), seryosong nilalang to pero simple ang mga balahurang tirada sa buhay (malamang sa malamang isa sa mga ugaling hanap ko sa kaibigan yan). Nakilala ko siya sa paspud na pinagsisilbihan ko bago ko mapromote bilang amo dito sa Dubai. Nyahaha. (oo,alipin pa ko nun, pero pagdating ko dito amo na ko ng amo ko..joke). Palagi ko tong kaaway at kamurahan dahil parang laging may lakad sa buhay, sya yung laging nakakakita sa aking pabulong na pagmumura sakanya. Madalas ko siyang kasigawan nung simula ng mga araw ko sa paspud na yun. Pero isang araw, bigla na lang akong nawindang ng seryoso niya akong tanungin ng mahiwaga niyang katanungan:
Twin: Jenny, monthly ka ba nagpapalinis ng ngipin mo?
Ako: ha? (sabay harap sa stainless na aparador sa loob ng kitsen, tinignan kung madumi si ngipin)
Twin: Ang ganda kasi ng ngipin mo, pareho tayo. Ako kasi..blah blah blah blah blah blah
Ako: Ahh..ok..ok...blah blah blah (nung panahon na yun, nakaretainer ako :D)

Simula nun, lagi na syang dumidikit saken. Mabait daw kasi yung aura ko. Pero akala niya lang yun..bwahaha. Kung dati lagi kaming magka-away, aba eto't kinuha niya na lahat ng pwedeng maging means of communication para lang lagi niya kong makulit. (Inakusahan ko pa nga siyang may gusto saken nung una eh). Pinapasahan lang naman ako ng mga kung anu-anong kowts at mga grapix. Sa mga piksyur taking, lagi na kaming magkasama, sa pudtrip, sa laftrip, at triptrip sa mga kasamahan namin- asahan mo magkasangga kami nito. Pero inpeyrnes naman kay twin, maaasahan naman siya sa oras ng kagipitan. Sa oras ng katangahan ko sa buhay, andyan sya para makatuwang sa iyakan, sa oras ng kakulitan, asahan mo tapos ka na tumawa tumatawa pa sya, sa videoke moments, sa unang beses na uminom ako ng alak habang kumakanta ng kantang hindi ko naman alam (tagay pa twin!!).
Matagal na din kaming walang komunikasyon. Simula nung magkaroon ako ng trabaho dito sa Land of the Rising Smell, dumalang na ang texttext (may roaming pa ko nun), ang chatchat at tawagan. Iniiwanan ko sya ng mensahe sa ym pero walang response.
Wala
Wala
Wala
Hanggang kahapon, habang naglalaro ako ng isang online game, umilaw ang kanyang bintana at nagparamdam saken. (after a decade..hehe). Binalitaan ako ng mga trahedya at lungkot na napagdaanan niya. At puro hinagpis-ipis ang sinabi saken. Hmmm... Nakakalungkot isipin na wala ako sa tabi niya para maging sandalan niya sa mga problema niya. But I'll be including you in my prayers twin. Keri mo yan. :)

9 comments:

A-Z-3-L said...

Magkamukha nga kayo (sa pek-tyur) aheks!

Gaano man katagal na wala ni isang salita... kapag kumatok ang kaibigan, hindi natin sya matitiis at pagbubuksan sya ng pinto. hahayinan pa natin ng tinapay at juice. ssabihan pa natin na dun na lang sa bahay magpalipas ng gabi. susulitin ang bawat oras na magkasama kayo for old times sake!

kaya minsan, hindi nakakahinayang maginvest ng feelings sa kaibigan... dahil anu't ano pa man, kaibigan pa rin yan...

kaya pala online ka kahapon... "kaibigan" mo pala ung kausap mo! toinks! (humirit pa talaga!)

gillboard said...

hay... di ko pa nakakausap dito si biiba... di ako nakapagreply nung nagtext siya sakin... hope she's okay though

=supergulaman= said...

aheks...si biiba ay nandito na....nagtetext naman..nasa cavite ata sya ngayon... aheks... mukhang may binyagan na magaganap sa setyembre... ;)

Bomzz said...

hang bilis! mo apshie! di ako maka habul sa pag babasa hehehe...

oy! kamukha nga kayo ah...

nakigulo lang....

turn of the lights.. hehehe

Ken said...

Kanina ko lang nabasa yung Echoz, di p ako nakapagcomment dun...

nagym si biiba, sos daw? ano yun baka may alam ka.

Cute ka pa rin Jen, super cute kasi mukhang karatista yang katwin mo sa porma ng pic ha. Kaya kung ano man ang dinadaanan niya, malalampasan niya pa rin yun.

Inspired ka talaga ngayon kasi everyday may post!hehehe

EǝʞsuǝJ said...

-AzeL-
pero mas cute ako sa personal nho?
nyahaha...
ayun na nga mismo..
miss ko na din yan eh

hehe..oo nmn.."kaibigan" ko yung kausap ko kahapon..:D

-Gilbert-
pare!!! sabi ni biiba nagreply ka daw sa text niya? anubeh?hehe

-SUperG-
oo nga daw,...
kasama ka din ba sa lineup?
ayus yan..
maganda kumbinasyon ng ninong atninang ni lian..:D
see yah!

EǝʞsuǝJ said...

-Bomzz-
welkam back..!!!
anung balita sau? san ka napadpad..teka daanan nga din kita :D
salamat..hehe..

-Kuya kenji-
kachat ko po kanina kaya lang ndi maxado kasi madami akong ginagawa sa work. Balitaan ko po kayo sa ym..:D
Araw-araw naman talaga ko nagpopost ah?heheh..lagi talaga kong inspired :D

poging (ilo)CANO said...

magkamukha nga kayo.pareho din kayo ng kamay..dalawa lang...lolz...

si bibba hindi pa nagparamdan sa akin...may roaming ako pero nasira naman cp ko..takte..

mga noning at ninang bloggers?hahah..pwedenng online binyagan na lang para hindi n kami uuwi, saka un gift post a comment na lang....wahahahaha

inlba ka noH?kanino?

EǝʞsuǝJ said...

-Pogi-
atleast ako may sim chka cp ala nga lang kuneksyon sa pinas..nyahahah
maganda yang suggestion mu ah..kya lang ayaw pumayag ni biiba ng ganun ung tema..hehe

teka..bakit ba ko natatanong nang tungkol jan sa lablab na yan? anu ba yun, chuchirya na nabibili sa tindahan?haha..