Isang nagmamadaling post lang toh para sa bonggang plenchip ko na si Biiba. (Tumatakbo ang oras at maiiwan ako ng aking busella pag nagkumupad ako ng pagtipa ng mga letra at lumipad ang aking kautakan sa kung saang lupalop.
Si biiba?
atapang atao yan..
Si Biiba?
kahit madalas kong asarin sige kwento pa rin yan?
Si biiba?
kung kani-kanino ko inaasar yan
Si biiba,
parang ate ko na yan
(pero pag winawalangya ko lang xa nian)
Si yanah..
si yanah si yanah yanah yanah...
Si yanah, nung una kong nakilala
Kinaaasaran ko talaga
Napakaingay, pagkadaldal, akala mo araw-araw beerday niya.
Sabi niya nga isa daw syang masamang impluwensya.
Pero, hanga ako sa kanya.
Isang mabuting ina at asawa kay BBW.
Isang ulirang kapitbahay kay Liezel.
Isang mabuting pinsan kei Jheng2, Jp, at Dudeet.
Mahusay na plenchip ng Friday group.
Sumasalo saken pag tipong di ko na kaya.
Ang unang nakapagpalasing saken sa pagtapak ng paa ko sa dubai
una kong iniyakan ng bongga nung nalaman kong........(ckret namin yan)
una kong kinukwentuhan pag may mga "moments" ako.
Unang tumatawag saken pag naiinip xa sa juraktis
una kong tinatawagan pag gusto kong kumain sa labasan
Una kong binabatukan pag nanggigigil ako sa asaran....
At higit sa lahat....
Sya ang unang taong mamimiss ko pag nawala sa tabi ko..:(
Mag-iingat ka palague.
tandaan mo palagi:
"Wag araw-arawin ang pagkaligaw, hindi komo't libre, pwede yan maya't maya"
"Wag sigawan ang kahera sa kainan, baka lagyan niya ng ipis ang pagkain mo"
"Kumain ng madami, dahil madaming bata ang nagugutom sa Pilipinas"
"Paunahin tumawid ang mga ibang lahi, pag nadali ng sasakyan ayus lang..kesa namn ikaw"
"Magtrabaho ka kahit mabaho ang amo mo, for the love of money"
"Isipin mo, mahal mo na ba talaga? kung cno una mag-fall, xa ang talo"
"Ayusin mo ang pagkanta mo, dahil kung ndi, magagalit ang mga lata sa mundo"
"hindi ka ba tatahimik..eto ka pare...2 words..hehe"
Mamimiss kita biiba...Kaya mo yan..wag kang bibitiw..kung ayaw mong magaya sa sinapit ng iba....Patunayan mo na iba ka sa sinasabi nila. Pag naisip mo na iniwan ka na ng lahat, lumingon ka..andito kami para sayo. :)..ismayL...
8 comments:
sino si yanah?.... aheks joke...
parang nakikinita-kinita ko na kung gaano sya sobrang makwento... kung sa blog pa lang dami na kwento...pano pa kya in real person na...huwaw!
mamimis mo nga yan...pero for sure lilingon pa din yan at babalik...may nakalimutan sya... ahahaha!
pandagdag sa dpat niyang tandaan:
* wag mag-uwi ng totpik pag kumain sa resto.
* wag magsuot ng hils pag alam mong malayo ang pupuntahan, mahihirapan ka lang mglakad pag maligaw.
* wag ka lang sumakay sa bisekleta, mag pidal ka din para hindi mahirapan ang mga kasama..
* wag patayin ang selpon pag sumasakay ng taxi, dahil hindi mo ito makontak pag mawala.
* at higit sa lahat wag matutulog sa harap ng conchuter dahil mababasa ito ng laway...
mamimis ka namin lulo......
ADIK...toiknz
naks, ganda ng tribute, at message ah... kelan kaya may gagawa sakin ng ganyan... hehehe
Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan
napakanta ako habang binabasa post mo eh.
dito sa mundo ng blogesperyo, nakakatuwa. kasi kahit hindi tayo nagkikita at magkakakilala, mararamdaman mo ung pag-aalala ng bawat isa.
si yannah, kaya nya yan. kasi may kaibigan syang masasandalan at naririto tayo para tulungan sya kay bro na magdasal.
-Super g-
si yanah..
teka cno nga ba yun?
hehehe
makulit sya sa personal...
haha..napakaingay pa..joke
babalik at babalik yan..sureness na..:)
-Pogi-
kasalanan mo yan b1..
di mo binabantayan ng aus si lulu eh
alam mo namang dapat bawat minuto mo chinecheck ang attendance ng mga gamit niya para hindi nawala..tsktsk..nalingat lang ako hinayaan mo na yung oso..hehe..
-Gillboard-
ganun? di bale gagawan din kita pag nag-abroad ka din..hehe
-Jez-
trulalu mare!
hindi ko rin expected na "mas" madaming tao pa yung makikipagtulungan dito..
i have faith in her..i know that she will not give up on this.
salamatz sa prayers!
wala akong masabi...
u just dont know kung ganoa ko kasaya ngaun talaga.
today, i woke up feeling gloomy and really troubled.. and yet when i logged in... blessings na sobra-sobra ang natanggap ko...
hindi magiging posible ang lahat ng toh kung hindi rin dahil sayo...
kaya... i promise never to give up...i promise to hang on...
syettt u! ahihihihi pinaiyak mo na naman ako...
thank you so much sis...
luv yah!
mwuagggzzzz
-Yanah-
hahaha
kalma..wag maya't mayain ang pag-iyak..hehe
tirhan mo naman yung iba..joke
mabuti naman at nagiging ok na ang lahat.
sabi ku naman sau eh..nothing is impossible basta meron kang faith..:)
naalala ko si Bomz jovi ah..hehe
si yanah
si yanah
si yanah..
hehehe
sinabi mo na lahat...
kitakits
Post a Comment